Happened on:
•June 03, 2003 - TUESDAY•••
JEWEL's POV
•••
Pagkatapos kong makuha ang mga dokumento ni kuya Meg, agad na kaming umalis ng unggoy na 'to. At kahit papano pala ay may advantage ang pagsama niya dahil gamit namin ngayon ang kotse niya. Menos gastos ako.
d--,b
"Pasok ka jan sa kantong 'yan." utos ko sa kaniya na sinunod niya naman agad.
"Alam mo bang panay bukam-bibig ni Mom sa amin ang pagpunta niya sa bahay niyo?"
"Hindi." walang ganang sagot ko.
"I know. Kaya nga sinasabi ko e."
"Ge lang."
"Taga-rito lang sa barangay niyo si Dominic, diba?"
"Hm." at saka ako tumango.
"Alam mo bang hindi siya pumasok ngayon? He's my classmate kaya alam ko." kwento niya. Naalala ko na naman tuloy yung sitwasyon ni Dominic. Mayroon sa loob ko na naaawa sa kaniya.
Pero hindi na lang ako sumagot.
"Mas mabuti na rin 'yon para makapagpahinga siya." dagdag niya pa pero hindi na lang ulit ako sumagot. "Sabahin mo na lang kung sa'n ako hihinto."
"Sige."
Mga ilang bahay na lang naman mula rito ay bahay na namin.
"Yung gate na green tapos may swing sa bakuran. Dun ang bahay namin."
"Ah, okay."
Huminto siya sa harap ng gate namin at binuksan ko na ang pinto para lumabas.
"Hintayin mo na lang ako rito. Babalik din agad ako." at saka ko isinara ang pinto ng kotse niya at pumasok sa gate namin.
"Teka! Ano ako inarkila mo? Hindi naman ako papayag na maging tagahatid lang. Pagmiryendahin mo muna ako!" reklamo niya. Napamaang na lang ako dahil sa kakapalan ng mukha niya.
"Bwiset! Oo na pumasok ka na!"
Kung tatanggi pa kasi ako ay mahaba-habang diskusyunan na naman. Gamit na gamit na ang laway ko dahil sa kaniya!
"Hehehehe. Salamat sa pamimilit." sabi ng lapastangan. Lahat talaga ng pambubwisit alam niya. Agad niya akong naabutan kaya't sabay kaming pumasok sa loob. At si kuya Meg, naabutan naming nakaupo sa sala at suot na ang formal attire niya.
"Jewel! Mabuti at umabot ka---" natigilan siya nang makita ang nakasunod sa likod ko. Gulat siyang napatitig sa nasa likod kong unggoy.
"Good morning." bati ng unggoy at dahil sa gulat ay napatango na lang nang wala sa oras si kuya Meg.
"S-Sinong kasama mo, Jewel?" tanong niya sa akin ngunit nasa unggoy ang tingin. Inabot ko sa kaniya ang mga documents niya.
BINABASA MO ANG
Tame [ON GOING]
Romance"Eitherway, I don't trust anyone and I don't respect whoever they are. That's simply because I can't and I don't even do that to myself." - Miah Jewel Reveda Started Writing: February 2019 Ended Writing: ---