Happened on:
•June 03, 2003 - TUESDAY•••
DOMINIC's POV
•••
"So the saved one is already here.." Christian gave me a warm welcome at our classroom. Napahinto ako sa pagpasok pero hindi ako sumagot. Mag-isa lang siyang nambubwisit ngayon dahil hindi namin kaklase ang dalawa niyang alipores. Tumayo siya at nilapitan ako. "Nakita ko ang eksena niyo nina Veronica sa canteen with that girl.. Siya rin yung babaing nagligtas sa'yo no'ng binugbog ka namin, tama ba 'ko?" ngising tanong niya. Hindi pa rin ako sumagot. "Akalain mong malakas pala talaga ang loob ng isang 'yon.. Hmmm.. She's int'resting ha?" tumatangu-tango pang sabi niya. "Ano mo ba 'yon ha, Lim?" tanong niya pa ulit pero hindi na lang ulit ako sumagot. "Alam mo kasi.. Magaganda naman ang mga estudyante rito at hindi naman maikakaila 'yon.. Pero yung Danna'ng 'yon. Iba ang dating niya. Kung tutuusin napaka-simple ng suot niya kung ikukumpara sa mga kababaihan dito.. Pero iba ang impract ng presence niya. Kaya sabihin mo na sa'kin kung ano mo siya para maligawan ko na."
O_O
'E loko pala 'to e.'
Sinamaan ko siya ng tingin kaya't bigla siyang tumawa.
"Binibiro lang kita, Lim.. Masyado kang seryoso. Type ko sana siya kaso kinalaban niya 'ko kaya hindi na lang. Iyong-iyo na." bigla ay seryosong sabi niya. Kinabahan ako. "H'wag lang sanang darating yung panahon, Lim, na sa kakatanggol niya sa'yo, siya ang mapag-iinitan. Kaya kung ako sa'yo.. Pagsabihan mo 'yang kaibigan mo na 'wag masyadong pakialamera.. Baka may kalagyan siya." banta niya kaya naman lalo akong kinabahan. "Pero mukhang nasa side niya ang Student Council President. Siguro kahit papa'no makakapagyabang pa siya. 'Wag lang niyang hintayin na sa kaniya na mapunta ang atensyon at hindi na sa'yo.."
"Wag na h'wag niyo siyang gagalawin, Christian." hindi ko na napigilan pang magsalita. Ngumisi siya.
"Makikita mo rin, Lim." prenteng sagot niya. "Hindi siya mapapano kung mananahimik na lang siya sa isang tabi. Or else, hahayaan mo siyang mangialam para matahimik na ang buhay mo." at saka niya pa pinagpag ang balikat ko bago ako talikuran at bumalik sa upuan niya.
Tanging malalim na buntong-hininga na lang ang naisagot ko.
Bulungan sa paligid ang nagbalik sa akin sa reyalidad. Sanay na 'kong maging usapan ng mga kaklase ko, madalas pa nga ng buong school.
Tahimik na pumunta na lang ako sa upuan ko at nagmukmuk mag-isa. Eversince naman walang gustong makipag-kwentuhan sa 'kin o kumustahin man lang ako. Wala naman nang kaso sa'kin, hindi na kasi bago.
Actually 10 minutes na kaming late sa practice. At exactly 1:00 kasi dapat nasa practice area na. Pero dahil hindi naman gan'on kahigpit ang trainor namin, kahit ma-late na ng punta ro'n, at saka buong hapon naman ang practice kaya hindi naghihigpit ang trainor namin.
I belong to the swimming team. At kahit wala akong makasundo sa team namin, I stayed there because I really love swimming. At saka kahit naman saang team wala akong kaibigan.
-_-
Unti-unti nagsisilabasan ang mga kaklase ko dala ang sari-sarili nilang sport attires. Pero ako, madalas nagpapahuli para dito na lang ako magbihis sa room para walang manggugulo, mas safe kasi rito. Kumpara kasi sa ibang mga students, ang mga kaklase ko ang less harmful towards me. Maliban syempre kay Christian na napakainit ng ulo sa'kin. My classmates hate me too, but they don't hurt me physically.
BINABASA MO ANG
Tame [ON GOING]
Romance"Eitherway, I don't trust anyone and I don't respect whoever they are. That's simply because I can't and I don't even do that to myself." - Miah Jewel Reveda Started Writing: February 2019 Ended Writing: ---