Happened on:
•June 02, 2003 - MONDAY•••
JEWEL's POV
•••
"Umiwas ka sa gulo ha, Jewel?" paalala ni kuya Meg habang kumakain kami. Hindi na lang ako sumagot. Maya-maya'y narinig ko ang matunog niyang buntong-hininga. "Alam mo ang mga ayaw ko.." hindi pa rin ako sumagot kaya naman sunod na beses niyang nagsalita ay medyo pasigaw na. "Ano ba talagang nangyayari sa'yo??" batid kong naiinis siya. Sino ba namang matutuwa na halos araw-araw ay parang nakikipag-usap siya sa hangin?
-_-
"Kung ayaw mo 'kong kausapin, bahala ka." inis na talagang sambit niya at saka ko narinig ang pabalang na pag-usog ng upuan dahilan para malaman kong tumayo siya at umalis. Nag-angat ako ng tingin at nakitang palabas na siya ng dining room.
'Mas mabuti 'to, kuya Meg.'
Hindi ko nalang pinansin ang pag-eemote niya at nagtuloy na lang sa pagkain. Ayokong ma-late sa unang araw ng klase. Yeah, today is a boring day. May pasok na naman.
>_<
Ngayong may pasok na sa school ay dalawang araw at dalawang gabi na lang ang pasok ko sa trabaho. Sinabihan ko na si Mr. Delmar at pumayag naman agad siya. Every Saturday and Sunday ay umaga hanggang hapon ang trabaho ko, samantalang gabi naman tuwing Martes at Huwebes.
Nang matapos akong kumain ay nag-toothbrush na ako't nagsapatos sa sala.
Mula sa pheripheral view ko ay kita kong dinaanan lang ako ng kapatid ko, which is not so kuya Meg. Siguro nga ay talagang nadala na siya sa kasungitan ko kaya hindi na lang siya namamansin.
Ipinagpatuloy ko nalang ang ginagawa ko at pagkatapos ay umalis na nang hindi nagpapaalam sa kaniya. Napagpasiyahan kong maglakad na lang papuntang highway dahil maaga pa naman. Baka isipin nilang masyado akong excited pumasok.
Naalala ko bigla ang usapan namin ni Dominic nang magkita kami sa isang food chain sa mall.
•••FLASHBACK•••
"Pagkatapos nito isasama kita sa bahay." kusa akong napaangat ng tingin kay Dom.
'Ano bang sinasabi nito? Tss.'
"Nahihibang ka na ba?" Natawa lang siya sa tanong ko. Great.
"What I mean is that I want you to meet my family."
-.-
'Hindi ako interesado sa pamilya mo. Isa pa, akala ko ba ay siya lang ang nasa bahay nila?'
"Ang akala ko ba nasa malayo ang pamilya mo?" tanong ko at tanging ngiti lang ang isinagot niya. "Sa bagay, ang sabi mo nga pala malapit mo na silang makasama.. Kelan sila dumating?"
"Haha, no.."
'Ha? Anong no??'
"They are not the family I am talking about." umiiling na sabi niya na ikinakunot ko ng noo. "My other family are the ones I'll introduce to you kung sakali mang papayag ka."
>_<
"Other family??" naguguluhang tanong ko at agad siyang tumango.
"Yeah. They are my best family next to my original family." sagot niya habang nakangiti. But something is weird on his eyes, it tells something opposite to what's his shown emotion. "So what now? Okay lang bang pagkatapos nito sasama ka sa'kin sa bahay para makilala ang pamilya ko?" muling tanong niya. Tinitigan kong maigi ang mga mata niya dahil gusto kong malaman kung anong talagang intensyon niya sa bagay na 'to. Isa pa, kahit ano namang gawin niya ay hindi niya ako mapapapayag.
BINABASA MO ANG
Tame [ON GOING]
Romance"Eitherway, I don't trust anyone and I don't respect whoever they are. That's simply because I can't and I don't even do that to myself." - Miah Jewel Reveda Started Writing: February 2019 Ended Writing: ---