Chapter 19

15 1 0
                                    


Xyron's POV

Grabe ang saya saya ko ngayon. Kasi official na kami ni Sam. Bumalik na kami sa may vacation house dahil nagugutom na rin kami. Hawak hawak ko ngayon ang kamay ni Sam. At hinding hindi ko na ito bibitawan pa. Nang matapos kaming kumain ay nagpasalamat naman ako sa mga kaklase namin na walang sawang tumulong sa akin.

"By the way thank you very much guys, thank you! thank you talaga. Salamat sa tulong niyo." Sabi ko sabay ngiti ng malapad

"Tol ano ka ba 'wag ka ngang magdrama. Para kang bakla." Pabirong sabi ni Ivan

"Tumahimik ka nga pre. Moment namin to ni Sam.'wag kang makiepal. Haha" sabi ko sabay tapik sa balikat ni Ivan.

"Bagay na bagay kayo ni Sam. Para kayong King and Queen." Sabi ni Reign.

"Kyaaah! Kaya nga. Gosh! Best Couple ever." Sabi naman ni Jane

"By the way total usapang king and queen ang peg natin. Handa na ba kayo para next week? Remember search for campus queen and king na un." Sabi naman ni Michael, este Mica pala. Isa sa mga kaklase naming bakla. Mababait naman sila kaya wala namang problema.

"Oo nga pala tol, nakapaghanda na ba kayo ni Sam para sa talent portion?" tanong naman ni Ivan.

"Hindi pa nga pre eh. Hindi ko pa nga alam ang gagawin namin eh. Diba babe." Sabi k okay Sam sabay kindat.

Nagblublush na naman siya haha. Ang cute cute talaga ng baby ko. Sabi ko sa isip ko. Hindi naman magkandamayaw sa kakasigaw ang mga kaklase kong babae.

Ang bilis lumipas ng oras grabe 9 na pala ng gabi. Hindi na namin namalayan kaya naman napagkasunduan na naming matulog. Total tapos naman na kaming kumain. Pumasok na sa loob ang mga kaklase namin kaya naiwan kaming dalawa ni Sam sa Labas. Magkahawak kamay kaming pumasok sa loob ng vacation house namin. Marami kasing room dito kaya wala namang problema. Hinatid ko na si Sam sa kwarto niya. Bale dalawang tao sa isang room. Kaya naman kasama niya ngayon ang isa niyang kaklase na babae. Magkakasama naman ang mga kaklase kong lalaki tapos magkakasama rin ang mga kaklase kong babae.

"Goodnight Babe." Sabi ko kay Sam sabay halik sa noo ni Sam. Nakatahimik lang naman siya at hindi makagalaw. Nakatingin pa rin siya sa akin ng matagal. "Totoo ba talaga to? Hindi ba ako nananaginip?" nagtatakhang tanong niya. Kaya pinitik ko nga ang noo niya. Haha ang cute niya talaga.

"Ouch! Hindi nga talaga ako nananaginip. Ge goodnight babe." Sabi niya sabay ngiti

"Kaya masanay ka na babe. Dahil simula ngayon ipapadama ko sayo ang tunay kong pagmamahal." Sabi ko sabay yakap at lapit sa kanya. Tango na lang ang naisagot niya habang namumula na naman ang kanyang mukha. Hindi niya alam na mas lalo ko siyang minamahal.

Matapos noon nagpunta na rin ako sa room ko at nagsimula ng matulog.

Samantha's POV

Nakaupo ang isang batang babae sa may dalampasigan. Nakatanaw siya sa kabuuan ng karagatan. Hanggang may isang batang lalaki na lumapit sa kanya. Kaya naman lumapit pa ako para mapakinggan ang pinag-uusapan nila.

"Now-now alam mo kapag matanda na tayo ikaw ang pakakasalan ko."sabi ng batang lalaki. "Ako rin Lou-lou sabi ko kila mommy ikaw rin ang pakakasalan ko." Nakangiting sabi ng batang babae. "Now-now talikod ka may ibibigay ako sayo." Sabi naman ng batang lalaki. Tumalikod na nga ang babae at may kinuha ang batang lalaki sa kanyang bulsa. Isa itong kwintas na may pendant na puso. Tuwang tuwa naman ang batang babae.

"Wow! Lou-lou ang ganda naman nito. Teka bakit ayaw mabuksan?" nagtatakang tanong ng batang babae. "Kailangan pa kasi niyan ng susi. Here.'"nakangiting sabi ng lalaki. Kaya naman namamangha ang batang babae. Ang nakalagay sa loob ng puso ay litrato ng dalawang bata.

"Now-now walang iwanan ah. Pinky promise." Sabi ng batang lalaki. "Pinky promise." Masayang wika ng batang babae. Ngunit laking gulat ko na lang ng lumingon ang batang babae sa gawi ko. Hindi ko alam pero.......... Ako ang nakikita ko sa batang iyon hindi ako pwedeng magkamali ako iyon noong bata ako. Pero hindi ko maaninag ang batang lalaki dahil nasa madilim siya na part. Pero may suot siyang kwintas na may pendant na susi......................................................................................................................

Napabalikwas ako ng gising panaginip lang pala, pero parang nandoon talaga ako eh. Parang nangyari na talaga sa akin iyon noong bata ako......................... Parang parte ng pagkatao ko ang batang lalaki na iyon...............................

Isa lang ang ibig sabihin nito,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,, malapit ng magbalik ang nawala kong alaala noong bata pa ako. Masayang sabi ko sa isip ko. Tsaka nagsimulang matulog muli.........................................................................................................................................

Falling In Love With Mr. CaptainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon