Happened on:
•May 16, 2003 - FRIDAY•••
KIRA's POV
•••
"Can you please cooperate??" inis na singhal ko kay Kalvin. Kanina pa kasi siya nagrereklamo sa mga pinupuntahan naming stall.
In case you'll ask, we're here at the mall to buy his school supplies.
"I said I don't want notebooks!" masungit na sagot niya. Kung hindi ko lang kapatid 'tong batang 'to, haay. Napapikit ako nang mariin.
"Heller?? Just so you know, you're going to school and of course you need notebooks! You need notes!"
"I said I don't need those! I can remember all the lessons without jotting them out." sagot niya na parang tamad na tamad pa. I rolled my eyes.
"Yeah right. Parehas kayo ng kuya Keiran mong mayabang. Kung ayaw mo ng notebook, ballpen nalang ang bilhin natin."
"Ate Kira, you're such an airhead."
O_O
"Aw! What was that for?!" inis na reklamo niya matapos ko siyang batukan.
"Anong airhead?!"
"How someone will think to buy a ballpen without anything to write on? I just mean that we don't have to buy anything now. Let's just eat."
"Haaay. Suko na 'ko sa'yo. Bahala ka. Sa'n mo ba gustong kumain?"
"Anywhere."
"Okay. Let's go.."
Tamad na naglakad na ako paalis. Nagsayang lang pala ako ng oras pumunta rito. Kung sana sinabi niya na kanina pa bago kami umalis sa bahay na ayaw niya pala ang ideyang pagbili ng mga gamit niya sa school, edi sana nakapagpahinga na lang ako sa bahay.
-_-
Pumunta kami sa isa sa mga fast food chains dito sa loob ng mall.
"'Wag kang bastos, miss. Nakikipagkilala pa 'ko sa'yo e." Pagkapasok namin ay may eksena agad kaming naabutan. And it shocked me seeing who's involved.
It was Jewel. Hawak-hawak ng lalaking nakaupo ang isang kamay niya. Dalawa sila sa isang lamesa at mukhang nagkakainitan sila.
"Bitawan mo 'ko." seryosong banta ni Jewel sa kaniya pero nginisihan lang siya ng lalaki.
"'Wag ka nang magpakipot, miss. Alam ko namang gusto mo rin ako."
"Huwag kang masyadong pakasiguro, kuya. Sa pangit mong 'yan ni tingnan ka hindi ko gugustuhin." gusto kong matawa nang malakas dahil do'n. Kung titingnan ang lalaki ay gwapo naman talaga siya, pero hindi malabong pangit nga siya sa paningin ni Jewel.
Nanlaki ang mga mata ng lalaki at napatayo habang hawak pa rin ang kamay ni Jewel.
"What did you say?! Alam mo miss hindi mo naman kailangang magpahard to get e.."
BINABASA MO ANG
Tame [ON GOING]
Romance"Eitherway, I don't trust anyone and I don't respect whoever they are. That's simply because I can't and I don't even do that to myself." - Miah Jewel Reveda Started Writing: February 2019 Ended Writing: ---