Nakikinig ako sa 'Words of my Heart' ni Kristel Fulgar habang sinusulat 'to HAHA. Try nyo para dama!
===
Hindi ko na sya nilingon, dahil oras na gawin ko yun ay baka makagawa na talaga ako ng eksena. Ako nalang palagi ang nagtitimpi, ako nalang palagi ang may mahabang pasensya, minsan naiinis ako sa sarili ko dahil sa ganitong ugali ko.
"Who is she?" Doon ko lang napagtanto na nasa tabi ko pala si Jared.
Hindi ko sya sinagot, imbes ay lumapit ako kay Caspian na tulog na tulog. Nakaramdam ako ng galit at sakit habang nakatingin sa kanya.
"He's your boyfriend right? Bakit naghahalikan sila kanina?"tanong ulit ni Jared.
Napapikit ako at bumuntong hininga. Hayan na naman sa napakaraming tanong, parang gusto ko ng busalan ang bibig nya.
"Jared please, wag ng maraming tanong. Pwede bang tulungan mo nalang akong dalhin sya sa kotse?" Mahinahon kong saad.
Hindi kuntento ang mga tingin nya sa sinabi ko pero sa huli ay pumayag narin sya.
"Fine" inakay nya si Caspian, binitbit ko naman ang bag nya.
Kinuha ko ang susi nya at pinatunog ang kanyang sasakyan, si Jared na ang nagsakay sa kanya sa likod.
"Salamat Jared"
"Marunong kang magdrive?"tanong nya.
Tumungo nalang ako at sumakay na sa kotse. Tinignan kong muli si Jared mula sa labas at nagpaalam.
Habang nasa biyahe ay naririnig ko ang paghalinghing ni Caspian.
"Sierra... Sierra.."
"Stop saying her name"inis na sabi ko kahit na hindi naman nya ako naririnig.
Hindi ako makapagconcentrate sa pagd-drive. Napakagat ako ng labi dahil sa labis na sakit na nararamdaman ko sa puso ko ngayon.
"Sierra...Sierra.. mahal ko.."
Hindi ko na nakayanan at itinigil ko sa gilid ng kalsada ang sasakyan. Tumungo ako sa manibela at napahikbi.
I can't take it anymore. My heart is tearing into pieces. Hearing him chanting her love one's name is a billion stab on my chest.
"Ako nalang... ako nalang ang mahalin mo Caspian.. ako nalang..." halos pabulong ko ng saad.
Humahagulgol ako, pero hindi yun naging dahilan para magising si Caspian. He's still asleep and keep on chanting her name. Sobra syang nakainom ngayon.
"Sierra... baby.."
"Bakit hindi ako..? Bakit hindi nalang ako?"bulong ko.
Iyak ako ng iyak sa kotse, hindi ko kayang magdrive dahil sa kondisyon ko. Sobrang bigat sa dibdib, parang may nakapasan na malaking bato sakin. Pakiramdam ko mamamatay na ako sa sakit ng puso ko.
Lumalalim narin ang paghinga ko dahil sa bigat na nararamdaman ko, para akong hihikain o kakapusin sa hangin.
"Sierra.. Sierra.."
"Please stop.. stop calling her.." napatakip ako sa mga tenga ko. Sinubsob ko ang mukha ko sa manibela habang nakatakip ang tenga ko.
Pero hindi parin sya tumitigil kaya lumabas ako ng kotse at umiyak sa gilid nito. Mabuti at wala masyadong tao. Umupo ako sa sidewalk at tumungo sa tuhod ko, doon ko binuhos lahat ng luha ko.
Hindi ba pwedeng pangalan ko nalang ang banggitin nya? Bakit si Sierra parin? Sa mga panahong magkasama kami, hindi manlang ba sya nakaramdam ng kahit anong espesyal sakin? Hindi ko manlang ba nagawang patibukin ng malakas ang puso nya? Sa bawat pagdikit ng labi samin, sa bawat yakap at matatamis na salita namin. Bakit ako lang yung na-fall? Bakit ako lang?
BINABASA MO ANG
✔She Writes
Teen FictionAltair only dedicates her songs and lyrics to the one she's in love with. It is her way of telling someone how she feels for them, of showing her love to them. *** Altair transferred to a prestigious music school to follow the best friend she's in...