Chapter 49

14 1 0
                                    

Samantha's POV

Kitang kita sa mga mata ni Tita Chamber ang pagluluksa sa pagkawala ni Xyron. Halos lahat kami nagulat sa rebelasyon na aming nasaksihan. Si tita Chamber pala ang totoong ina ni Xyron. The one who owned Golden Chamber University. Ngunit hindi na maibabalik ang katotohanang buhay pa si Xyron. Dahil maraming ebidensiya ang nagsasabing patay na siya.
Times flies and time passed by. It's been 3 months since Xyron Died. But hindi pa rin ako makapaniwala. Hanggang ngayon hindi pa rin ako naniniwalang wala na siya. At sa loob ng tatlong buwang ito, wala akong ginawa kundi ang umiyak nang umiyak at magmukmok sa sarili kong kwarto. Minsan nga nakakaligtaan ko na ring kumain dahil kung hindi ako nakamukmok sa isang sulok, nakahiga lang ako sa kama habang yakap yakap ang picture ni Xyron. Kung minsan nga nakakaramdam na ako ng pagkahilo pero hindi ko pa rin ito pinapansin. Kung minsan naman pumupunta ako sa sementeryo para dalawin si Xyron. Kung minsan din doon na ako nakakatulog. Sinusundo lang ako nila ate.
Sabi naman ni Reign nagising na raw si Ivan kaso hindi niya makilala si Reign dahil nagka-amnesia ito. Kaya naman halos araw-araw ring umiiyak si Reign. Kung minsan naman, nagpupunta ako sa condo ni Xyron then doon ako nagsstay. Hindi kasi binenta nila tita ang condo niya. Kaya hanggang ngayon buhay na buhay pa ito.
Ganoon lang palagi ang ginagawa ko. Kumbaga ito na ang nagsilbing routine ng buhay ko. Napagdesisyunan kong pumunta sa tagaygay sa huling pagkakataon. Kaya naman heto ako ngayon nagdadrive patungo roon. Ilang oras din akong nagdrive at nakarating na rin ako roon. Ganoon pa rin naman ang itsura ng resort nila. Mas gumanda lang ngayon.
Pinuntahan ko ang tree house kung saan nangyari ang anniversary namin. Tila ba kidlat na gumuhit muli sa aking alaala ang mga kahapon. Mga kahapong kasama ko siya. Mga kahapong nanatili kaming masaya. Hindi pa rin matigil sa pag-agos ang aking mga luha. Patuloy pa rin ito sa pagbagsak na tila ba isang ulan na walang katapusan. Patuloy paring bumabalik sa aking mga alaala ang mga panahong kasama ko siya. Kasama ko ang nag-iisang captain ng buhay ko.
Maya maya pa ay nagpunta ako sa may burol kung saan ko sinagot si Xyron. Kung saan naging kumpleto ang araw ko. Sa lugar kung saan hindi mawawala sa isip ko. Lugar na nagsilbing parte na rin ng buhay ko. Nilingon ko ang paligid habang uumiyak. Then maya-maya pa ay sumigaw ako. Isinigaw ko ang hinanakit na mayroon ako. isinigaw ko ang sinasabi ng puso ko.
"Husbie, ang daya daya mo naman eh. Sabi mo hindi mo ako iiwan. Pero ano ngayon ito? Bakit mag-isa na lang ako. husbie diba nangako ka na rito mismo sa lugar na ito natin itatayo ang magiging bahay natin. Husbie hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko. Husbie! Sana ako na lang, sana ako na lang ang namatay. Husbie paano na ang mga pangarap natin? Husbie mahal na mahal na mahal pa rin kita. Husbie hinding hindi ka mapapalitan sa puso ko. Nag-iisa ka lang. No one can replace you in my heart. No one husbie, no one! Kasi wala ng Xyron Louie Cheng sa mundo, nag-iisa ka lang husbie,ikaw ang nag-iisang captain sa puso ko. Nawala ka man sa mundong ito, ngunit ang mga alaala mo ay mananatili rito sa  puso ko. Hinding hindi mawawala ang mga ito husbie, nakaukit na ito sa puso ko. At hinding hindi ito mawawala sa buhay ko. Mahal na mahal na mahal kita.No words can define my love for you. Mahal na mahal kita husbie, siguro nga hanggag dito na lang ang love story natin. Siguro nga hindi tayo para sa isa't isa. I love you so much husbie. And goodbye and till the next time we meet. I will assure you that we can have a happy ending too. Just wait husbie, I will stay next to you forever. Just wait the right time and we will continue our love story in your place. A place where people called it heaven. Just wait for me husbie, wait for me. I will soon follow you." sigaw ko habang napaluhod na ako sa lupa, bigla na lang kasing nanghina ang tuhod ko. Hindi ko na kaya. Hindi na kaya ng buong Sistema ko. Kaya naman kahit hinang hina na ang katawan ko, nagpunta pa rin ako sa huling lugar na naging parte ng buhay ko. Nagpunta ako sa may puno kung saan nakaukit ang pangalan namin ni Xyron sa puno. Na kung saan ito ang nagsilbing saksi ng walang kamatayang pag-iibigan namin ni Xyron. Hinipo ko ang mga salitang nakaukit dito. Hanggang walang sawa ang pagtulo ng mga luha sa mata ko.
Then the next thing I knew, everything went black...................................................

Nagising na lang ako at inilibot ang mata ko sa puting kulay ng kwarto. Sa pagkakaalam ko nasa ospital ako ngayon. Bumukas naman ang pinto at pumasok sina mommy. Lumapit sa akin si Mommy at niyakap ako. "Sam baby are you alright? May masakit ba sayo?okay ka lang ba?" sunod sunod na tanong ni mommy. "Yes mom, sumasakit lang ang ulo ko nang kaunti" sabi ko. Then humiwalay naman na siya sa pagyakap sa akin. Nag-aalalang mukha naman ni Ate ang sumalubong sa akin. Then maya maya pa ay nagsalita na rin ako. "Paano ako nakarating dito mom? I remembered I was in that tree, then everything went black."sabi ko habang nakakunot ang noo. "May isang tourist na naligaw at nakarating sa may place malapit kung nasan ka. Then nakita niya na lang na nakahandusay siya sa lupa. Kaya naman dali-dali siyang humingi ng tulong." Mahabang paliwanag ni ate. Tumango naman ako at hindi na umimik pa. lumapit naman si daddy sa akin at niyakap ako nang sobrang higpit. "Anak alam kong mahal mo si Xyron, pero huwag mo namang pabayaan ang sarili mo." Sabi ni dad habang umiiyak na rin. Maya maya pa ay may pumasok na doktor. Sina mom and dad ay napatayong bigla at tila nakikita sa kanilang mga mata ang labis na pag-aalala. "Wala namang masamang nangyari sayo, at buti na lang din malakas ang kapit ng baby mo kasi kung............." Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ng doktor ng magsalita ako. "Doc. Ano pong ba-bbby? Ano pong sinasabi niyong b—baby?" nalilitong tanong ko. Pati sina mom ay nagulat din. "You're 3 months pregnant Ms. Dy. And kung hindi mo aalagaan ang sarili mo maaaring mawala ang anak mo. Nasa kritikal stage ka kasi ng pagbubutis, sa mga ganitong kaso maaaring magkaroon ng miscarriage. Maaari kang makunan dahil hindi pa gaanong makapit ang bata sa sinapupunan mo. But in your stage your baby is strong and healthy. So you don't need to worry." Sabi ng doktor at umalis na rin. Hanggang ngayon tulala pa rin ako. hindi pa rin ako makapaniwala sa mga narinig ko. Am I really p-pregnant? Oh my gosh! Hindi makapaniwalang sabi ko sa isip ko. Naluluhang lumapit naman sa akin sina mom at niyakap ako nang sobrang higpit. And that time nagsimula na namang umagos ang mga luha sa mata ko.

Falling In Love With Mr. CaptainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon