(8)

1 0 0
                                    

Happened on:
•June 02, 2003 - MONDAY

•••

JEWEL's POV

•••

"A-Ah!! T-Tama na.." kanina pa ako nagpipigil na mangialam. Binubugbog na si Dominic at hindi ko rin alam kung saang banda na ba ng school itong lugar na ito. Hindi ko rin magawang biglang sumugod dahil maliban sa hindi naman ako trained sa pakikipaglaban, alam kong hindi ako involve sa kung anumang issue nila.

Sunud-sunod na suntok ang natanggap niya mula sa tatlong lalaki.

"Masyado kang pakialamero ng relasyon!" isa pang panibagong suntok. "Dapat sa'yo mamatay na! Papatayin kitang g*go ka!!" at doon na ako naalarma nang husto. Sa itsura kasi ng mga lalaking 'to ay hindi malabong gawin nga nila iyon. Hindi rin ako patatahimikin ng konsensya ko sakali mang hayaan ko lang silang gawin 'yon.

"Oy!" tawag-pansin ko sa kanila nang lumabas ako ng lungga. Natigil sila sa pagsuntok kay Dominic at lahat sila ay napalingon sa akin. Kahit na natatabunan na ng dugo ang buong mukha ni Dominic ay kita ko pa rin ang pagtataka sa mukha niya at ang pagkagitla nang makita ako.

"D-Danna??"

"At talagang nagdala pa ng kakampi ang g*go! Ikaw, miss! Umalis ka na kung ayaw mong magaya sa isang 'to."

"Ang lakas naman ng loob mong utusan ako? E kung ikaw ang paduguin ko nang mas malala pa d'yan??" mayabang na banta ko. Nangunot ang mga noo nila.

"D-Danna umalis ka na.. W-Wala kang maitutulong dito."

"E kung ayoko?" walang emosyong tanong ko sa kaniya. Saglit siyang natigilan ngunit maya-maya'y napangisi nang mapait.

"U-Umalis ka na.. Wag kang u-umastang may pakialam ka s-sa'kin. Isa pa, l-labas ka rito.. Kaya ko na ang sarili k-ko.."

"Kaya mo na ang sarili mo?! E ano yang itsura mo ngayon?!" inis na sumbat ko sa kaniya. Hindi siya nakasagot.

"Hoy miss! Kung ako sa'yo makinig ka dito kay Lim. H'wag kang makialam dito."

"Kaso hindi ikaw ako.. At hindi magiging ikaw ako dahil napakapangit mo."

O_O

Sobrang nanlaki ang mga mata niya at bumalatay ro'n ang galit.

"Ginagalit mo 'kong babae ka." sinabi niya iyon nang hindi pinaghihiwalay ang pang-itaas at pang-ibabang ngipin niya. "Binigyan ka na namin ng pagkakataong umalis pero makulit ka. Makakatikim ka ngayon."

"W-Wag!!" pinigilan siya ni Dominic sa tangkang paglapit sa akin. Aaminin kong may kaunting takot akong nararamdaman ngayon. Pero hindi dahil baka masaktan ako, dahil sa dami ng pasa at sugat na natamo ko mula pa pagkabata, hindi na ko nag-aalalang baka magkaro'n ulit ako no'n. Sadyang mukha lang siyang piranha kaya medyo naalerto ang mata ko.

d--,b

"A-Ako ang k-kailangan niyo, hindi ba? Kaya h-hayaan niyo siyang u-umalis.. D-Danna, sinabing umalis ka na! Hindi kita kailangan dito." biglang baling niya sa akin.

Tame [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon