Chapter 12

17 1 0
                                    

Samantha's POV

Kinabukasan maaga akong sinundo ni Xyron para hindi kami malate. Strict pa man din ang prof. namin ngayon.

On the way na kami papunta sa campus as usual 'di na naman ako nabagot sa biyahe dahil kwento nang kwento si Xyron about sa mga kalokohan niya noong bata pa siya. Nakakatuwa nga eh. Ganun pala siya kakulit noong bata siya. Hanggang sa nagkwuwento na rin siya ng tungkol sa kanyang kababata.

"Sam alam mo ba, mayroon akong kababata, now-now ang pangalan niya. 5 years old kami noon nang huli kaming magkita. Nangako pa nga kami sa isa't isa na papakasalan namin ang isa't isa kapag tumanda na kami. Kaso 'yon na pala ang huli naming pagkikita kasi nabalitaan ko isang araw. Umalis na sila, lumipat na sila ng bahay. Kaya naman nawalan na ako ng balita tungkol sa kanya." Malungkot na wika niya.

"Wag kang mag-alala makikita mo rin siya. Wait lang pano kung makita mo ulit siya? Anong mararamdaman mo?" tanong ko sa kanya. Para malaman ko na rin agad kung saan ako lulugar diba. Malay natin, mas mahal niya pala ang kanyang kababata kaysa sa akin diba? Handa naman akong magparaya eh. Basta ba makita ko lang na masaya siya ay masaya na rin ako para sa kanya.

"Kung sakaling magkita man kami, ayos lang kasi nandyan ka naman na sa tabi ko eh. Kaya okay na ako. Ikaw na lang papakasalan ko. Tsaka mga bata pa naman kami noon malay mo nakalimutan na niya ung tungkol doon." Sabi niya sabay kindat at ngiti.

"Loko ka talaga." Sabi ko sabay hampas sa braso niya.

"Ouch! Haha syempre biro lang. Pero sa totoo lang wala na akong babaeng gustong iharap sa altar kundi ikaw lang. Kundi si Samantha Snow Dy lang." sabi niya sabay ngiti nang napakalapad sabay kindat. Kaya naman hindi na namin namalayan na nasa may tapat na pala kami ng campus. Bumaba na kami at sabay na pumasok ng room.

Nang makarating na kami sa room ay sakto namang dumating na rin ang aming prof.

"Okay class good morning!" our prof said

"We don't have a class today because we're having an emergency meeting." Umpisa ng prof.

"Kaya ako narito ngayon ay dahil may malaking announcement akong ibabahagi sa inyo. Alam niyo naman na siguro na next month na ang search for our campus king and queen. Kaya naman inaasahan na magkakaroon ng representative ang bawat course na mayroon sa ating campus. All you need to do is to cooperate. So sino ang gusto niyong maging representative para sa elimination round ng buong engineering department?" tanong ng aming prof.

Natahimik nang kaunti ang aming mga kaklase sabay tingin sa aming dalawa ni Xyron. Nagtaas naman ng kamay ang president namin at laking gulat ko na lang sa sumunod niyang sinabi.

"Ma'am I think Xyron and Sam will totally do it," she said and smile

"Oh! Okay Mr. Cheng any comment?" our prof asked.

"Ahm... a-ano po ma'am wala pa kasi akong experience sa mga ganyan eh. Pero I will do my best to make our department the best among the rest." He said then smile widely. Kaya naman nagtilian ang mga kaklase kong babae pati na rin ang ibang lalaki. Kaya naman wala na akong magagawa pa. Kakayanin ko to kahit na medyo kinakabahan ako. Meron naman na akong experience sa mga beauty search na ganito kasi sa Korea, sa dati kong school nilalaban na rin ako sa mga contest na ito.

Noong first-year college nga ako eh. Nanalo akong Ms. Campus Queen sa school namin. Shhhhh! Quiet lang kayo ah. 'Wag kayong maingay. Ayoko na kasing balikan 'yong titulo ko na iyon kasi nga marami ang umaaway sa akin sa Korea dahil sa titulo na iyan. Marami ring lalaki ang nagbalak manligaw sa akin pero hindi ko talaga sila pinansin. Minsan pa nga'y napagkamalan akong third party nong magjowa sa school namin and ang ending sinabunutan ako at sinaktan. May fraternity pala kasi 'yong girl. Kaya isa rin yan sa reason kung bakit ginusto nila mommy na lumipat ako ng school. Kaya ginusto nilang lumipat sa Pilipinas para matigil na ang pambubully sa akin sa school na iyon.

Pero kahit na nanalo na ako dati, hindi pa rin matanggal ang takot at kaba sa aking dibdib. Matagal-tagal na rin kasi iyon kaya ngayon at todo-todo talaga ang kaba ko. Pinilit ko na ngang kalimutan iyon eh. Pero tama talaga si ate, hindi ko matatakasan ang pageant world. Darating at darating din ang panahon na muli akong sasabak sa mundo ng Pageantry. At ito na nga ang pagtataaong iyon. Nangangamba man, kinakabahan man ako at natatakot alam ko namang walang mangyayari sa akin kasi nandyan si Xyron. Kaya panatag ang loob ko at handa akong sumubok muli. Ayoko rin namang ipahiya ang department namin.

"Ms. Dy any comment?" our prof asked

"Ahm nothing ma'am. I will accept the challenge." I said then smile. Nakita ko namang napangiti na rin ang prof namin ngunit ako lang ata ang nakahalata.

"Okay goodluck. Sya nga pala bukas na ang elimination para sa buong engineering department. Eto ang mga kailangang dalin." Sabi niya sabay abot sa maliit na papel sa aming dalawa ni Xyron.

"'Wag niyong ipapahiya ang block natin. Okay!" huling litanya niya bago tuluyang umalis. Tango na lang ang naisagot namin ni Xyron.

Matapos yon tuwang tuwa na lumapit sa amin ang aming mga kaklase at walang sawang chineer kaming dalawa ni Xyron...........................................................................................

Falling In Love With Mr. CaptainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon