▪︎10▪︎

6 1 0
                                    

"No one has ever loved anyone the way everyone wants to be loved."

♡♡♡

Chapter 10: Secret Admirer

Wendy

Nasa hallway ako nang makita ko si Kimmy na kausap ang pinsan niya na si Nicole.

"Good morning!"bati ko sa kanila at napalingon naman sila sa akin.

"Good morning dy!"si Kimmy at ni-hug ako. Ang sweet ng frenny ko na ito.

"Oh hi Wendy. Good morning din sayo!"naka smile naman si Nicole at nag wave ng kamay. "Hey dy, alam mo ba na may boyfren na itong pinsan ko!"

Napatingin naman ako kay Nicole na ngayon ay nag ba-blush dahil sa sinabi ni Kimmy. "Weh dinga? Sino naman?"pagtatanong ko.

"Si Gelo. Iyong grade 10."sagot ni Nicole.

Gelo? Ahhh! Hindi ko iyon kilala e.
Nang mapansin nila na hindi ako nakasagot at tila ba nag iisip ay nagsalita si kimmy.

"Hay naku dy, minsan nga i tour kita dito sa school.. Hindi ka pamilyar sa mga estudyante e."iiling iling na komento niya.

Sa hindi ako masyadong socialize na tao e.

"Si Gelo iyong palaging kasama ni Clinton!"dugtong ni Kimmy.

"Oo siya nga!"pag sang ayon naman ni Nicole na kinikilig pa.

"Okay, now I know."I said with a smile.

Minsan nga pasama ako kay Kimmy at libutin namin ang campus. Hindi naman kasi ako masyadong pala kaibigan kaya iilan lang ang kilala ko dito. Minsan pa nga nakakalimutan ko mga pangalan noong iba pero tanda ko naman ang mga mukha nila.

"Sige Nicole, alis na kami babye!"sabi ni Kimmy. Mag aala syete y medya na rin kasi.

"Bye Nicole, see ya later!"sabi ko naman at nag wave sa kanya.

"Bye!"siya at nag wave naman sa amin pabalik.

Magkasama na nga kami ni Kimmy na pumasok sa classroom pero naabutan namin na may teacher na sa loob. Dahan dahan kaming pumasok para hindi ma interrupt si Sir. Pero hindi siya ang subject teacher namin. At naupo na nga kami ni Kimmy at nilapag ang bag namin.

"Anong ganap?"tanong ni kimmy sa estudyante na nasa unahan niya. Lumingon naman ito sa kanya at saka may binulong.

Ano naman kaya iyon?

Kinalabit ko si kimmy para tanungin. "Ano daw?"tanong ko naman. At ibinulong niya din sa akin ang ibinulong sa kanya noong kaklase namin.

"Weh?di nga? Talaga?"

"Oo iyon daw ang sabi e."nag nod nalang ako sa sinabi ni kimmy.

May mga sinabi pa si Sir pero hindi ko naman naintindihan. Tanungin ko nalang si Kimmy mamaya. Wala kasi kay sir ang focus ko ngayon kundi sa chapter 10 ng book na 'the Girl beside me' hindi ko kasi siya natapos kanina. Ayoko din kasing mabitin, dapat tapos ko ang chapter.

"Okay class understood?"si sir na nakatingin lang sa amin.

"Yes sir!"sagot naman nila.

Pagkatapos noon ay umalis na si Sir. Hinihintay nalang namin iyong teacher namin para sa second subject.

"Kim ano pa iyong mga sinabi ni Sir, kanina?"napatingin siya sa akin na kunot ang noo. Kinuha ko naman ang notebook ko sa bag. Pagkalabas ko naman nito ay biglang may nahulog sa sahig. Pupulutin ko na sana nang maunahan ako ni kimmy sa pagpulot.

"Kim akin na yan!"akmang aagawin ko ng ilayo niya ito sa akin. Envelope siya na kulay pink tapos may flowers and butterflies na design. Huwag niya lang sanang buksan.

"Secret Admirer?"basa niya sa nakasulat.

Well, honestly marami na rin akong natatanggap galing sa 'secret admirer' ko na iyan. Minsan anime na may note ang na rerecieved ko mula sa kanya. Paano niya kaya nalaman na favorite ko ang anime?

"Wow ang ganda naman nang drawing!"nanlaki ang mga mata ko nang makita kong bukas na iyong envelope. Naningkit ang mata ko at tinignan si kimmy.

"Oh sorry, naexcite kasi ako e. Pero maganda sya" inabot niya sa akin ang bukas nang envelope. Hindi ko naman iyon kinuha at kunwari na naiinis ako.

"Oy galit ka ba bes?"niyugyug niya ako pero hindi ko siya pinapansin. Kumuha nalang ako nang ballpen at may isinulat sa notebook ko.

"Punta ka sa bahay marami akong ipapakita sayo!"sabi ko na may halong excitement.

"Talaga?" Nag nod ako.

"Sige sige!"

______________

*Ehem*

Sino naman kaya ang secret admirer ni Wendy love? Sa tingin niyo?


Her Broken PromiseWhere stories live. Discover now