Poem: "Pabor"

402 33 2
                                    


Una kitang makita, wala talaga akong pakialam sa'yo.
Pero binigyan mo'ko ng barkadang nag pasaya ng bakasyon ko.
Pero bigla kang nag tanong kung maaari ba?
Tanong at pabor na iyong hiningi na nakakapagtaka.
Tumanggi ako dahil ang hirap paniwalaan ng dahilan mo.

Natapos at lumipas ang isyung iyon. Dumaan ang ilang linggo.
Muli mo na namang tinanong kung 'Maaari bang maging tayo?'.
Napuno na naman ng bakit ang isipan. Pagtataka at pagkalito.
Bakit? Para saan ba ang isang linggo? Bakit ako?
Pero iisa ang sagot mo sa mga sari-saring tanong ko.

"Kasi gusto kita."

Pilit kong inawasan ang tanong mong iyon.
Parati akong tumatanggi pero 'di ka sumuko kakatanong.
'Hindi puwede. 'Wag ako.' pero 'di ka nakontento sa sagot ko.
Dahil sa napakakulit mo,
'Sige, isang linggo. Basta walang makakaalam.' pumayag na'ko.
Pero pitong araw ginawa mong pitong buwan?
Tinanong ko kung bakit at para na naman saan?

Sinagot mo sa'kin na kailangan mo ng panghahawakan.
Panghahawakan habang wala ako sa mga oras na dadaan.
Ang buo kong desisyon na humindi biglang nag alinlangan.
Lalo na't dumating ang mga banta na dahil sa sakit mo maaari kang mawala.
Ang hirap humindi lalo na parang buhay mo ang kapalit.
Ayokong mag sisi sa huli dahil sa pagiging makasarili.

Inisip kona lang din na wala namang masamang sumubok.
Kaya sa huli, pumayag din ako sa pitong buwan mo.
Sa loob ng pitong buwan magkalayo tayo.
Nasa probinsiya ka. Nasa maynila ako.
Inaamin kong hindi ako nag seryoso.
Hirap ako sabihin o tugunan ang 'mahal kita'. Dahil para sa'kin ang mga salitang 'yun ay isang matinding patibong.

Ang hirap mag adjust sa mga gawaing pang jowa.
Namamawis ang mga kamay natin kapag mag kahawak.
Hindi komportable kapag tayo ay magkayakap.
Naiilang at hindi mapakali. Kulang na kulang sa lambing.
Bumati lang ng "Happy Monthsary" ang hirap banggitin.
Ang dami kong pag kukulang kaya ako ay humihingi ng paumanhin.

Dumating na ang pasko kung kailan matatapos na.
Pero hindi kapa handa kaya humingi ng limang buwan pa.
Pero sa huling araw sana ng pagiging tayo, bumigay din ako.
Ngunit sa isang kondisyon, pag lipas ng limang buwan hanggang doon na lang.
Huwag mo sanag abusuhin ang aking pagpaparaya.
Sana pag tapos nito hayaan mona akong lumaya.

Ngayong lumipas na ang apat na buwan, pang labing isang buwan na natin.
Isinulat ko ito para maramdaman mong naging mahalaga din ito sa'kin.
Kahit sabihin mong napilitan lang ako kahit papano sinubukan ko.
Minahal din naman kita hindi nga lang tulad ng pagmamahal na binigay mo.

Inaamin ko nahirapan din naman ako. Lalo na't barkada ko din ang kasalukuyang jowa mo.
Pakiramdam ko bukod sa kaniya, pati sarili ko niloloko ko.
Pero salamat sa lahat ng alaala.
Salamat pinaramdam mo sa'kin kung gaano ako kahalaga.
Kahit na matapos 'to, tatak lang naman ang mawawala. Pero sa samahan natin walang magbabago.

04/25/19

Just WriteWhere stories live. Discover now