"One of the most amazing feelings in the world is having someone fall in love with you who you thought you never had a chance with."
____________
Chapter 13: Beside him
ClintonHabang naglalakad ako at iniisip kung saan nagpunta si Wendy ay biglang kumidlat at tinamaan ang poste na malapit sa admin building.
Pagkatapos naman nito ay bumuhos ang napakalakas na ulan. Dali dali akong pumunta sa may Library dahil iyon ang pinakamalapit. Medyo nabasa din ako.
Napakadilim nang paligid dahil na rin sa walang kuryente. Kaya walang ilaw sa mga building. I checked my phone in my pocket but damn, I left it in my locker.
A trembling voice shouting from nowhere, caught my attention. Pinakinggan kong mabuti kung saan ito nanggagaling and I am pretty sure that it was from inside of the Library.
Nagmadali akong makapunta sa main door at hindi nga ako nagkamali. Dito nanggagaling iyong boses.
But damn again, its locked!
Kumuha ako nang malaking bato at sinira ang kandado. Nakailang try din ako bago ko ito tuluyang nabuksan.
"S-sino iyan?"
A girl voice, asking.
Alam ko kung kaninong boses iyon,
"Wendy?"mahinang tanong ko habang naglalakad papasok.
"Oo n-nandito ako sa may d-dulo"sagot niya sa akin.
Umiiyak ba siya?
Kahit madilim ay pinilit kong makalapit sa kanya. Kahit mabangga bangga na ako sa mga table ay ayus lang mapuntahan ko lang siya.
Nang makarating ako sa may last bookshelf ay narinig ko siyang umiiyak.
Lumapit siya sa akin at nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. Hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayon. Masaya ako. Hindi sobrang saya ko.
"Don't worry buttercup. I'm here" I hugged her back.
"C-clinton,"humihikbi niyang sabi."I have Achluophobia."dugtong niya.
Mas hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kanya."Sshh nandito na ako. Don't be afraid. Mabuti pala at nakita kita kanina,"
Naramdaman ko siyang humiwalay sa akin.
"Nakita mo ako kanina?"tanong niya at tumango naman ako.
MYGHAD! Hindi niya nga pala niya ako nakikita.
"Oo, may nahagip kasi ang mga mata ko. Isang cute na buttercup," hindi ko alam kung anong reaction niya. Kung ngumiti ba siya o nag blush sa sinabi ko. Pero narinig ko siyang tumawa nang marahan.
"At may nahulog ka kasi sa bulsa mo kaya sinundan kita para ibigay iyon sayo.."
Hindi namin nakikita ang mga sarili namin pero nararamdaman namin ang bawat isa. Naramdaman kong may mainit na kamay ang humawak sa akin. I felt electrified.
"Maupo nga muna tayo atleast ramdam ko na nasa tabi kita,"
Damn! Ito ba ang feeling nang kinikilig? Nakakabading!
Umupo kami at sumandal sa wall. Ang sarap hawakan nang kamay niya. Sobrang lambot at napaka warm din.
"Teka Wendy, maghuhubad lang pala ako. Ow!"hinimas ko ang braso ko na hinampas niya.
"B-bakit ka maghuhubad?"
"E sa gusto kong maghubad ng damit bakit ba?,"
"A-anong balak mo?"garalgal na tanong niya.
"Well, maulan at madilim din.. Ano bang magandang gawin.."
"Clinton tigilan mo 'yan hindi ka nakakatuwa. Nakakatakot iyang iniisip mo,"
"Bakit ano ba iniisip ko?"
"Ewan ko! Bat ako tinatanong mo!"sigaw niya sa'kin.
"Sabi mo kasi nakakatakot iniisip ko so..naiisip mo iyong naiisip ko. Right?"
Parang gusto ko siyang asarin nang asarin. Total nasa akin naman ang alas. Haha.
"Wendy 'wag kang tumingin. Maghuhubad na ako.."
"Wow! As if naman nakikita natin ang isa't isa ano!"
"Malay ko ba kung may pagka pusa yang mata mo. Silipan mo pa ako! Ow!"
Strike two.
"Nakakadalawa ka na buttercup ha. Isa na lang at makakatikim ka na sa akin!"
Ng kiss.
"Ang assuming mo kasi!"
Kapag naulit pa talaga ang paghampas niya sa akin. Hahalikan ko na ang babaeng 'to.
"Nabasa kasi ako nang ulan kanina at ayaw kong magkasakit kaya papatuyuin ko muna saglit"paliwanag ko. Tumayo ako at isinampay sa may bookshelf ang basa kong damit.
"Lilinawin mo kasi para magkaintindihan tayo."
Pagkaupo ko ulit ay kinuha ko ulit ang kamay niya. Hindi ko ramdam ang lamig dahil sa init ng kamay niya.
"Paano mo pala ako nakita?"
_____________________
YIEEH~~ Bigyan muna natin ng privacy ang dalawa para mag usap.
Moment na muna nina Wendy at Clinton ngayon.
Til next time!
YOU ARE READING
Her Broken Promise
Fiksi RemajaShe made a promise to him that she will stay no matter what. Pero ika nga, "Promises are meant to be broken". Kailangan niyang pumili at sa tingin niya ay iyong ang pinaka-mabuting desisyon na dapat niyang gawin. Ang baliin ang pangakong sinabi niya...