Happened on:
•May 08, 2003 - THURSDAY•••
JEWEL's POV
•••
It's been a week since no'ng matanggap ako sa trabaho ko. The interview was so easy. Nagtaka pa nga ako kung job interview ba ang ipinunta ko no'n o pina-oral recitation niya sa'kin ang buhay ko. Hindi naman kasi tungkol sa trabaho ko ang mga tanong niya kundi sa buhay ko at sa sarili ko. Pero dahil natanggap naman ako, wala na akong pakialam do'n.
-.-
Papunta ako ngayon sa trabaho ko at sa isang linggong nakalipas, ni hindi ako napagod. Halos hindi ako gumagawa at parang wala ako sa trabaho dahil maya't maya akong pinagpapahinga ni Mr. Delmar. May mga ina-assign siyang gumagawa ng trabaho ko kapag pinagpapahinga niya ako. Well, pabor sa'kin yon dahil hindi ako napapagod. Isa pa, siya naman ang may gustong magpahinga ako unang-una.
"Good morning, Jewel." bati sa akin ni Shine. Siya yung nasa counter na pinagtanungan ko kay Mr. Delmar no'ng interview ko. Araw-araw siyang ganyan, babatiin ako kahit hindi ko siya pinapansin.
Tinanguan ko lang ulit siya gaya ng ginagawa ko sa kaniya mula no'ng unang araw ko rito, at saka na ako umakyat sa office ni Mr. Delmar.
"Good morning, Mr. Delmar.." bungad ko nang maabutan siyang busy sa pagkalikot ng computer niya. Agad siyang lumingon sa akin at agad ding napangiti. Walang emosyong dumeretso na lang ako sa table ko.
"You're late today." sabi niya nang makaupo na ako. Binuksan ko na lang ang laptop at itinuloy ang trabaho ko. Napagpasyahan kong h'wag nang sumagot. "We're going on a tour today. Mamayang tanghali ang alis natin." sabi niya kaya naman agad akong napalingon sa kaniya at kunot-noong tiningnan ang nakangiti niyang mukha.
-_-
"I am not going." deretsa ko sa kaniya. Nawala ang ngiti niya sa mukha.
"B-But you should come.." dismayado niyang sabi. Bumuntong-hininga ako nang malalim para pigilan ang inis.
"I am not prepared at ayokong sumama. Hindi ako nakapagpaalam kay kuya Meg."
"Wouldn't you change your mind?"
"No. Magtatrabaho ako ngayon." may diin kong sabi kaya naman nag-iwas siya sa akin ng tingin at napapabuntong-hiningang napatungo.
"Okay.." nang mag-angat siya ng tingin sa akin ay nakangiti na siya, ngunit kakikitaan ng pagiging pilit. "I went at work today because I'll be bringing you with me on that tour. Pero dahil ayaw mo, hindi naman kita pipilitin. I'll be going home now, hinintay lang talaga kitang dumating. My friend Kei will be here para ituloy ang trabaho ko. He will be the one to work with you today."
"Okay, Mr. Delmar." sagot ko nalang at saka na ako bumalik ng baling sa laptop.
Narinig ko na lang ang pagkaluskos ng mga gamit niya at maya-maya'y ang pagsara ng pinto, sapat na para malaman kong nakaalis na siya.
Kung hindi ako nagkakamali, yung lalaking nandito rin sa office niya noong interview ko, yun ang Kei. Well, wala akong pakialam sa kaniya pero dahil makakatrabaho ko siya ngayon at kapalit siya ng boss ko, sa tingin ko kahit papano magbi-build ako ng pakialam sa kaniya dahil nasa kaniya ang mga kakailanganin ko sa trabaho ko ngayon.
BINABASA MO ANG
Tame [ON GOING]
Romance"Eitherway, I don't trust anyone and I don't respect whoever they are. That's simply because I can't and I don't even do that to myself." - Miah Jewel Reveda Started Writing: February 2019 Ended Writing: ---