Chapter 15

15 1 0
                                    


Xyron's POV

Ang dami palang tao ngayon ko lang kasi napansin kasi kanina pa ako nakatitig kay Sam. Ang ganda-ganda niya kasi ngayon sigurado ako na siya na ang mananalo. Question and answer portion na pala. 'Di naman ako gaanong kinakabahan. Tsaka wala namang maling sagot eh. Basta ba un ang pinaniniwalaan mo hindi mali un.

Ilang minuto pa ay nagsimula na ang question and answer portion, tinawag na ng emcee ang unang candidate na tinawag niya kanina... bale panghuli pa kami ni Sam na sasagot.

Mga ilang minuto pa ang lumipas ay si Sam naman na ang sasagot. Bumunot na siya ng tanong sa Fish Bowl. At binigay niya na ito sa emcee.

"Okay, here we go. Candidate number 1 are you nervous?" pabirong tanong ng emcee.

"Yah. A little bit." Simpleng sagot ni Sam sabay ngiti.

"Okay here is your question..... usapang pag-ibig, friendship or family naman itong sayo. Handa ka bang magbigay ng second chance sa mga taong nakagawa ng masama at mali sayo? Bakit?" nakangiting tanong ng emcee

Nakangiti namang kinuha ni Sam ang mic......

"Maraming salamat po sa inyong tanong. Handa po akong magbigay ng second chance sa mga taong nakagawa ng masama sa akin. Dahil naniniwala po ako na kahit na gaano kasakit o kasama pa man ang ginawa nila, tao pa rin silang maituturing, nagkakamali, nasasaktan at nagiging masama. Kaya naman kahit na itanggi nila darating at darating pa rin ang panahon na magbabago sila. Nainiwala ako na kahit gaano pa kasama ang isang tao, may kabutihan pa ring nakatago sa kanilang puso. Kaya naman nararapat lamang na bigyan sila ng second chance. Dahil maaaring sa mga pagkakamaling nagawa nila na iyon ay matuto sila at magbago sa huli. Sabi nga nila sa pagkakamali natututo ang isang tao. Kaya naman ito lang po ang masasabi ko. Everybody deserves a second chance. Thank you." sabi niya sabay ngit nagpalakpakan naman ang mga tao. Nakikita ko nga si ate Amara na nakatayo na habang pumapalakpak sa saobrang tuwa. Pati ung nagmake-up kay Sam. Si Momsie Rica ata ung pagkakarinig kong pangalan non.

Natapos na sa mga girls kaya dumako naman tayo ngayon sa mga boys.

Nakangiting wika ng emcee.

Handa na ba kayo boys? Okay, here we go. Candidate number 2 please step forward, here is your question. blah blah blah......

Hindi ko na pinapakinggan ang sinasabi ng emcee dahil nakatuon lang ang attention ko kay Sam na nakangiti ring nakatingin sa akin ngayon.

Good luck! Kaya mo yan.

Yan ang nabasa kong binigkas ng mga labi niya. Tumango na lang ako at ngumiti. Tsaka ko lang namalayan na kinakalabit na pala ako ng candidate na kasunod ko. Ako na pala ang tatanungin. Kaya naman lumapit na ako Sa emcee at bumunot ng tanong.

"Okay, here is your question..............Bilang isang kabataan ano ang nais mong gawin upang matulungan ang iyong kapwa na mailayo sa masamang gawain. Lalo na ngayon na laganap na ang droga?" nakangiting tanong ng emcee.

Huminga ako nang malalim at nakangiting kinuha ang mic.

"Bilang isang kabataan, nais ko pong maging mabuting ehemplo at modelo sa kanila. Dahil hindi ko maipapalaganap ang aking hangarin kung ako mismo ang sumisira nito. Nais ko silang hikayatin na umiwas sa masasamang gawain. Kahit na alam ko pong hindi rin naman makikinig ang iba sa kanila. Hindi ako magsasawang tulungan sila na madiskubre ang natatagong talento na mayroon sila. Tutulungan ko sila sa abot ng aking makakaya. At kahit sa simple at maliit na pamamaraan pa yan handa akong sumugal. Dahil naniniwala ako na kahit estudyanteng tulad ko ay may malaking kontribusyon sa pag-unlad ng buhay ng aking kapwa at higit sa lahat pag-unlad ng sarili nating bansa. Kaya naman naniniwala ako sa kasabihan ni Gat Jose Rizal na ang kabataan ang siyang pag-asa ng ating bayan. Sa kamay nating mga kabataan nakasalalay ang pag-unlad o pagbagsak ng ating mahal na bansa. Un lamang po at maraming salamat." Sabi ko sabay nakangiting inabot sa emcee ang mic.

Okay handa na ba kayong malaman kung sino-sino ang mag-uuwi ng korona. 'Wag na nating patagalin pa dahil ako excited na ring malaman.

Sabi ng emcee, maya maya pa ay inabot na sa kanya ang sobre.

Okay here we go sa mga binibini muna tayo dumako. Ang tatawagin kong pangalan ay 2nd runner up. Okay please step forward candidate .....................................candidate number 7.

Nagpalakpakan naman ang mga audience.

Dumako naman tayo sa 1st runner up......... ikaw ang first runner up candidate number 3.

At ito na an gating pinakahihintay na sandali................................ ikaw ang Ms. Engineering candidate number.................. candidate number.....................anong number gusto niyo?

Tanong niya sa crowd. Marami akong naririnig na 5, ang iba ay 10 pero mas nangingibabaw pa rin ang 1.

Ikaw ang mag-uuwi ng korona......... candidate number............................. candidate number 1.........................................

Naghiyawan ang mga taong binanggit ang number ni Sam.

Ikaw ang bagong Ms. Engineering Ms. Samantha Snow Dy.

Sabi ng emcee sa sobrang tuwa ko ay lumapit ako sa kanya at niyakap ng mahigpit. Nang lumingon ako sa crowd ay nakita kong nakatingin nang masama ang dad ni Sam, at parang ipinahihiwatig na mag-uusap kami mamaya. Naku po! Lagot na.

Kaya naman nilagyan nan g korona si Sam. Hindi na nakatuon ang isip ko sa contest dahil si Sam lang ang iniisip ko ngayon. Deserve niya talagang maging Ms. Engineering. Napakaswerte ko talaga sa kanya..................................... Kung sakaling maging girlfriend ko siya. Bulong ko sa aking isip...........................................

Falling In Love With Mr. CaptainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon