AFTER SO MANY DAYS AND NIGHTS OF NOT TALKING TO EACH OTHER EXCEPT DURING BREAKFAST, FAMILY GATHERINGS AND IN FRONT OF OTHER PEOPLE....ONE YEAR NA PALA SILA.
ALLIE
It's very early in the morning and my in laws are here and my parents too. I do not know where Dan is. Did he sleep here or did he sleep somewhere else? I have to call him before I go out there and welcome them. Bakit naman kasi nakalimutan namin ni Dan na anniversary pala ngayon? At sa dami naman ng oras bakit 6 ng umaga naman sila dumating? The maid told me that they brought breakfast and they are already having their coffee sa pool area. I told the maid na maliligo lang ako. Nasan ba kasi si Dan?
Ring! Ring! Ring!
"Hello"
"Dan...nandito mga magulang natin nagdala bg breakfast. Anniversary daw natin kasi. San ka ba? Uwi ka na ba?"
"Oo on my way na. May dinaanan lang ako."
"Sige. Dalian mo. Sinabi ko na may pinuntahan ka lang. Dito ka ba natulog kagabi?"
"Hindi."
"Okay. Sige dalian mo huh!?"
"Oo....ah, Allie?"
"Yes?"
"Happy anniversary."
"Hahahaha, happy anniversary too Dan."
That was the first ever private conversation I had with him na tumawa ako. Hindi kami nag uusap. As a matter of fact nag iiwasan kami. Kung breakfast kunwari busy kami sa trabaho. Kaya nasa telepono lang kami. Kaya yung mga maids narinig ko one time sabi masyado daw kaming busy at mukhang walang time pa para sa baby.
Wala akong gift para sa kanya. Bili ako later. Thank you na din for his marrying me kahit wala naman siyang nakukuha dito sa kasal na to. Yeah mamaya bibili ako.
DAN
For the first time since nagpakasal kami ngayon lang niya ako pinauwi sa bahay. Well dahil nandun mga magulang namin. Kahit ano na ang rason basta ngayon lang niya ako pinapauwi. Sa condo lang ako natulog just like the past nights na hindi ako umuuwi para matulog sa bahay. Sa mga gabing yun alam ko iniisip ni Allie na may kasama akong babae. Ang hindi niya alam ay wala akong kasama. Ang mga maids akala nila may malaking business merger o kaya may malaking business problem. Alam nila na pag nagpupunta ako dun, negosyo ang problema at inaayos ko at ayaw ko maistorbo ang asawa ko. Or kung may mga tsismis man sila, hindi nila pinaparinig sa akin at sisisantihin ko sila. Ang narinig ko lang minsan eh masungit pa din daw ako kahit nakapangasawa na ako. Hahaha natatawa ako. Paano ako hindi magsusungit eh palagi akong hindi maka porma sa asawa ko. Imagine one year na kami, nakakahalik lang ako kung nanakawan ko siya ng halik sa harap ng tao at nagkukunwari akong umaarte lang ako. One year na kaming mag asawa, kailan pala niya ako balak hiwalayan? Kailan daw kami magdidivorce. Tangina nagpakasal pala kami sa simbahan dito san Pilipinas so kahit mag divorce kami sa America, mag asawa pa din kamk dito.
Kagabi pa ako nakabili ng bulaklak para sa kanya. Sinabihan ko may ari ng flowershop na kukunin ko ng 6 am. Wala lang, gusto ko lang siya bigyan ng bulaklak. Anniversary namin eh. Kahit di niya maalala. May regalo din ako na diamond necklace sa kanya. Ngayon nandun ang pamilya namin sa bahay, magmumukha tuloy na "arte" na naman tong mga ibibigay ko sa kanya. Minsan kasi mali sa hulog ang mga magulang namin eh. Masyadong pakialamero.
Author: please vote comment and share. Thank you
YOU ARE READING
Maybe You & I
Teen FictionDaniel Antonio is 23, a multi millionaire, son of the billionaire Rafa Antonio, a recluse and a serious businessman who does not have time for young children like Nathalie Escudero. Allie Escudero is 16 and has a lot going on for her unlike youn...