Short Story: "Alamat ng Lapis"

1K 41 8
                                    



Isang araw, may mag kapatid na ang mga pangalan ay Lapislara at Prañela. Ang isa ay mahilig gumuhit habang ang isa ay mahilig mag sulat. Sa mga panahong iyon, uling lang ang ginagamit nila para maisagawa ito. Kadalasan silang nag pupunta sa kagubatan malapit sa kanilang bahay tuwing bago mag dilim. Dito sila gumuguhit at nag susulat ng taimtim. Dito sila nag ku-kwentuhan at nag tatawanan.

Isang hapon ng mag punta sila sa kagubatan, sila ay nag habulan at nag taguan para maglibang. Dahil sa pagod sila ay nag pahinga, at hindi nila napansin sila ay nakatulog ng mahimbing. Pero nagising ang isa sa kanila dahil sa nag niningning na liwanag. Binuksan niya ang kanyang mga mata, pilit na inaalam kung saan ng gagaling ang liwanag at kung ano ba ito.

"Magandang gabi sa iyo!" Masayang bati ng kakaibang nilalang. Ito ay munti at marikit. May mga pakpak ito. Pero ito ay may napakatangos na ilong, ang mga tenga nito ay patulis, singkit na mga mata at kapansin pansin ang itim na kulay ng mga mata nito, ang damit nito ay puti na lagpas tuhod ang haba na tila ba ito ay ikakasal at kulay itim ang kanyang nakataling buhok.

'Ang ganda naman niya at kung siguro ito ay nag anyong tao, maaaring magkaroon ito ng madaming manliligaw.' Sabi ng batang babae sa isip.

Pero hindi pa din niya maiwasang manlaki ang mga mata sa nakikita. Ngayon lang siya nakakita ng ganitong kakaibang nilalang. "Ma-magandang gabi din. A-anong ka-kailangan mo?" Nauutal utal na tanong ng batang babae.

Ngumiti ang kakaibang nilalang. "Ako nga pala ay isang diwata! At ako ay hangang hanga sa iyong talento! Kaya bibigyan kita ng gantimpala!" Masayang balita ng diwata.

"A-anong gantimpala?" Hindi pa din maiwasan mautal ng batang babae. Pero siya ay natutuwang malaman ito.

"Isang hiling! Kahit anong hiling ay aking tutupadin! Subalit ito ay isa lamang, kaya dapat mong pag isipang mabuti. Sa oras na banggitin mo ang 'sana', Ako ay dadating para pakinggan ang iyong kahilingan. At gabi na din iha, umuwi na kayo sa inyo. Bago pala ako umalis, gusto kong isarili mo lamang ang ating pag kikita. Maliwanag?" Tumango ang batang babae. "Paalam!" Nakangiting sabi ng diwata at pag kasabi nito ng paalam, ito ay biglang nag laho na parang bula. At ang ilaw mula sa diwata ang natatanging nag silbing liwanag sa madilim na kagubatan. Kaya ng ito ay mag laho, muling dumilim ang paligid.

Hindi pa din makapaniwala ang batang babae sa nakita at nakausap. Tinignan niya ang kapatid na hangang ngayon ay mahimbing na natutulog. Nakaramdam na din ng takot ang batang babae dahil sa tahimik na paligid, tanging madidinig lamang ay ang ingay ng kuwago at mga paniki.

Daliang ginising ng batang babae ang kapatid. Ito ay namulat at napagtanto na sila ay nakatulog sa kagubatan. "Tara na, tayo ay umuwi na. Panigurado nag aalala na sila itay at inay." Sabi ng batang babae sa bagong gising na kapatid.

"HAHAHAHAHAHAHAHA!"

Nanlaki ang mga mata ng mag kapatid. Napabangon ang isa, at niyakap nila ang isa't isa at nanginig sa takot. Takot, dahil sa tawang umalingawngaw sa paligid. Matinis na tawa na parang galing ito sa isang demonyo.

Kahit nanginginig ang mga tuhod ng mag kapatid, sila ay tumakbo pabalik sa kanilang tirahan. Kumatok sila sa pinto ng kanilang bahay. Binukasan ito ng kanilang mga magulang. Niyakap sila nito at nakahinga ng maluwag na ligtas ang kanilang mga anak. Sinubukan nilang mag kuwento tungkol sa nadinig na tawa. Subalit natawa lamang ang kanilang mga magulang, at sinabing baka guni guni lamang nila ito.

Kinabukasan, gumuhit at nag sulat ang mag kapatid sa tapat na lamang ng kanilang bahay. Sila ay nadala dahil sa nangyari kagabi, kaya ayaw na nilang lumayo mula sa tirahan.

Habang nag tatanim ang kanilang inay, napansin niya ang magandang pag guguhit ng anak. Ang ginuhit nito ay 'may dalawang batang babae na may hawak na papel, abala sa pag guhit at pag sulat. Habang sila ay nakaupo sa ilalim ng isang mayabong na puno, sa kagubatan.'

Just WriteWhere stories live. Discover now