Chapter 30

15 1 0
                                    

Samantha's POV

Grabe napagod ako doon sa dance craze. Kaya naman napagpasyahan naming kumain naubusan ata ako ng energy. Napili naming kumain sa Mang Inasal.
Umorder na si Xyron kaya naman hinintay ko na lang siya sa table namin. Noong makarating na siya ay naghugas na ako ng kamay. Mas masarap kasing kumain ng nakakamay. Nagpray muna kami then nagsimula ng kumain. Nagtataka namang Nakatingin sa akin si Xyron kaya naman nginitian ko na lang siya. At nagsimula ng kumain gamit ang aking kamay. Napangiti naman si Xyron then naghugas na rin siya ng kamay then kumain na kami. Kung minsan sinusubuan niya ako. Then kung minsan sinusubuan ko rin naman siya. Grabe naka-anim na rice pala kami..... bale tatlo sa kanya then tatlo rin sa akin. Nang matapos kaming kumain, naghugas muna kami ng kamay then Nagpahinga lang kami nang kaunti. Maya maya pa ay bumili na rin kami ng ticket then pumasok na kami sa loob ng sinehan.
IF ONLY ang pamagat kaya mukhang napakaganda. Sa may bandang gitna kami umupo. Then maya maya pa nagsimula na ang movie. Magkahawak kamay kami ni Xyron habang tutok na tutok ang mga mata sa screen.Ilang oras pa ang lumipas ay natapos na rin ang movie. At heto ako ngayon umiiyak. "Tapos na ung movie wifey. Bakit umiiyak ka pa rin? Napaka-iyakin mo talaga." Pabirong sabi niya sabay ngiti sa akin at punas sa mga luha ko. "Eh kasi naman husbie.............." then nagsimula na naman akong umiyak. "Bakit pa kasi kailangang mamatay ni boy? Nabago niya naman ung nakatadhana kay girl ah. Nailigtas niya si girl. At hindi nagkatotoo ang aksidente ni girl. Hindi namatay si girl. Pero bakit kailangan pang mamatay si boy? Okay naman na lahat eh. Hindi ba pwedeng they live happily ever after na lang?" umiiyak pa rin na tanong k okay Xyron. Nakangiti naman siyang nakatingin sa akin then pinunusan niya ang mga luhang tumutulo sa aking mga mata. "Ano ka ba wifey, movie lang yan. Tsaka hindi yan mangyayri sa totoong buhay. Hinding hindi ko hahayaan na mangyayari sa atin yan." Sabi niya sabay halik sa noo ko. Lumabas na kami ng sinehan then nagpunta na kami sa parking lot at umuwi na kami sa vacation house.
Maya maya pa ay nakarating na rin kami. Tahimik lang ako kaya naman lumapit sa akin si Xyron at niyakap ang beywang ko. "Ano ka ba wifey, Huwag mo ng isipin yon. Movie lang yon okay. Hindi ako mawawala sayo. Nandito lang ako palagi sa tabi mo." Sabi niya sa akin sabay halik sa noo ko. Yumakap lang ako sa kanya ng mahigpit then nagsalita na rin ako  "Natatakot lang kasi ako Husbie. Ayokong mawala ka sa akin." sabi ko sabay tulo na naman ng luha sa mga mata ko. Umiiyak na ako sa dibdib ni Xyron. Itinaas niya naman ang mukha ko kaya magkapantay na ngayon ang mga maukha namin. "Ano ka ba wifey, ilang bese ko bang uulitin sayo. Hindi ako mawawala sayo. Hindi ako mawawala sa tabi mo. Nandito lang ako. Okay shushhhh! Tahan na papangit ka na niyan sige ka." Pabirong sabi niya. Ngumiti naman na ako at niyakap ko ulit siya nang mahigpit. Then pumasok na rin kami sa loob ng vacation house nila. Resort kasi ito kaya naman marami-rami rin ang tao. Nagpunta na nga kami sa room then nagsimula ng matulog. Nakahiga na ako sa kama habang nakahiga naman na si Xyron sa may sofa. Matutulog n asana ako kaso nakita kong hindi kumportable si Xyron sa Higaan niya kaya tinawag ko na siya. "Husbie. Dito ka na lang. Tabi na lang tao para hindi ka na mahirapan diyan." Sabi ko. Umiling naman siya kaya kinulit ko ulit siya then. Gotcha! Pumayag din siya. Magkatabi na kami ngayon habang natutulog. Hindi ako makatulog kaya pinalapit pa ako ni Xyron sa tabi niya kaya naman nakayakap na ako sa kanya. Hinahaplos niya naman ang buhok ko then nagsalita siya. "Hindi ka ba makatulog wifey?" nag-aalalang tanong niya. Tango na lang ang naisagot ko sa kanya. Ngumiti lang naman siya at nagsimula ng kumanta. Maya maya pa ay nakaramdam na ako ng antok. Mahal na mahal kita wifey. Goodnight. Bulong niya sabay halik sa noo ko. Yan ang mga katagang narinig ko sa kanya bago ako hilain ng antok.......................................................... Ganito pala ang feeling ng kayakap ang taong mahal mo. Piling ko tuloy ako na ang pinakasafe na tao. Piling ko hindi ako mapapahamak dahil kayakap ko ngayon ang taong piakamamahal ko..........................................................

Kinabukasan nagising na lang ako sa matinding sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Umaga na pala. Bumangon na ako then naligo na at nagbihis. Suot ko ngayon ang binili naming damit kahapon sa mall. Bumaba na ako then nagpunta sa kusina dahil may naaamoy akong masarap na pagkain. Nang makarating ako doon ay nadatnan ko si Xyron nan aka-apron lang habang nakasuot ng Sando. Nakatalikod siya kaya hindi niya ako nakikita. Lumapit ako sa kanya then niyakap siya sa likuran. Mukhang hindi naman na siya nagulat dahil hinawakan niya rin ang kamay ko. Maya maya pa ay humarap na rin siya. "Good morning wifey." Sabi niya sabay halik sa noo ko. "Good morning din husbie." Sabi ko naman sabay pisil sa pisnge niya.
Pinaghila niya na ako ng upuan kaya umupo na rin ako. Then inihain na rin niya ang niluto niyang bacon, egg, ham and hotdog. Then nilagyan niya na ng kanin ang plato ko. "Thanks husbie." Sabi ko sabay ngiti nang malapad. Kumindat muna siya bago nagsalita. "Basta para sayo my queen." Sabi ni sabay ngiti. "Sir aka talaga. Kumain na nga tayo." Sabi ko sabay ngiti. Then kumain na nga kami. Maya maya pa ay natapos na rin kaming kumain kaya naman hinugasan ko na rin ang pinagkainan namin.
Nagpahinga lang kami ng mga ilang minuto then nagpasya na kaming umuwi sa Manila.....

Falling In Love With Mr. CaptainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon