(9)

1 0 0
                                    

Happened on:
•June 02 - 03, 2003 - MONDAY - TUESDAY

•••

JEWEL's POV

•••

"Kung napipilitan ka lang na samahan ako rito, sumunod ka na sa kaniya. Okay lang ako rito." sambit ni Dominic pagkalabas ng pinto nung unggoy.

'Ba't ba di makali tong lalaking 'to?'

Inihiga ko ng maayos ang likod ko sa kama.

"Pasyente rin ako. Nandito ako hindi dahil sa'yo o kahit kanino. At lalong hindi ko susundan ang unggoy na 'yon." sagot ko. Narinig ko ang malalim niyang buntong-hininga.

"So lumabas din ang totoo.. Na hindi ka nga talaga concern sa akin kaya ka nandito."

"Tumpak." sagot ko na lang para matapos na ang usap. Pagod na pagod na kong magsalita.

-_-

Hindi ko na siya narinig pa muling nagsalita. Good.

"Bago ka lang ba rito, ija?" tanong ng Nurse.

'Mukhang hindi talaga ako pagpapahingahin sa kakadakdak.'

"Oho."

"Magkakilala ba kayo nitong si Dominic?"

"Oho."

"Magkaibigan kayo?"

"Hindi ho."

"E bakit mo siya pinagtanggol kung gano'n?"

"Hm.. Dahil wala ho siguro akong magawa nong oras na 'yon? Siguro nga, iyon. Pero isang dahilan din siguro ay ilang araw na rin mula no'ng huli akong nasangkot sa gulo. Namiss ko ho." napamaang siya sa sagot ko.

"Sa itsura mong 'yan, ija??" di niya makapaniwalang tanong.

"Ha? Anong sa itsura ko ho??" taka kong balik sa kaniya.

"Hindi halata sa mukha mo na mahilig ka sa gulo."

"Looks can be deceiving ho. At ako ho ang malaking patunay."

"Ay diosmiyo kang bata ka." animong aatakihin siya sa puso dahil sa mga sagot ko.

"Pasensya na po kung wala akong modong magsalita. Normal ko ho ito." this time, napanganga na lang siya at napakurap nang ilang beses. "Pakigising na lang ko ako kapag pananghalian na. Sa afternoon class na lang ho ako papasok." at saka na ako pumikit.

"O-Oh sige---"

"Ah! At saka po pala pakipanatiling tahimik ang paligid. Madali ho kasi akong magising kapag may ingay." bilin ko pa at hindi na hinintay pa ang sagot niya. Pumikit na ako at natulog.

•••

DOMINIC's POV

•••

Tame [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon