Chapter 31

10 1 0
                                    

Xyron's POV

Sunday na naman at may pasok na naman bukas. Grabe ang saya ko talaga dahil sa date namin kahapon.
Nakarating na kami kina Sam hinatid ko na siya then umuwi na rin ako sa condo ko. Pinag-sstay pa ako ng mommy niya pero tumanggi na lang ako. Para naman makapagpahinga pa kami ni Sam. Hapon na kasi kami nakarating sa Manila mga 5:00 na kaya naman naisipan ko na lang kumain muna. At tinawagan ko si Sam
Wifey
Hello wifey. How are you?
Haha parang hindi naman tayo nagkita kanina husbie.
Hahaha gusto ko lang makasigurong safe ka at okay ka.
Hayyy! Natouch naman ako husbie. Luv u na garud.
Luv u too wifey. Cge magpahinga ka na dahil alam kong napagod ka sa biyahe.
Yep captain!
Okay bye wifey. Luv you so much. Muahhh!
Okay husbie babye. Luv u tooooooooooooooooooooooo!
Then pinatay ko na ang cp at nagpahinga na.

Kinabukasan maaga akong nagising dahil maaga ang pasok namin ngayon. Kaya naman nagbihis na ako then nagpunta sa bahay nila Sam para sunduin siya. Mga ilang minuto pa ay nakarating na rin ako. Pinapasok na ako ni Yaya Rosa sa loob at naabutan ko naman na kumakain na sila tita.
Napansin naman ni ate Mara ang presensiya ko at tinawag niya naman ako kaya napalingon sila sa akin. Ngumiti naman si tita. Si tito naman ay tinawag na ako.
"Xyron, iho come here tara kumain." Nakangiting sabi niya. "Ah hindi na po dad kumain na po ako kanina.  Nagpunta lang po ako rito para sunduin si Sam, maaga po kasi ang klase namin ngayon." Magalang na sabi ko sabay ngiti. "Ah ganun ba sige tatawagin ko na si Sam. Yong bata talaga na iyon ang bagal kumilos." Pagprepresinta niya. Pinigilan ko naman siya. "Ah dad ako na lang po ang tatawag. Ituloy niyo nap o ang pagkain niyo." Sabi ko sabay ngiti tango lang naman ang isinagot niya sa akin. Habang si mom naman ay nakangiting nakatingin sa akin. Samantalang nakangiting kumindat naman si ate Mara sa akin. Maya maya pa ay nandito na ako sa tapat ng kwarto ni Sam. Sakto sanang kakatok ako pero biglang bumukas ang pinto. Gulat na mukha ni Sam ang sumalubong sa akin. "Oh husbie an gaga mo naman ata." Nakangiti ng sabi niya ngayon. Ngumiti naman ako at pinitik ang noo niya. "Kasi nga po mahal kong wifey, para hindi tayo malate. Ang bagal mo pa namang kumilos." Pabirong sabi ko. Nagpout naman siya kaya tumawa na lang ako at kinuha ang bag niya then bumaba na kami.
Lumapit siya sa mom and dad niya at kiniss sa cheeks ang mga ito. Ganoon din ang ginawa niya kay ate Mara. Then nagpaalam na kami. Ilang minuto lang ang biniyahe namin ng makarating kami sa campus.
Isang malaking tarpaulin ang sumalubong sa amin pagpasok namin ng engineering department. Marami rin namang bumabati at nagcocongratulate sa amin.
Nakarating na nga kami sa room pero wala namang tao. San kaya nagpunta ang mga ito.
Maya maya pa ay nagsidatingan na rin sila. Ang bawat isa sa mga kaklase ko ay may hawak na bulaklak ung pang hawayana. Ung sinasabit sa leeg.
"Congrats! King and Queen." Sabi ng kaklase kong si Jessica. Ngumit lang naman kami ni Sam.
Marami kaming natanggap na bulaklak. Then ang pinakahuling nagbigay ay sina Ivan and Reign.
"Congrats! Sa inyong dalawa. Deserve niyo talaga ang korona." Masayang sabi ni Reign then niyakap niya si Sam. Napangiti na lang naman ako. Then maya maya pa ay lumabas si Ivan nakahawayana(hawaiiana) siyang damit at nakasalamin pa. may nakasabit din na bulaklak sa leeg niya. "Hello mahal na hari at mahal na prinsesa." Sabi niya at yumuko pa talaga. Nang makalapit na siya sa amin ni Sam ay binatukan ko nga. Haha natatawa namang nakatingin sa Reign sa kanya. "Ano na namang kalokohan to pre. Haha baduy ng pauso mo." Sabi ko sabay tawa. Nakanguso naman siyang tumingin sa akin then lumapit kay Reign at parang kawawang bata na inaway ang itsura niya. Haha
"Baby loves. Inaaway ako ni Xyron o." pagsusumbong niya kay Reign tumatawa namang lumingon sa kanya si Reign at kinurot ang pisnge niya. "Ang cute cute mo talaga babe. Tara na nga at parating na raw si ma'am." Sabi ni Reign sabay hila kay Ivan. Si Ivan naman ay tumingin sa akin at dumila pa talaga ha. Haha napaka-isip bata talaga nitong tao na to.
Hinila naman na ni Sam ang kamay ko then umupo na rin kami sa upuan namin. Maya maya pa dumating na rin ang prof namin.
"Okay class congratulation sa ating new Campus King and Queen. Because they did a very good job. Let's give them a round of applause." Sabi ng prof. namin. Pumalakpak naman ang mga kaklase namin ni Sam. Ngumiti lang kami at nagpasalamat sa suportangipinapakita nila.
Then maya maya pa ay nagklase na rin kami.
Natapos na ang klase namin kaya napagpasyahan naming kumain sa cafeteria sumabay naman sa amin sina Ivan at Reign.
Nang makarating kami roon ay walang tigil pa rin sa pagbati ang mga nakakasalubong namin. Pumila na kaming apat sa pinakahuli. Pero pinasingit naman kami ng iba hanggang makarating kami sa harapan. Tumatanggi kami nila Sam kaso makukulit talaga sila kaya naman pinabayaan na lang namin.
Umorder na ako ng pagkain namin ni Sam pinaupo ko na siya sa upuan namin. Umorder ako ng dalawang sandwich, dalawang spaghetti, then dalawang orange juice at dalawang fries. Si Ivan naman umorder ng tatlong hotdog, dalawang spaghetti, dalawang footlong at dalawang sandwich na hotdog and ham ang palaman. Then dalawang apple juice. Pansin ko lang ang hilig talagang kumain ng hotdog ng taong ito. Akala mo bata.
Matapos naming makuha ang order namin ay pumunta na rin kami sa pwesto namin then nagsimula ng kumain. Sinusubuan ko si Sam then sinusubuan niya rin ako ng spaghetti. "Baby cake, subuan mo rin ako." Nakapout na sabi ni Ivan. Ngumiti naman si Reign then sinubuan niya na si Ivan. "Buti Reign natitiis mo yang isip bat among boyfriend. Kung ako sayo hihiwalayan ko na yan." Pabirong sabi ni Sam sabay kindat sa akin. Alam ko namang inaasar niya lang naman si Ivan. "Nagdadalawang isip na nga ako Sam eh." Sagot naman ni Reign sabay kindat sa amin. Napatigil naman sa pagkain si Ivan habang mukhang maiyak-iyak na tumingin sa amin. "Honey pie, 'wag mong gagawin yan. Huwag kang makikinig sa kanila. Pre niloloko na naman ako ni Sam o. Tsk ang gwapo ko talaga. Hindi mo naman sinabi Sam crush mo pala ako." Sabi ni Ivan saby ngiti at kindat kay Sam. Binatukan ko naman si Ivan. Kaya tumawa naman ang dalawa.
"ARAY! Pare nakakasakit ka na ah. Grabe ka talaga pare.hindi na kita mahal. Si Sweety pie na lang ang mahal ko." Sabi niya sabay yakap sa beywang ni Reign then sinandal niya ung ulo niya sa balikat ni Reign. Natatawa lang naman si Reign at si Sam. "Huwag kang mag-alala pare, hindi rin kita mahal. Dahil si Wifey lang ang mahal ko." Sabi ko sabay akbay kay Sam.
Natapos ang araw na un na puros pang-aasar lang ang ginawa namin kay Ivan. Haha loko-loko talaga un napaka-isip bata. Buti hindi sumasakit ulo ni Reign doon. Hahaha.
Sabagay kung mahal mo nga naman talaga ang isang tao, tanggap mo lahat lahat sa kanya, ugali, itsura at iba pa. Kasi nga mahal mo eh. Iba talaga nagagawa ng pagmamahal. Hayyyyy! Mukhang tinamaan talaga kami ng bestfriend ko sa mga babaeng kasama namin ngayon. Kaya masasabi ko naman na napakaswerte namin ng bestfriend ko. Dahil nakilala namin ang mga babaeng pupuno sa puwang ng puso namin. Dahil nakilala ko ang isang Samantha Snow Dy, samantalang nakilala naman ng bestfriend kong si Ivan si Reign Chandria Santos.

Falling In Love With Mr. CaptainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon