TPM.17

935 41 9
                                    


"Huh?"

"Join our band. We badly need you"seryosong saad nya.

"Ano namang gagawin ko sa banda nyo? Duh? Acoustic guitar lang ang alam kong tugtugin"

May nilabas naman syang papel mula sa bag nya. Isang pamilyar na pilas ng papel.

"Teka? Akin 'to ah!"

Ito yung lyrics na naiwala ko sa music building!

"You dropped that the first time we met. At nung kumanta ka sa classrom, I realize that the lyrics are very familiar, yun pala yung mga nakasulat dyan. That song was written by you right?"

"T..tama ka"

"Do you know how great your talent is? Bakit mo tinatago yun sa iba?"

"Dahil hindi ko naman kailangan ilabas. At isa pa, ano namang magaling dyan? Napakasimple lang nung ginagawa ko at kahit sino pwedeng gawin yun"

"You maybe right. But your style in writing is very good! Your lyrics are convincing that can catch people's emotion. Altair.. please join us. Be our lyricist"

"Sorry pero ayoko. Matagal na akong hindi nagsusulat Caspian" umiwas ako ng tingin sa kanya.

"Malapit na kaming madisband. Our ratings is getting low. At kapag nangyari yun ay hindi na kami susuportahan ng school"

"Bakit naman mangyayari yun? Eh marami kayong fans diba?"

"They maybe our fans but that just because of our looks. Mas gusto parin nila ang mga kanta ng WildInnocents. It's still matter about the song Altair and we need you in our band "

"Alam mo kasi... ayoko ng magsulat ulit. Itinigil ko na yun, matagal na"

Ayoko ng magsulat dahil naaalala ko lang ang lahat ng pagpapaasa sakin ni Damon noon. At hanggang ngayon ay may sugat parin sa puso ko. Masakit parin hanggang ngayon.

"It's because of Damon right? He took all your works and doesn't even gave credits to you. Pero hindi mangyayari yun Al, we'll make sure that you still own your work-"

"Hindi yun dahil dun!"

Napayuko ako dahil nakakaramdam ako ng sakit sa puso ko.

"Nagsusulat lang ako para kay Damon. Hindi ko kayang magsulat para sa iba. Ewan ko kung bakit. Pero bawat mga salitang naiisip ko, lahat ng lirikong nalilikha ko ay ang nararamdaman ko para sa kanya. At kahit sinasaktan nya ako, sa kanya ko parin ini-aalay ang lahat ng lyrics ko"

"But this is a great opportunity! Lahat tayo makikinabang dito-"

"Hindi mo ako maiintindihan Caspian. This is not about the benefit, it's about my feelings! Bulag ako noon at ngayon palang ako unti-unting nalilinawan sa katangahan ko sa kanya. Ayoko munang magsulat, dahil ayokong maalala lahat ng sakit na dulot sakin ni Damon"

"You can still write for him. Pero this time, para makaganti ka. Slap him with those lyrics, at tutulungan ka naming ipamukha yun sa kanya" desidido nyang saad.

Bigla nyang hinawakan ang magkabilang kamay ko at tinitigan ako ng diretso. Bumilis ang tibok ng puso ko sa hindi ko alam na dahilan.

"I know Damon tried to convince you about this too, at natutuwa ako dahil hindi ka pumayag. Pero hindi ko akalain na ganito ka kahirap kumbinsihin. But think about it carefully Al, kapag sumali ka samin, you can get revenge to him"

Nanatili parin ang tingin namin sa isa't isa. Kumakabog parin ang dibdib ko habang hawak nya ang kamay ko at nang mapagtanto ko ang ka-abnormalan ko ay napabitaw ako sa kanya.

✔She WritesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon