Chapter 24

13 1 0
                                    

Samantha's POV

Naalimpungatan ako at napatingin sa paligid gabi na pala. Nakita ko naman si Xyron na nakadukdok na habang natutulog, habang hawak hawak ang kamay ko. Kaninang umaga pa siya rito kaya alam kong pagod na siya.
Ang swerte swerte ko talaga sa kanya. Napakasaya ko ngayon dahil pakiramdam ko kumpleto na ang pagkatao ko.
Dibale pwede naman na raw akong umuwi bukas sabi ng doktor okay naman na raw kasi ako. Kaya lang daw ako nawalan ng malay dahil epekto lang daw ito ng pagbabalik ng alaala ko.
Napakasarap isipin na ung lalaking minahal ko noong bata ako at ang lalaking minamahal ko ngayon ay iisa. Ang saya saya ko nayon. Sana hindi na matapos ito.
Kinabukasan nagising ako ng maramdaman kong may humahaplos sa mukha ko. Si Xyron lang pala.
"Goodmorning wifey" nakangiting sabi niya. "Goodmorning din husbie. Nakatulog k aba ng maayos?" nag-aalalang tanong ko. "Yes wifey." Sabi niya sabay kindat. "Pwede ka na palng lumabas mamaya. Saan mo gusting pumunta? Wanna date with me. Namiss kita ng sobra." Sabi niya sabay ngiti. Natawa naman ako. "Loko ka talaga husbie, magkasama nga tayo kahapon hanggang ngayon tapos namimiss mo na ako. Haha kaw ah. Pinapakilig mo na naman ako. Don't worry kinikilig na ako ngayon." Sabi ko sabay kindat sa kanya. Nakita ko naman na nagblublush siya. Haha ang cute niya.
"Husbie ang cute mo pa lang magblush."sabi ko sabay ngiti. Nahihiya naman siyang tumingin sa akin kaya nakayuko lang siya. Umayos ako ng upo at hinawakan ang mukha niya para makatingin siya sa akin ng diretso. Natatawa talaga ako sa itsura niya as in pulang pula na ang mata niya. Haha kaya naman kiniss ko siya sa cheek na ikinagulat niya. First time ko kasing ginawa un. Kaya naman mas lalo pang pumula ang mukha niya. Hahaha grabe tong lalaking to, ang gwapo gwapo pa rin kahit anong itsura.
"Thank you so much husbie, kasi hindi ka umalis sa tabi ko. Kaya lalo kitang minamahal eh." Sabi ko sabay ngiti. Ngumiti lang siya at ginulo ang buhok ko.
"Ano ka ba wifey, ako nga ang dapat magpasalamat eh kasi dumating ka sa buhay ko." Sabi niya sabay halik sa pingi ko. Nang biglang bumukas ang pinto at pumasok sila mommy.
"Ehem! Ehem! Baka naman nakakalimutan niyo po. Uuwi na po tayo." Sabi ni ate sabay taas ng kilay pero nakangiti naman. Loka loka talaga tong ate ko na ito.
"By the way iho sumabay ka na rin sa amin, alam ko namang hindi ka nakakain ng maayos ditto kaya kakain tayo sa bahay." Sabi ni daddy sabay tapik sa balikat ni Xyron. Tumango na lang si Xyron bilang sagot. Lumapit naman sa kanya si Mommy at niyakap siya nang mahigpit.
"Oh my gosh! Ikaw na pala yan lou-lou, ang gwapo gwapo mo na." masayang sabi ni mom kay Xyron sabay yakap dito. "Kamusta na pala sina Melody?" masayang tanong ni mom.
"Okay lang naman po sila tita, hindi pa rin sila nawawalan ng time sa akin kahit gaano sila kabusy sa work." Sabi ni Xyron sabay ngiti. "Hep! Diba I told you that you can call me mommy/mom from now on." Sabi ni mom na waring malungkot kunwari.
"Y-yes ti..... I mean mom." Sabi ni Xyron na waring nahihiya pa. Ang cute niya talaga.
"Yohoooo! Lets go. Nagugutom na ako." Sigaw ni ate. Loka loka talaga to. Kaya naman umalis na kami sa hospital matapos bayaran ni mom ang bill. Dumiretso na kami sa bahay may nakahanda ng pagkain ng makarating kami kaya naman kumain na kami habang masayang nagkukwenuhan.
"Kailan ba ang kasal?" tanong bigla ni Dad. Nasamid naman ako bigla kaya dali daling iniabot ni Xyron ang tubig. Sinamaan lang siya ng tingin ni mom.
"Dad naman syempre mauuna muna kaming ikasal ni Clinton bago sila Sam."nakangiting sabi ni ate. "Kaya nga dad at tsaka mga bata pa kami. Baguhan pa nga lang kaming couple eh." Sabi k okay dad tsaka ngiti. "Haha just kidding baby. Alam mo naman na ikaw na ang baby namin ngayon dahil matanda na ang ate mo kaya hindi ka pa pwedeng ikasal. Kahit gustong gusto niyo ng ikasal ni Xyron noong mga bata pa kayo." Mahabang sabi ni Dad sabay ngiti nang malapad. "Dad grabe ka hindi pa ako matanda, 26 pa lang kaya ako." Sabi ni ate sabay simangot. Tuwa lang naman kami sa itsura ni ate.
"Xyron iho, siya nga pala invited kayo sa kasal ni Mara ah isama mo na rin sina Melody. Namimiss ko na ang bestfriend ko eh." Sabi ni mom sabay ngiti nang malawak.
"Yes mom." Maikling sagot ni Xyron.
"Kaya nga tsaka partner kayo ni Sam, siya maid of honor ko. Nasabi ko na rink ay Clinton myloves na ikaw ang kuning bestman." Sabi ni ate sabay kindat kay Xyron habang nakangiti. Hindi naman halatang gustong gusto nila si Xyron ano. Haha
"By the way nasaan nga pala si Clinton, darling?" tanong ni mom.
"Nasa company nila mom, busy eh. Pero dadalawin ko siya mamaya. May date raw kasi kami." Sabi ni ate sabay kindat sa akin. Natawa na lang talaga ako. Kalog talaga tong ate ko na to.
"Ay diba sis bukas na ang Search for campus king and queen. Nakapaghanda na ba kayo ni Xyron? Gosh! Manunuod talaga ako bukas ipopostpone ko muna ang fashion show week. Gosh! Hindi ko papalampasin to." Sabi ni ate habang tuwang tuwa at may kasamang palakpak pa. Hindi ko nga alam kung 26 na ba talaga si ate o ano, napakachildish niya. Haha pero kahit ganyan yan mahal ko yan.
"Syempre naman ate handang handa na kami. Diba husbie." Sabi ko sabay ngiti nang malapad kay Xyron.
"Yes na yes na yes wifey." Sabi nan a tumatango tango pa.
"Ano ba ung gagawin niyo sa talent portion baby?" curious na tanong ni mom. Nagkatinginan kami ni Xyron sabay ngiti.
"Secret! Malalaman niyo na lang po bukas." Sabay naming sabi ni Xyron natawa naman sila mom, dad and ate na inasal namin ni Xyron. Haha
"Okay." Masayang sabi ni dad. Maya maya pa ay natapos na rin kaming kumain. "Ahm mom, tito uwi na po ako." Nakangiting paalam ni Xyron. "Oopps! Parang unfair tinawag mong mom ang darling ko tapos ako tito. Hindi ata tama yun. You can call me dad from now on." Nakangiting sabi ni dad
"Yes, dad." Nahhiyang sabi ni Xyron. Mga ilang minuto pa ay hinatid ko na si Xyron sa labas.
"Bye husbie ingat ka." Sabi ko sabay yakap sa kanya. "Yes wifey. Bye luv u." sabi niya sabay halik sa noo ko. Matapos noon ay sumakay na siya sa kotse niya at kumaway bago umalis. Kaya naman tinanaw ko na lang ang kotse niya hanggang sa tuluyan na itong nawala sa aking paningin.
Kaya naman napagpasyahan ko na lang pumasok sa loob at magpahinga muna sa kwarto ko. Kailangan kong magbeauty rest dahil bukas na ang laban namin..................................
Bahala na bukas basta gagawin ko ang lahat lahat ng aking makakaya...................

Be confident Sam and be ready to wear the crown............................................................... sabi ko na lang sa isip ko.........................................................................................................

Falling In Love With Mr. CaptainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon