Chapter 39

10 1 0
                                    

Samantha's POV

(Part 2 ng monthsary nina Sam at Xyron)

Nandito na nga kami sa gym marami na rin ang tao. Then may lumapit na naman sa akin then ibinigay sa akin ang bulaklak. Akala ko nga tapos na ang pakulo ni Xyron hindi pa pala. Then binuksan ko na ang papel na nakaipit sa rose.
"Naging crush kita nang nakita kitang seryoso. Kaso noong ngumiti ka nasabi ko, Patay! Mahal ko na 'to-XLC"
Then letter I. Then may lumapit na naman.
"Every second I miss you. Every minute I like you. Every hour I care for you. And every time I need you. Because in every day 24/7 I always love you.-XLC"
Then letter L ang nakasulat sa likod. Then another flower na naman.
"Matino naman talaga ako, hindi ko lang talaga maiwasang ngumiting mag-isa kapag naiisip kita.-XLC"
Then letter O. then may lumapit na naman sa akin at binigyan ako ng bulaklak.
"Forget who hurt you yesterday rather be inspired by someone who is always there to love you every day................ And that someone is me.-XLC"
Then may letter V. Then another rose na naman from another person.
"Gaano man ako katapang na awayin ka. Ganun din ako kaduwag para iwan ka................. ILY-XLC"
Then letter E naman ang nakalagay ngayon sa papel. Then another rose na naman.
"Sa bawat araw na lumilipas, sa bawat alon na humahampas. Sa bawat ibon na pumapagaspas. Isa lang ang 'Di ko pinalalampas. Ang mahalin ka nang wagas na para bang wala ng bukas.-XLC"
Then may letter Y. Then may nagbigay na naman ng rose.
"I may not be a clock that can text you 24 hours a day. But my heart will be like a clock that won't stop caring and saying I love you till the last tictac of my heart.-XLC"
Then letter O. Then another rose na naman.
"Love isn't finding someone you can live with. Is it finding someone you can't live without....................and I can't live without you.-XLC"
Then letter U ang akasulat sa papel. Ito na siguro ang pinakalast wala na kasing nagbibigay ng bulaklak eh. Haha. Bale ang message na natanggap ko sa mga roses na binigay nila ay. "HAPPY MONTHSARY WIFIE I LOVE YOU." then maya maya pa ay biglang may nagstrum ng gitara. Then nagsalita si Xyron bale maririnig ng buong campus ang lahat ng sinasabi niya. Then may nakalagay na malaking screen sa may stage ng Gym. then nagflaflash doon ang mga pictures ko. At pictures nain ni Xyron. Maya maya pa ay nagsimula na siyang kumanta. Pero hindi pa rin humihinto ang mga pictures na nagflaflash sa screen. Then kumanta na nga si Xyron. Pusong ligaw ang kinakanta niya ngayon.
Piling ko tuloy ako na ang pinakamagandang babae sa buong mundo dahil hinaharana ako ng isang Xyron Louie Cheng. Kaya naman hindi ko maiwasang kiligin sa pinaggagawa niya. Pinagtitinginan na ako ng mga tao pero wala akong pake. Hehe kinikilig ako eh. Ano ba. Nakangiti namang nakatingin sa akin ang mga tao ang buong student ng Golden Chamber University. Piling ko tuloy nadaig ko pa si Rapunzel  sa haba ng buhok ko ngayon. Grabe kasi si Xyon kung magpakilig eh. Tagos tagos hanggang bones. Haha. Then maya maya pa ay natapos na rin ang kanta niya.
"Wifie hihintayin kita sa rooftop ah. I love you." yan ang huli nyang sinabi sa mic at umalis na. narinig ko kasi ang langitngit ng upuan na inuupuan niya kanina.
Nakatanga lang ako then naramdaman ko na lang na pinitik ni Ivan ang noo ko kaya naman natauhan din ako. "Ano pang hinihintay mo Sam puntahan mo na si LOVIEDOVE mo." Sabi ni Ivan sabay kindat.
Then tumango ako at nakangiting nagtungo sa rooftop. May elevator naman kaya hindi ako nahirapang nagpunta sa rooftop.
Nang makarating ako roon ay nakita ko na may naka-ayos na bahay then pumasok ako sa loob. Sa loob nito may nakalagay na table then dalawang upuan. Ung table at upuan na iyon ay nakapaloob sa malaking lobo na nakahape na puso. Then maya maya pa ay nagsimula ng tumugtog ang violinist. Then naramdaman ko na lang na may yumakap sa beywang ko. Hindi ako magkakamali, amoy pa lang niya alam ko na. "Happy monthsary wifie. I love you so much." Bulong niya sa may tenga ko. Kaya naman humarap na ako sa kanya at niyakap siya nang napakahigpit. "Mahal din kita husbie. Mahal na mahal." Sabi ko then hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko. Napatingin naman sa akin si Xyron then pinunasan niya ang luhang umaagos sa mga mata ko. Then hinalikan niya ang noo ko.
"Bakit wifie? Hindi mo ba nagustuhan? Bakit ka umiiyak?" nag-aalalang tanong ni Xyron. Ngumiti muna ako sa kanya bago nagsalita. "Ano k aba husbie. Gustong gusto ko ito masaya lang ako kasi napakaswerte ko sayo." Sabi ko then niyakap ko ulit siya. Itinaas niya naman ang mukha ko kaya naman magkapantay na ang mukha naming dalawa. Then hinawakan niya ang aking pisngi and the next thing is he kiss me on the lips. A very sweet and full of love kiss. Siguro mga ilang minuto rin ang itinagal noon then. Hinawakan niya ang kamay ko at pinaghila ako ng upuan. Umupo na ako then binigay niya sa akin ang boquet ng bulaklak na kanina niya pa hawak. "Siya nga pala husbie saan mo naman natutunan ang mga quotes na binigay mo sa akin kanina kasama noong roses?" tanong ko bigla sa kanya. Nakangiti naman siyang tumingin sa akin sabay kindat. "Tinuruan ako ni RC wifie. Bakit kinilig ka ba kanina?"" sabi niya sabay kindat. Kaya naman namumula akong tumango sa kanya. Then maya maya pa ay nagtanong ulit siya. "Sinong RC husbie?" Nagtatakhang tanong ko. "Si Dyosa yon wifie. Pinakilala siya sa akin ni Aling Rosa. Magaling daw kasing magpayo un about love. At maganda pa raw. Haha pero mas maganda ka wifie." Sabi niya sabay ngiti. Ngumiti na lang ako then pinasasalamatan ko si Dyosa RC sa isip ko. Salamat nang marami sa tulong ninyo. Sabi ko na lang habang nakangiting nakatingin kay Xyron.
Maya maya pa ay nagsimula na kaming kumain. Tahimik lang kaming kumakain then maya maya pa ay natapos na rin kaming kumain. Kaya naman tumayo siya at inilahad ang kanyang kamay sa akin. Then nagsimulang tumugtog ang theme song namin na Pusong Ligaw. "Can I have this dance misis ko." Sabi niya sabay kindat. Kaya kinilig na naman po ang lola niyo. Piling ko talaga mag-asawa na kaming dalawa. Kaya naman hindi ko na naman maiwasang magblush.
Natatawa ako habang iniaabot k okay Xyron ang kamay ko. Then maya maya pa ay nagsimula na kaming sumayaw. Nakayakap siya sa beywang ko then nakayakap naman ako sa leeg niya. Bale maliit na space na lang ay malapit ng magdikit ang mga mukha namin. Bale parang nakayakap na kami sa isa't isa. Then maya maya pa ay sumandal ako sa dibdib niya. Naririnig ko ang lakas ng tibok ng puso niya. "Naririnig mo ba ang tibok ko wifie?" tanong niya. Tumango na lang ako bilang sagot. "Tanging pangalan mo lang ang itinitibok niyan. Kaya 'wag ka ng magtaka kung malakas ang tibok niyan ngayon. Dahil kasama kita. Kasama ko ang pinakamamahal kong babae. mahal na mahal kita wifie." Bulong niya sa tenga ko. Nakangiti naman akong lumingon sa kanya tkaya bale magkapantay na ang mga mukha namin. Nagkatitigan kami then maya maya pa hinalikan niya ako sa noo.
Hanggang sa bumaba ang kanyang labi sa labi ko. And the moment we kiss para bang tumigil ang mundo ko. Hindi ko na naisip na may nagvioviolin pa pala kaming kasama ang tanging nasa isip ko na lang ay kaming dalawa ni Xyron. Kasabay nang mabilis na pagtibok ng aming puso ay tila ba sumasabog sa kaligayahan ang nararamdaman namin ngayon.
And this time we share a very passionate kiss........................................................................

Falling In Love With Mr. CaptainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon