▪︎11▪︎

21 2 0
                                    


"No one falls in love by choice, it's by chance."


♡♡♡

Chapter 11: Red Roses

Wendy

Nagtext sa akin kanina na pupunta sa bahay si kimmy kaya naman hinihintay ko siya ngayon. Wala kaming pasok dahil may meeting ang lahat ng teachers and staff sa school.

Iyon ang binalita kahapon sa amin ni Sir Wilson. Tapos kailangan rin daw naming maghanda dahil baka next week ay matuloy ang aming camp sa batangas.

"Anak,punta lang ako nang palengke ha. Bahala ka na muna riyan"paalam ni mama sa akin na ngayon ay ready nang umalis.

"Opo. Dadating na rin naman po maya maya si Kimmy"sagot ko at tumango naman si mama.

"O siya aalis na ako"muling sabi ni mama at sinamahan ko na siya sa labas. Papasok na sana ako sa gate nang may lumapit na lalaking nakamotor sa akin. Nakahelmet siya kaya hindi ko mamukaan. Nangunot naman ang noo ko.

Bumaba siya at saka tinanggal ang helmet na suot niya.

"Miss, ito ba ang bahay ni Wendy Ramos?"tanong niya sa akin.

"Opo dito nga at ako iyon. B-bakit?"

Napansin ko siyang may hinugot sa may box ng motor niya. Hala baka riding in tandem siya pero bigla kong napansin nag iisa lang naman siya e wala siyang ka tandem kaya mali. O baka naman holdaper tapos may baril siyang dala?

Tama!. Umatras ako nang konti para makatakbo ako kung sakali man. Kinakabahan ako. Tinitingnan ko lang siya at sinisiyasat bawat kilos niya.

"Miss, para sayo,"

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko sa kamay niya ang isang bouquet ng red roses. Wow ang ganda naman!

Ibinigay niya sa aking ang boquet at isang papel.

"Miss, paki sign nalang po itong delivery receipt"nakasmile na sabi niya.

Pero kanino naman ito galing? Tinignan ko sa resibo pero walang nakalagay.

"Sir kanino po pala ito galing?"

"Sorry miss, pero hindi ko din alam. Actually hindi dapat ako niyan ang mag di deliver. Ipinasa lang kasi sa akin iyan."paliwanag niya.

Tumango nalang ako at saka pumirma.

Pagkabalik niya ng papel sa box ay sumakay na siya at saka umalis na.

"Wow ang ganda naman niyan dy! Pwedeng akin nalang,"nagulat ako nang biglang may magsalita sa may likod ko. Balak ko na sana kasing pumasok.

Nakita ko si Kimmy na nakatingin sa hawak kong bouquet. Iniwas ko naman ito sa kanya nang akma niyang agawin sa akin.

Tumakbo nalang ako papunta sa loob baka mailayo ko sa kanya. Hinabol niya naman ako.

"Pahingi naman kahit isa lang!"sigaw niya.

"Wow, sa kanya lahat galing ito?"komento ni Kimmy habang nakatingin sa mga posters na anime na nakadikit sa wall. Tumingin sa akin si kimmy.

"Grabe iyang secret admirer mo dy, mukhang mayaman ha. Kasi sa posters palang effort na effort na dagdagan pa niyang bouquet of red roses na iyan!"turo niya sa bouquet na nasa kama ko.

Somehow, masaya ako dahil all my favorites ang pinadadala niya sa akin pero nalulungkot din ako dahil hindi man lang siya nagpapakilala. Feeling ko kasi piniperahan ko siya. Lalo na ngayon iyong pinadala niya kanina, mahal kaya bumili noon.

"Oo nga e, naku-curious na ako kung sino siya. Sa school wala namang pumapansin na ibang lalaki sa akin diba?"

"Haha oo nga tama ka diyan!"tumabi siya sa akin at ni-hug ako. "Gusto mo hulihin natin?"bulong ni kimmy sa akin.

"Ano naman iyang idea mo?"

"Diba sabi mo curious ka dahil hindi mo siya kilala? And.. Im sure you really want to know him right?"I slowly nodded. Tama naman siya, gusto ko talagang malaman kung sino yang secret admirer ko na iyan.

_____________

Ano naman kayang plano ni kimmy baby? Malaman naman kaya nila kung sino ang secret admirer ni Wendy love?

Paano kaya kung malaman na nila, what will be her reaction?

_______

Her Broken PromiseWhere stories live. Discover now