"If you want to find love then look right infront of you. The one that laughs at your stupid jokes and always there for you. Just open your eyes."
Chapter 5: Love?
Wendy's PoV.
Maaga akong nagising kanina. Hindi rin kasi ako masyadong nakatulog dahil sa pag iisip kung anong nangyayare sa dalawang kaibigan ko.
"Ma,magpapaalam po sana ako sayo"sabi ko kay mama habang nag didilig nang halaman at ako naman ay nagsasampay. Natigil si mama at tumingin.
"Bakit anak may pupuntahan ka ba?"she asked.
"May pupunta po dito na kaibigan ko at...niyaya niya po akong magpunta sa mall" paliwanag ko kay mama.
"Sina Harris ba 'yan anak?,"
"Hindi po si Clinton. Bago ko po siyang kaibigan,"sagot ko kay mama.
"Papayag ako basta anak mag ingat ka ha,"
Napalundag ako sa tuwa nang payagan ako ni mama. Lumapit ako sa kanya at niyakap ng mahigpit. "Thanks ma. Opo magiingat po ako."
Ilang oras ang lumipas at alas nuwebe na. Oras na pinagkasunduan namin ni Clinton. Hindi naman ako nagkamali at maya maya lang ang may narinig akong tunog ng motorsiklo sa tapat ng bahay namin. Agad akong bumaba para buksan ang gate. Hindi naman ako excited no?
"Good morning,buttercup"bati sa akin ni Clinton. Aba at pinanindigan pa ang buttercup.
"Baliw ka talaga, pinanindigan mo talaga 'yang pagtawag sa akin ng buttercup,"
"Ouch wala man lang good morning back. Tapos tawagin pa akong baliw"sabi niya habang may pahawak sa dibdib na animo'y nasasaktan. Baliw talaga."Halika pasok ka muna,"alok ko sa kanya at sumunod naman siya sa akin.
"Ma si Clinton po. Kaibigan at schoolmate ko."pagpapakilala ko kay mama.
"Good morning po tita. Nice to meet a beautiful woman like you po"sabi ni Clint at nagmano kay mama.
"Aba may pagka bolero yata ang bago mong kaibigan,anak"natawa namang komento ni mama.
"May pagka baliw pa,"bulong ko sa sarili.
"Totoo naman po ang sinasabi ko. No doubt kasi kamukha mo po si buttercup,"nakangiting sabi ni Clint at tumingin sakin.
Nag cross naman ang kilay ni mama siguro dahil hindi niya alam kung sino ang buttercup na tinutukoy ni Clint.
At kapag nalaman niya patay ako baka akalain niya boyfriend ko tong mokong na ito. Tinatamad din akong mag paliwanag kaya agad kong hinila si Clint palabas.
"Ma alis na po kami!"sigaw ko. Baka magtanong pa sa akin e."Tigilan mo nga ang pagtawag sa akin ng buttercup!"kunwaring naiinis ako.
Well maganda naman ang buttercup pero nakakahiya lang na marinig ng iba. Feeling ko kasi pang couple lang iyon.
"Okay, Love."seryoso niyang sabi.
Aba! lumala naman lalo!"Love? Teka mas malala naman yata yan!"mataray kong sabi."Hm. You choose love or buttercup?,"baliw talaga! Papiliin ba naman ako syempre wala akong pipiliin.
Nakatingin lang siya sa akin at naghihintay ng sagot ko.
"Geh na nga!..Buttercup nalang!"
pasigaw kong sabi. Kesa naman love duh!.Natawa siya sa reaksyon ko."But I preffered to call you love,"
diretsahang sabi niya.Para namang may mga gumalaw sa tyan ko. Hala baka andami ko na yatang bulate sa tiyan. Para rin akong natuod sa sinabi niya.
"Love tulala ka na. Wear your helmet para makaalis na tayo"nabalik ako sa realidad nang isuot niya sa akin ang helmet. Nahiya naman ako sa sinabi niya.
Kalahating oras din ang biyahe papunta sa mall. Pero dahil sa sobrang bilis ng driver ko na magmaneho ay halos 20 minutes lang byahe namin. Buti nalang naka jeans ako ngayon.
Napahigpit din ang hawak ko sa kanya. Sigaw naman ako ng sigaw takot ko lang mamatay no. Pumipikit nalang ako kapag binibilisan niya ang takbo.Napansin ko naman sa side mirror na tumatawa siya.
Ah ganun nang aasar pa siya?
Kasalanan niya talaga kapag may nangyareng masama sa akin. Sabi pa naman sa akin ni mama mag ingat ako e paano naman kung nag iingat ako tapos ang kasama ko hindi. Useless lang.
Mabuti naman at safe kaming nakapag park sa basement. "Akala ko mamatay na ako,"sabi ko pagkababa ko.
"Well, hindi mo pa oras. And safe naman akong mag drive a,"sabi niya habang ni lock ang motor niya. Ganun ba sa kanya ang safe? Halos mahiwalay ang kaluluwa sa katawan psh!
Hindi ko alam na nakapaglakad na pala sya at ako ay naiwang nakatayo lang.
"Teka nga lang!"sigaw ko at hinabol sya. Hindi man lang ako sinabihan.tss.
*****
Salamat sa pagbabasa ♡
YOU ARE READING
Her Broken Promise
Подростковая литератураShe made a promise to him that she will stay no matter what. Pero ika nga, "Promises are meant to be broken". Kailangan niyang pumili at sa tingin niya ay iyong ang pinaka-mabuting desisyon na dapat niyang gawin. Ang baliin ang pangakong sinabi niya...