THE NEXT DAY. Usap-usapan ang intraschool performance kahapon. Palagi ko pang naririnig yung kanta ni Monchi at Sierra na nakarecord sa phone ng isang studyante.
"May studio version din daw yung mga kinanta nila kahapon kaya pwede i-download. Id-download ko yung kanta ni Damon at Sierra! Ang ganda!"
Sinalpak ko ang earphone ko para hindi ko na marinig ang usapan nila. Pumasok ako sa room at tumungo agad sa mesa ko. Wala talaga akong gana dahil kanina ko pa naririnig ang usap-usapan tungkol sa napakagandang kanta daw nina Monchi at Sierra. At naiinis ako!
"Uy Loui" inangat ko ang ulo ko ng kalabitin ako ni Kate.
"Oh?"
"Bigla kang nawala kahapon"nakanguso nyang sabi.
"Nawalan ako ng gana"wala sa mood kong sabi.
"Dahil ba kay Damon? Sya ba yung tinatawag mong Monchi?"
Tumungo naman ako.
"Bentang benta ang kanta nila kahapon. Next week ire-release ang studio version ng mga kanta ng lahat ng banda at simula na ang rankings for the month. Medyo kinakabahan ako, baka hindi makuha ng Lovesickers ang top 1"malungkot nyang sabi.
Hindi nalang ako sumagot. Wala naman akong pakielam sa rankings na yan. Basta ang laman ng isip ko ngayon ay yung lyrics na sinulat ko para kay Monchi.
"Ilang beses narin nagtalo ang WildInnocents at Lovesickers para sa monthly rank pero ngayon mukhang laglag sila Kuya"
Napatingin ako kay Kate na nag s-scroll sa phone nya. Tinitignan nya yung mga rankings nung nakaraang buwan sa isang app.
Kumunot ang noo ko ng makita ang mga pamilyar na title mula sa WildInnocents.
"Kate? Pwede ko bang hiramin ang phone mo?"
"Yeah sure"
Pinakinggan ko naman ang bawat kanta ng WildInnocents. At sa bawat kanta na narinig ko ay unti unti ng namumuo ang inis at galit ko.
Lahat ng kanta nila ay ang mga lyrics na sinulat ko para kay Monchi noon!
Tinignan ko ang description nito.
Lyricist: Damon
Composer and Arranger: PhoenixHindi ako makapaniwala! Talagang inangkin nya pa ang gawa ko?!
Dahil sa mga nakita ko ay may namuong ideya sa isip ko. Ito ba ang dahilan kung palagi syang nanghihingi ng love letter sa akin noon?
Akala ko kaya gusto nyang makatanggap ng love letters mula sa akin dahil gusto nyang maramdaman ang nararamdaman ko para sa kanya.
Yun nga ang dahilan kung bakit pakiramdam ko ay special ako noon dahil nararamdaman ko na gustong gusto nya ang mga love letters na sinusulat ko para sa kanya.
Pinaikot nya lang ba ako? Dahil alam nyang magagamit nya ang mga gawa ko?
Hindi ko namalayan na break na pala. Mabilis akong lumabas ng room. Ayokong isama si Kate dahil wala ako sa mood, gusto kong mapag isa.
"What happened to Lovesickers? Yung kanta nila kahapon sobrang plain"
"Oo nga eh. Tapos yun din yung kinanta nila last year. Wala manlang bagong kanta"
"Napakinggan mo ba yung bagong kanta ng WildInnocents? Pakinggan mo ang ganda! Yung lyrics ang ganda din!"
Binilisan ko ang lakad ko papunta sana sa rooftop ng bigla kong nakasalubong si Monchi sa kaparehong building.
BINABASA MO ANG
✔She Writes
Ficção AdolescenteAltair only dedicates her songs and lyrics to the one she's in love with. It is her way of telling someone how she feels for them, of showing her love to them. *** Altair transferred to a prestigious music school to follow the best friend she's in...