Hindi ako makapag concentrate sa trabaho, papaano ay hindi parin umaalis si Caspian. Ramdam ko kahit hindi ako nakatingin, nagmamasid sya at tinitignan nya ako habang nagtatrabaho.
Hindi ko alam kung anong problema nya pero hindi ako natutuwa sa ginagawa nya ngayon. Pinapatibok nya kasi ng malakas yung puso ko, natataranta tuloy ako, muntik pa akong matisod kanina at matapunan yung customer dahil sa kanya.
"Hoy kuya! Ano bang ginagawa mo dito? Nakaupo ka lang dyan hindi ka naman umoorder"dinig kong saad ni Olivia sa kuya nya.
Napatingin ako sa kanila.
"I'm waiting for Al"tipid nyang saad at tinignan ako, napaiwas agad ako ng tingin.
He's waiting for me? Why?
"Eh? Bakit kayo na ba ulit? Diba hindi?" Pumameywang si Olivia at tinaasan sya ng kilay.
"Just work Olivia. Mind your own business"
"Hmph! Ewan ko sayo!"
Nang matapos ang trabaho ko ay nagbihis ako ng damit. Nang makita ako ni Caspian na iba na ang suot ay tumayo narin sya sa sa pwesto nya at nilapitan agad ako.
"Why the hell are you still here?"inis na sabi ko.
"You heard what I said earlier right? Hinintay kita"
"At bakit?"tinaasan ko sya ng kilay.
"I'll treat you dinner"
"Yun lang pala-wait? What?" Napatigil ako sa sinabi nya.
"Let's go" hinawakan nya ang kamay ko at hinila ako palabas ng resto.
Tinraydor ako ng katawan ko at hindi nagpumiglas. Why? Why can't I defy him?
"A..ano ba?! Bakit hinihila mo na naman ako?!"
"Get in" utos nya sakin at binuksan yung pinto sa passenger seat.
"At bakit-hoy!!" Hinawakan nya ang bag ko at dinampot na parang pusa papasok sa loob.
Sinara nya agad at pumasok sa kabilang pinto.
"Are you insane? Ano bang problema mo?!"inis na sabi ko.
"I'm sorry.."
Napatigil ako sa sinabi nya. He look sad when he look at me.
"I know what I did to you yesterday is a bullsh*t. Sorry kung nasaktan kita kahapon and I really regret of what I did"
"I...It's okay. It already happened anyway"saad ko at napaiwas nalang ng tingin.
"I know you're mad and honestly I can't stand you being mad at me. Hindi ako mapakali Al, I really feel sorry. I'm sorry. I was wrong" he touch my hand. Naramdaman ko ang kuryenteng dumaloy sa kamay ko.
"I..I said it's okay. Apology accepted"sagot ko. Ngumiti ako ng maliit at inalis ang kamay ko.
"Then would you go on a dinner with me? For peace offering? And... I want to be with you, matagal narin noong huli tayong kumain ng magkasama. Pwede ba?" Aniya.
His eyes are hoping for me to say yes. My heart is definitely agree with the idea pero ang utak ko ay kontra sa lahat ng sinasabi ng puso ko.
I need to move on. And for me to do that, I need to avoid him, stay away form him.
"N..no need. No need. I'm really okay Caspian. At isa pa magluluto ang lola ko para sa dinner kaya-"
"Galit ka parin kaya tinatanggihan mo ko diba? Al.. gusto ko lang naman makabawi and I want you to know that I mean every words I said"malungkot nyang saad.
BINABASA MO ANG
✔She Writes
Teen FictionAltair only dedicates her songs and lyrics to the one she's in love with. It is her way of telling someone how she feels for them, of showing her love to them. *** Altair transferred to a prestigious music school to follow the best friend she's in...