Life is Your Every Decision Between Birth and Death

3.8K 97 10
                                    

Chapter 2

MARRON

"Do you regret it?" Adam asked as we drink on the topmost floor of the building we're constructing. Kung tutuusin ay bawal 'to, ang uminom sa site, at tumambay dito nang walang safety gear. Pero sino ba ang sasaway sa amin kung PM mismo ang pasimuno nito?

Matapos kong tapusin nang tuluyan ang sa amin ni Trey, bumalik na agad ako dito sa Cebu. Naduduwag kasi ako na harapin ang mga tanong ng iba. Natatakot ako na hindi nila ako maiintindihan. Natatakot ako sa mga magiging panghuhusga nila. 

Alam ko naman na walang matutuwa sa ginawa ko. Napakadakila nga naman kasi ni Trey. Paanong hindi ko na s'ya mahal? Paanong nalimot ko s'ya? 

Uminom ako sa bote ng beer na dala namin ni Adam dito. Tumanaw ako sa malayo at pilit pinipigilan ang umiyak. "Hindi ko alam. Ang bigat sa loob ko na gawin 'yon, pero alam ko sa sarili ko na 'yon naman ang tama. Kasi bakit mo gagawin ang bagay na hindi ka naman na masaya, 'di ba?" Pagak na tumawa ako. Sabay ng tawa na 'yon ay ang pagtulo na ng luha ko. "Dati wala akong ibang alam gawin kundi ang mahalin si Trey. Ang tigas pa ng ulo ko noon. Tapos n'ong nagkahiwalay kami wasak na wasak 'yong pakiramdam ko. Sabi ko, bumalik lang s'ya sa akin, ibibigay ko ang lahat. Tapos ngayon, kung kailan malaya na kami, alam na ng lahat na kami, saka pa ko nagkaganito." 

Bumaling ako sa gawi ni Adam. Naabutan ko s'ya na pinagmamasdan ako nang puno ng awa ang mga mata. Gusto ko s'yang sawayin pero hinayaan ko na lang. 

 "Hindi naman ako sigurado kung hindi ko na ba talaga s'ya mahal e. Pero namamanhid na talaga ako. At sa tuwing nakakasama ko s'ya, ang sakit lang ng pakiramdam ko. 'Di na tulad ng dati na excited ako at parang ayaw ko nang lumipas ang oras. Alam mo 'yong kahit kaonting panahon n'ya lang, ang saya ko na. Para na 'kong tumama sa Lotto kapag nagkikita kami. Basta masaya lang ako kapag kasama ko s'ya. Kontento na ko kahiti pa matulog lang s'ya sa tabi ko. 

Tapos isang araw, nagising na lang ako na ayoko na. Pakiramdam ko palipas oras na lang. 'Yong kakakita ko pa lang sa kanya, alam ko na agad na sandali lang 'to. Na oras lang naman 'yong makakasama ko s'ya. 'Yong 'di ko na alam kung paano pagkakasyahin 'yong sarili ko sa kaonting oras n'ya. 'Yong magkikita lang kami para mag-sex, tapos kailangan ko lang s'ya i-comfort kasi stressed s'ya sa buhay. 

Pakiramdam ko appointment na lang din ako sa buhay n'ya. Na pinupuntahan na lang n'ya 'ko kasi kailangan n'ya. Nagkikita na lang kami kasi iyon ang nakasanayan. Na obligasyon na lang. 

Kasalanan ko, alam ko. Pero kasi hindi ko na maramdaman 'yong tulad nang dati. Hindi ko na maramdaman 'yong worth ko. Napagod na lang ako. Selfish pero pagod na 'ko. Ayoko na."

Bumuntong-hininga si Adam at tinapik-tapik ang likod ko. "Ayokong sabihin na okay lang 'yan. Kasi 'di naman okay. Mas masakit kasi 'yong nakalimutan mo na na mahal mo e. O baka mahal pa naman. Napagod ka lang talaga. And for me, it's better that you leave instead of staying just because you feel sorry or guilty. You'll both heal in time. Malay mo sa huli kayo pa din, 'di ba? At least umalis ka na bago pa kayo tuluyang masira. Umalis ka habang may pag-asa pa na maging okay kayo. You'll heal apart so you can be whole again for each other. Mahirap din kasi na pinipilit ang mga bagay na mahirap nang ayusin. Lalong mahirap ayusin ang mga bagay-bagay kung 'yong mismong aayos ay hindi maayos.

Sabi nga sa kanta, I'd rather leave while I'm in love. While I still believe the meaning of the word. I'll keep my dreams and just pretend, That you and I are never gonna end." Adam sang and it hits home. Iyon kasi ang nararamdaman ko. 

Hindi na ako nahiya at umiyak na talaga ako. "Bakit ang sakit kung ito ang tama? At iniisip ko pa lang na nasaktan ko s'ya, mas masakit na sa akin. Tanggap ko na tapos na kami, pero ang hirap pa din at ang sakit-sakit."

After AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon