Chapter 9

17 2 0
                                    

CHAPTER 9

Xyron's POV

Nagising ako bandang 6:30 ng umaga. By the way 8 pa naman ang date namin ni Sam. Kaya naman naligo na ako at naghanda para sa date namin. Natapos naman ako bandang 7:00. At dahil maaga pa naisipan kong bumili muna ng bulaklak para sa kanya.

Nang makabili na ako ay naisipan ko ng pumunta sa bahay nila Sam.

Habang nasa biyahe, 'di pa rin mawala ang ngiti sa aking mga labi.

Hanggang sa nakarating na rin ako sa bahay nila. Sinimulan kong magdoorbell at pinagbuksan naman ako ni Yaya Rosa.

"Ma'am may bisita po si Ma'am Sam" rinig kong sigaw ni yaya Rosa.

"Pasok na po kayo sir." Magalang na wika nito.

"Salamat po." Tipid na sagot ko.

"Hello po tita." I said to her and hug her

"O ang aga mo naman ata. Mukhang may lakad kayo ni Sam ah." Tita said while smiling and winking at me. "Ahm opo. Gising na po ba si Sam tita?" I asked shyly

"Ay naku hindi pa. Sige ikaw na bahalang gumising sa kanya. By the way ayon ung kwarto niya. Kailangan ko na kasing umalis eh may biglaang meeting kasi akong pupuntahan. Bye" mahabang litanya ni tita.

"Okay po! Sige po tita." I said. Sakto namang pababa na rin si Tito. Kaya naman kinabahan ako.

"O hello kid. Ang aga mo ata?" he said and patted my shoulder

"Ahm my date po kasi kami ni Sam tito eh." I said. Habang nahihiyang tumingin sa kanya. "Ay! Ganun ba. Okay mag-iingat kayo. By the way ikaw na lang gumising sa kanya ah. Nagmamadali kasi ako eh. Okay bye." Sabi ni tito sabay lakad nang mabilis........

Kaya naman nagtungo na lamang ako sa room na itinuro ni tita. May kulay pink na pintura ang wall nito at may nakalagay na letter S sa pintuan nito. Kaya naman 'di maipagkakaila na room nga ito ni Sam. Binuksan ko na ito at pumasok na sa room niya.

Ang lawak ng loob at ang linis tingnan. Pangbabae nga talaga ang room na ito dahil pink ang loob. At panay hello kitty stuffs. Tinitigan ko muna ang maganda niyang mukha bago nagsalita

"Sam wake up." I said while smiling gumalaw naman siya at kinuha ang unan niya sabay takip sa mukha niya. "Ate gusto ko pang matulog eh. Stop pestering me." She said protesting. Kaya naman napatawa na lang ako nang malakas. Na siya namang ikinabuhay ng katawang diwa ni Sam

"Ano ba naman. Hanggang sa panaginip ba naman Xyron. Patahimikin mo muna ako. 'Di ako gaanong nakatulog kakaisip sayo eh." She said tsaka pumikit ulit

Natauhan siguro siya nang lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay. Minulat niya ang isa niyang mata sumunod ang isa pa kaya nakikita niya na ako ngayon. "'Di ba ako nananaginip. Kyaaah! So narinig mo lahat ng sinabi ko?" sabi niya sabay hiyang-hiya na nagtungo sa cr at nilock ito. "Huhuhu! Wala 'yong narinig mo Xyron promise." Sabi niya sabay tili nang mahina na narinig ko rin naman. Ang cute niya tingnan. Kahit pala bagong gising lang siya ang ganda niya pa rin. "Okay! I'll wait for you outside." Sabi ko sabay labas ng room niya.

Ilang minuto pa ang hinintay ko nang bumaba na siya. She's wearing a simple white dress that totally make her look like an angel. Anghel na may brownish na mata, mahabang pilikmata, matangos na ilong at may perpektong hugis na mga mata.

Kaya naman napatitig na naman ako sa kanya at napatunganga. Nagbalik lang ako sa wisyo ko nang lumapit siya sa akin at pinitik ang noo ko.

"Ang daya mo. Anong oras pa lang o."sabay tingin sa relo niya

"8:00 Why?" I asked while smiling "Diba 8:00 usapan natin?"I asked innocently

"Sabi ko nga. Tara na nga. Bwisit ka talagang Xyron ka." She said. Pero nakita ko namang ngumiti siya nang palihim. Tsk tsk. This girl! Bakit araw-araw ko siyang minamahal? Tsk tinamaan nga siguro talaga ako sa kanya....... She reminds me of someone na una kong minahal at nakilala, someone na palangiti, maganda, mahinhin, at may busilak na puso. She reminds me of my childhood sweethearts. Lumipat na kasi sila noon kaya hindi na rin kami nagkita. Siya ang unang babae na minahal ko. Ang unang babaeng gustong-gusto kong protektahan kaso lumipat na sila ng bahay kaya nawalan na ako ng balita sa kanya. Kahit na ganoon ang nangyari, masaya pa rin naman ako dahil nakilala ko si Samantha ngayon. Bigla akong napabalik sa wisyo nang tapikin ni Sam ang balikat ko. Ngumiti na lang ako sa kanya at itinuon ang paningin sa labas ng bahay nila.

Falling In Love With Mr. CaptainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon