Story happened on:
•April 20, 2003 - SUNDAY•••
JEWEL's POV
•••
"MIAH JEWEL REVEDA!! What did I told you?!" umalingawngaw na naman ang boses ni Kuya Meg sa buong kuwarto ko.
'Kuya linggong-linggo nagsisisigaw ka.'
>>_<<
Naaalimpungatang nagtalukbong na lang ako at tumalikod sa pwesto niya.
"Save your words, kuya.. Matutulog muna 'ko." antok pang sambit ko.
"No! Tumayo ka na jan at mag-uusap tayo!" galit talagang sigaw niya.
Okay, I knew it. Mukhang nalaman niya na ang nangyari kagabi.
"Later, kuya.." talagang inaantok pa kasi ako!
"For heaven's sake, Jewel! Hindi ka na nagtanda! Bakit ba ang hilig mo sa gulo?!" sigaw niya pero hindi na ako sumagot. Kailangan ko ng tulog, kuyaaaa. "I told you to wake up!" sigaw niya at hinila palayo sa akin ang kumot na nakatalukbong sa akin.
'Wala na.. Wala na ang pag-asa ko..'
TT_TT
"You'll wake up o bubuhusan kita ng malamig na tubig?!"
Walang-magawang napakamot na lang ako ng ulo at walang ganang umupo nang unti-unti. I know kuya Meg very well. Alam kong tototohanin niya 'yon.
"O 'yan na nakaupo na!" labag sa loob kong banggit.
'Tulog, break muna tayo ha? Hayaan mo mamaya ipaglalaban kita.'
"Ayusin mo ang sarili mo. Ayokong kakausapin kita nang inaantok ka pa. Maligo ka na, bilis mo. Hihintayin kita sa baba." seryoso masyadong aniya at saka na lumabas ng kwart---
*BLAAAM!!*
Tuluyang nagising ang diwa ko sa gulat dahil sa lakas ng pagkakasara niya sa pinto!
'Balak niya bang itumba yung pinto ko??'
-_-
Wala na 'kong nagawa kundi ang tumayo at dumeretso sa banyo para maligo.
'Makakaganti rin ako sayo, kuya Meg.. Tandaan mo 'yan. Hintay lang bro.'
(--,b
*AFTER 30 MINUTES*
"Akala ko nakatulog ka na sa banyo." sibangot na sabi niya habang pababa ako ng hagdan. Inirapan ko na lang siya. "Sa susunod hindi na pwede 'yang ganyang kilos mo, Jewel. Masyado kang mabagal." masungit na sermon niya.
"Palibhasa wisik-wisik ka lang maligo."
"Naririnig kita."
BINABASA MO ANG
Tame [ON GOING]
Romance"Eitherway, I don't trust anyone and I don't respect whoever they are. That's simply because I can't and I don't even do that to myself." - Miah Jewel Reveda Started Writing: February 2019 Ended Writing: ---