Happy 5k! Thank you readers! Thanks din po sa pagvotes 💕
===
Naalala ko ang palitan nila ng I love you kahapon. I wish I was her, sana ako nalang ang sinasabihan nya ng mga tatlong salitang yun. Because if that would be happen, wala na akong mahihiling pa.
Dahan-dahan kong inalis ang pagkakayakap nya sakin at bumangon. Kahit nahihilo ay nagawa ko namang makababa sa second floor.
"Arf!arf!"
"Lucky..."
Nilagyan ko ang kainan nya ng dog food, dinamihan ko na para kung sakaling makalimutan ko ay mayroon parin.
Kumakalam na ang sikmura ko, humigop lang pala ako ng soup kanina. Kailangan ko parin kumain dahil nagrereklamo na ang tyan ko.
Kumuha ako ng noodle cup sa cabinet, eto yung kinakain ko pag tinatamad akong magluto. Nilagyan ko ng mainit na tubig at tinakpan muna gamit ang isang libro.
Nakahalumbaba ako sa mesa habang hinihintay lumambot ang noodles nang biglang pumasok si Caspian sa kusina na nakakunot ang noo. Magulo pa ang buhok nya at halatang kakagaling lang sa pagtulog. Napakagat ako ng labi dahil pinipigilan ko ang pagtawa. Aaminin ko, napaka cute nya sa look na yan.
"Who told you to get up?" Aniya ng pagalit.
"Nagugutom na kasi ako"
Sumimangot sya at napatingin sa cup noodles na nasa harap ko.
"At yan ang kakainin mo? Are you even thinking Al? Anong sustansya ang makukuha mo dyan?"
"Madaling lutuin 'to at gutom na ako—hoy akin na yan!" Inalis nya sa harap ko yung cup at nilagay sa lababo.
"Magluluto ako, maghintay ka dyan"
"Pero sayang yung noodles ko.."
"I'll cook noodle soup for you. And don't buy instant noodles again, it's bad for your health"
Nagsimula na syang kumuha ng mga ingredients sa ref. Nagtaka ako ng kunin nya ang isang lamian noodles sa cabinet.
"Saan galing yan?"
"I bought it last night, plano ko talagang magluto para sayo"
Hindi naman ako nakapagsalita at nagpigil ng ngiti. Oo na, kinikilig ako. Pero anong magagawa ko? Gusto ko sya at normal lang na maramdaman ko 'to.
Pero magiging ganito parin kaya sya sakin kung sakaling makipagbreak na sya at tuluyan na silang maging official ni Sierra?
Napayukom ako. Kahit na napakasama nya ngayon sa paningin ko, I still want him to stay, I still want him to be by my side always kahit na masakit. I can bare all the pain basta hindi mababago ang relasyon namin ngayon. Magtitiis ako hangga't kaya ko, basta wag lang mabago ang pakikitungo nya sakin tulad nito.
Tumayo ako at niyakap sya mula sa likod. Nagulat naman sya tumingin sakin.
"I'm cooking, maghintay ka nalang sa taas"
"Ayoko. Ayokong mag isa"mahinang saad ko.
Humarap naman sya sakin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.
"Ano ako? Multo ha? Umakyat kana, magpahinga ka"
Hindi ko sya sinunod, niyakap ko ulit sya at sinubsob ang mukha ko sa dibdib nya.
"Altair..."
"Eh gusto kitang yakapin. Magluto kana, dito lang ako"mabilis kong saad.
"Ikaw talaga.. ang clingy mo ngayon. Namimiss mo ko no?"
BINABASA MO ANG
✔She Writes
Teen FictionAltair only dedicates her songs and lyrics to the one she's in love with. It is her way of telling someone how she feels for them, of showing her love to them. *** Altair transferred to a prestigious music school to follow the best friend she's in...