PROLOGUE

5 0 0
                                    

"Lapitan mo na kasi.." nagulat ako kaya naman napatingin ako sa tabi ko. Seryoso siyang nakatingin sa akin kaya naman napabuntong-hininga na lang ako at ibinalik ang tingin sa harapan.

"K-Kanina ka pa d'yan?" tanong ko sa kaniya.

"Hm, 'di naman.. Pero alam kong kanina ka pa nakatitig sa kaniya." sagot niya naman. Natigilan ako at hindi nakasagot. Alam kong tama ang sinabi niya.

Tahimik kong pinagmasdan ang pagtawa niya habang kasama ang isa pang espesyal na tao sa'kin. Napangiti ako nang mapait.

"Sabihin mo nga sa'kin, Jones.. Do I made the wrong decision?" Bagsak ang balikat kong tanong habang doon pa rin nakatingin.

"Kung ako ang tatanungin? Yes." walang-alinlangan niyang sambit. Napatungo ako. "Are you now regretting what you did?" she asked.

"I w-want to.. But I know I shouldn't be."

"Having regret is not decidable, Bal. It has to be felt without dictating yourself. So if you feel like regretting, then regret."

"You mean, you want me to let myself to have regrets, then afterwards change my decision?"

"I didn't say that, you realized it yourself." depensa niya. Yes hindi niya iyon sinabi sa akin pero alam kong 'yon ang gusto niyang ma-realize ko.

'Why do you have to make me feel totally regretful, Bal?'

"You know I have reasons why I came up on that decision." paliwanag ko.

"Yeah. I know that and I fully understand everything. Besides, you just asked my opinion so I answered based on how I think about the decision you've made. But I am not the one who can tell you whether to regret or to stick on your choice. I just know and understand your reasons, Bal. But I don't know how you really feel so I don't have the right to tell you to be regretful because you yourself should be the one to realize that." malumanay niyang komento. Alam kong nag-aalala na siya sa kalagayan ko ngayon at alam kong naiintindihan niya 'ko.

Sa ngayon, siya na lang ang mayroon ako kaya naman nagpapasalamat talaga ako na hanggang ngayon ay sinusuportahan at nananatili pa rin siya sa tabi ko.

"Thank you, Bal.." I told her habang nakatingin sa sahig. I heard her sigh. "Thank you for making me realize that I am really regretful about my decision eversince, and that I should've chose the other option." and then I look at her. She's now smiling to me like she's really happy that I now realized everything. Alam kong matagal niya nang inaasahan na magbago ang desisyon ko. "But sorry, Bal." nawalang unti-unti ang ngiti niya sa labi dahil sa sinabi ko. "I better be regretful and let myself feel the pain, than to let myself be happy but let special people in my life suffer. Kahit ikaw.. Darating ang panahon na masasaktan din kita kahit ayoko. Darating ang panahon na iiwan din kita kahit gusto ko pang manatili.." lakas-loob kong sambit sa kaniya. Biglang nag-iba ang reaksyon niya at kagyat na nangunot ang kaniyang noo.

"May hindi ka ba sinasabi sa'kin, ha Bal?" mapanuspetsa niyang tanong. Pilit akong ngumiti bilang sagot at muli'y nilingon ang kinaroroonan ng dalawang taong kabilang sa mga naging sobrang espesyal sa akin.

Naramdaman ko agad ang pag-ipon ng likido sa aking mga mata nang makitang wala na sila roon.

'Nakaalis na sila..'

Napatungo na lang ako at muling naramdaman ang sakit na namutawi sa puso ko gaya noong araw na lumayo na ako at hindi na nagpakita pa kahit na kanino.

'Ganyan nga.. Maging masaya kayo kahit wala ako.. At least hindi na ako sobrang makokonsensya sa ginawa kong paglayo.. Mamimiss ko kayo at sana balang araw, makahanap kayo ng taong hindi duwag na kayang manatili sa tabi niyo hanggang sa huli, 'di tulad ko.'

Tame [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon