"I love my parents no matter what we go through, no matter how much we argue, b'coz I know, at the end, they'll always be there."♡♡♡
Chapter 6: Kimmy's Situation
-----
Kim's PoV.
Lumabas ako ng kwarto ko dahil tawag ako ni Mom. Dumiretso naman ako patungo sa room niya. Kumatok muna ako bago pumasok. Nakita ko siyang nakaupo sa may swivel chair niya while drinking wine.
"Oh baby come here,"tawag sa akin ni mom. I rolled my eyes at lumapit sa kanya. "What is it, mom?"I asked.
I know I'm rude when talking to her pero hindi naman kasi ako masisisi lalo na at ayaw kong gawin ang gusto nila.
"I know anak, you're not ready yet but—"
"But I need to do this because for the sake of our business,"putol ko sa sasabihin niya. Naiinis talaga ako when we talk about that arranged merriage thing na yan. Paulit ulit na lang e. Nakakarindi na kasi.
I know from the beggining na matutulad din ako kay kuya. Ikakasal sa taong hindi mo mahal para lang maipagpatuloy ang business na sinimulan ng aming mga magulang.
Pero bakit pa kasi kailangan ng ganun? Feeling ko tuloy nawalan kami ng karapatan para mamili ng
makakasama namin habangbuhay. tss."I hope that you will understand why we we're doing this,anak."nabigla naman ako ng yakapin ako ni mom.
Napabuntong hininga nalang ako."Mom, you know that from the very start na ayoko talagang gawin ang gusto niyo. Ayoko ko po."mahinang sabi ko. Naramdaman kong may pumatak na luha sa balikat ko.
Umiiyak ba si mom?
"I'm so sorry anak, kung kailangan na gawin mo ito. Actually pinag usapan namin ito ng dad mo at sinabi ko sa kanya o I would say na pinaki-usapan ko sya na huwag nang gawin sayo ang nangyare sa kuya mo but he insist,kaya wala akong nagawa," she said between her sobs.
Really si mom? Hindi ko alam na against siya sa plano ni dad. All this time akala ko wala siyang pake sa nararamdaman ng mga anak niya, but now I can feel na malungkot din sya at nasasaktan.
"And.. ayokong maranasan mo na para bang hindi ka namin hinayaang magdesisyon para sa sarili mo o piliin kung sino ang gusto mo,anak"dugtong ni mom.
Napahiwalay ako sa yakap namin ng marinig ko iyon. Kunot noo naman akong tumingin sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ko at mapait siyang ngumiti.
Para bang sa mga salitang binibitawan ni mom ay gusto ko nang umiyak. Kung sana noon pa ay nagkaroon kami ng ganitong moment, hindi na sana ako nagkaroon ng tampo sa kanya.
"Me and your dad, kinasal kami dahil ito ang gusto ng aming mga magulang. Labag man sa loob namin pero wala kaming nagawa. We both know that we don't love each other that time.."kwento ni mama habang may pumapatak na luha sa kanyang pisngi.
"You want to hear our love story?"
Nakatingin lang si mom sa akin at naghihintay nang sagot ko.
"Oh..baby just say yes dahil mag ku kwento din naman ako,"
Nag smile lang ako kay mama bilang sagot ko. May something sa akin na gusto kong malaman.
"In our first year of being married, para kaming aso't pusa palaging nag aaway.."medyo natawa si mom.
Pinunasan niya naman ang natitirang luha sa pisngi niya. Bumuntong hininga siya at ngumiti nang wala ng pait. Na eexcite tuloy akong marinig ang love story nilang dalawa. First time din kasing mag open up sa akin ni mom at hindi ko expected to.
"Until your brother came to my life. Actually it is unexpected because we we're both drank that time that's why we didn't control ourselves. At ng nalaman ko iyon, halo halong emosyon ang naramdaman ko. Masaya dahil magkakaanak na kami lalo na yung mga lolo't lola mo pero at the same time malungkot dahil alam ko na hindi iyon gusto ng dad mo na mangyare. Umuwe ako sa amin dahil nga ayokong malaman ng dad mo na buntis ako sa kuya mo. I left him in our house without his permission. I admit na may konting feelings na ako sa kanya noon.."patuloy ni mom.
Naka smile lang akong nakatingin sa kanya. At kinilig ako doon sa last sentence ni mom. Yieh~
"And then yun nagulat ako ng pumunta siya sa bahay at hinahanap ako! Tapos nang makita ko siya ay bigla akong tumakbo at pumunta sa kwarto ko. Hindi ko alam na sinundan niya pala ako. Huli na para maisara ko ang pinto dahil nasa loob na siya. Hanggang sa lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko at sinabi na 'halika na,iuuwe na kita sa bahay' eih diba ang sweet ng papa mo"kinikilig kilig na saad ni mom.
Nakakatawa si mom mag kwento with matching action pa e. Talagang ma pi feel mo ang bawat detalye. Haha.
"Pero syempre kunwari ayokong sumama sa kanya dahil nga hindi ko alam kung anong mararamdaman niya kapag nalaman niya na buntis ako. Sinabi ko nalang sa kanya na magbabakasyon muna ako sa bahay saka na lang ako uuwe. Pero tinitigan niya lang ako..."
Bumangon si mom at pumunta muna ng cr. Si mom naman may pa suspense effect pa.
"Mom bilis na super excited na akong malaman kung ano ang ginawa ni dad" sabi ko na parang bata dahil atat malaman ang susunod na mangyayare.
Napabangon naman ako ng may kumatok sa pinto. Bumukas ito at iniluwa ang aking gwapong kuya. Sinabi niya na mag di dinner na daw kami. Saka naman lumabas si mom.
"Looks like mamaya ko na maipag
papatuloy ang love story namin ng dad mo,"tatawa tawang sabi ni mom. Mukha nga. Kailangan na muna naming kumain. Tumayo naman ako sa kama at humawak sa braso ni mom."To be continued..."sabi ko at sabay na kami ni mom na lumabas ng room niya.
*****
Salamat po sa pagbabasa ♡
YOU ARE READING
Her Broken Promise
Novela JuvenilShe made a promise to him that she will stay no matter what. Pero ika nga, "Promises are meant to be broken". Kailangan niyang pumili at sa tingin niya ay iyong ang pinaka-mabuting desisyon na dapat niyang gawin. Ang baliin ang pangakong sinabi niya...