Chapter 11

18 1 0
                                    

Xyron's POV

Ngayon na ang laban namin kaya may kaunting kaba akong nararamdaman. Syempre bilang team captain hindi mo pa rin maiiwasang mapressure lalo na ngayon na wala pang katalo-talo ang campus namin............. Sana nga manalo kami ngayon. At sana manalo na rin ako sa puso ni Sam. Gusto ko na kasi siyang maging girlfriend. Gusto na rin kasi siyang makilala nila mommy. Siya kasi palagi ang bukambibig ko kila mommy. Kaya siguro ganoon na lang din nag kagustuhan nilang makilala si Sam.

Napagdesisyunan ko na kasi na pagkatapos ng laban namin ngayon, tatanungin ko na si Sam para maging official na kami. Anuman ang maging desisyon niya tatanggapin ko yon nang buong puso. Ganun ko kamahal si Sam. Gusto ko na palagi siyang masaya. Ayokong nakikita siyang malungkot at lumuluha. Kahinaan ko kasi ang makakita ng babaeng malungkot at lumuluha. Never ko pang nakita sa ganoong sitwasyon ang mommy ko or ang mga tita at pinsan ko. Kaya naman 'yon ang pinaka-ayaw kong makita sa lahat.

Mga ilang minuto pa ang lumipas nang magsimula na ang aming laban. 'Di ako makapagconcentrate dahil hinahanap ko si Sam. And aaminin kong kinakabahan din ako kasi magagaling talaga ang mga kalaban namin ngayon. Kaya naman ang score ay 15-7. 15 na puntos ang kalaban samantalang 7 puntos pa lamang kami. Maya-maya pa ay nabuhayan ako ng loob nang makita ko na rin sa wakas si Sam. Kaya naman nakapagconcentrate na ako nang maayos. Humabol ang team namin kaya naman parehas na kami ng score ng kalaban. Ako ang magseserve ngayon kaya sinigurado kong hindi sasablay ang tira ko. Nagconcentrate ako at huminga nang malalim then lumingon ako sa gawi ni Sam at nginitian siya nang malawak.

At hindi naman ako nagkamali dahil hindi natira ng kalaban ang bola kaya favor ang score sa amin. Ilang beses pang pumuntos ang team namin kaya naman ngayon ang score na namin ay 20-15. 20 ang puntos namin samantalang 15 naman ang puntos ng kalaban. Kaya naman pinaghusayan pa namin nang husto kaya naman sa huli kami rin ang nanalo. May isang set na kaming panalo, isang set pa dapat ang maipanalo namin para tuluyan naming maipanalo ang game na ito.

Lumipas pa ang ilang oras ay natapos na rin ang laban naman. Masasabi kong magagaling din ang nakalaban namin. Pero ganun talaga atleast nakaya naman namin. Kaya naman sa huli umuwing masaya ang team namin.

Papalabas na ako ngayon ng gym ng biglang sumalubong sa akin ang isang napakagandang ngiti ng babaeng pinakamamahal ko.

"Xyron, ang galing mo kanina. Ikaw na talaga idol ko." Sabi niya sabay ngiti.

"Ang totoo nyan Sam, para sayo talaga 'yon. Ikaw kasi ang nagsilbing inspirasyon ko eh." Sabi ko sabay kindat sa kanya. 'Di niya naman naitago ang pamumula ng kanyang mukha. Ang ganda-ganda niya talaga, hindi nakakasawang pagmasdan ang kanyang mukha.

"Bolero ka talaga." Sabi niya sabay nahihiyang ipakita ang namumula niyang mukha.

"Oo, bola ang nilalaro ko. Pero hindi ako bolero, kasi ipinapakita ko lang ang nilalaman at isinisigaw ng aking puso." Sabi ko sabay kindat ulit sa kanya.

"Diyan ka na nga!" sabi niya sabay alis pero hindi nakalagpas sa akin ang lihim niyang pagngiti. Hinabol ko naman siya at niyayang kumain. Nakangiti pa rin siya at Pumayag ding sumama sa akin para kumain. Ala-una na kasi ngayon 'di pa kami nanananghalian tanghali na kasing natapos ang laban namin kaya heto kami ngayon kumukulo ang tiyan.

Nang makarating na kami sa Jollibee, umorder agad ako ng 2 order ng chicken with rice, meron na rin ung coke, burger at French fries............................... Nakakagutom naman kasi eh.

"Ang dami mo naman atang inorder, mauubos ba natin lahat yan?" nakangiting tanong ni Sam

"Oo naman, syempre mapapasarap kain ko eh. Kasi kasama kita. Tsaka gutom na gutom ako eh.................................. Sa pagmamahal mo. Haha biro lang" sabi ko sabay kindat kay Sam. Kaya ang resulta namumula na naman ang mukha niya. This girl, hindi niya alam na cute siya kahit sa simpleng bagay lang......................... isa na talaga akong malaking tanga at gago kapag pinakawalan, sinaktan at niloko ko pa ang babaeng ito.

Pero sana nga sagutin niya na ako. Para makapagdate na kami nang maayos at mas romantic pa kaysa sa mga date namin............................... Gusting-gusto ko na talagang makamtan ang matamis niyang oo..........................

Pero kung hindi pa talaga siya handa, hihintayin ko siya kahit gaano katagal.....................

Dahil sabi nga nila, ang pagmamahal nakapaghihintay yan kahit gaano pa man katagal.....................................................................................................................................

Dahil nakatitiyak ako na si Sam na talaga ang babaeng ihaharap ko sa altar, ang magdadala ng apelyido ko at kasama kong tatanda balang araw. Ang siyang magiging ina ng aking mga anak. Ang babaeng makakasama ko sa saya at lungkot ng buhay. Ang babaeng makakasama ko sa pagharap sa mga pagsubok o unos na darating sa aming buhay. Ang babaeng makakasama ko sa mahabang paglalakbay rito sa mundong ibabaw.

Siya na ang babaeng pinakahihintay ng puso ko. Sagutin mo lang ako Sam, ipapadama ko sayo ang totoong kahulugan ng pagmamahal. Ipaparanas ko sayo ang kasiyahan at katiwasayan ng puso. Handa akong iparanas sa iyo na ikaw lang ang nag-iisang reyna ng buhay ko. Sabi ko sa aking isip.

Falling In Love With Mr. CaptainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon