"The best things in life are the people you love, the places you have seen and the memories you have made along the way."♡♡♡
Chapter 9: Clinton
WendyAndaming nangyare noong weekend.
Una, niyaya ako ni Clint mamasyal sa mall. At ang saya dahil naka received pa ako ng gift sa kanya which is silver bracelet na may naka engraved na 'love'. Hindi ko expected iyon lalo na kakakilala pa lang namin.
One week ago.
Schoolmate kami pero hindi ko siya madalas makita. Narinig ko na minsan ang pangalan niya.
I think 3 times?
First, noong nasa cr ako at may mga nag chi-chismisang mga babaeng estudyante. Pero hindi ko naman na sila pinansin.
Second, noong Christmas party last year. Nagkaroon kasi ng general party tapos siya ang nabunot sa raffle. Kaso nga hindi naman siya nakadalo noon.
Third, intramurals-gosh! Sa tuwing naaalala ko iyong moment na iyon I felt a bit embarrassment. Lalo na noong nagtinginan lahat sa akin..so awkward!
Todo cheer up kasi ako sa team namin at ang kalaban namin ay team nila Clinton.
And then ngayon, magkaibigan na kami! Hindi pa man gaanong matagal pero parang sobrang close na kaming dalawa. Ewan ko ba, siguro dahil masaya lang siya kasama.
Pangalawa, nakita ko si Kimmy kasama ang mom niya! First time in history. Well nakita ko naman sila minsan na magkasama pero hindi katulad noong saturday na ang lapad nang ngiti. Iyong masasabi mo talagang tunay na masaya. Siguro ayos na silang dalawa?
May naikwento din kasi siya sa akin about sa family niya, may gusto daw kasing ipagawa sa kanya na sobrang ayaw niya naman. Pero hindi niya naman sinabi na kung ano iyon. At kung ano man iyon, palagay ko problem solved na. Yahoo!
Pangatlo, nakita ko si Bestfriend Ris kasama si baby Sammy. Nakakagigil talaga ang cuteness ng batang iyon. Nagkakasundo pa kami kapag inaasar ang kuya niya. At ano kayang sekreto ang tinutukoy niya? Grabe bata palang may tinatago na e.
Si Harris naman halata ko pa rin sa mga mata niya na may problema siya pero hindi niya lang masabi. Ayaw naman kasing sabihin as if na ibubulgar ko sa iba. Hindi naman ako ganoong kaibigan sa tingin ko.
Habang papunta ako sa tambayan ko ay napansin kong nandoon na si Clinton. Pero parang tulog yata. Nakasandal kasi siya tapos may nakatakip sa mukha niya na panyo.
Nag dahan-dahan naman ako naglakad hanggang sa makarating ako at naupo. Dahil hindi pa naman oras, magbabasa ako ng wattpad stories. Mahilig ako sa animé kaya naman kapag animé ang cover ng book at nagustuhan ko ang story description nito agad ko itong nilalagay sa reading list ko.
Ngayon gusto kong basahin ang story ni Hideo at Kamara. The Girl Beside Me. Gusto niyo bang malaman ang love story nila well search niyo nalang. Nakakakilig super!
Dahan dahan ko namang binuksan ang bag ko para kunin ang phone ko.
"Good morning!"muntik na akong atakihin sa puso at mabitawan ang phone ko nang biglang magsalita si Clinton.
"Grabe ka muntik na akong atakihin sayo!"sabi ko at mahinang hinampas ng kamay ko sa braso niya.
"Aray naman!"sabi niya habang hinihimas ang parte braso niya na hinampas ko.
"E ikaw kasi, monggogulat ka!"sigaw ko sa kanya at saka sumandal sa puno. Napansin ko naman na natawa siya.
"I think its my luckiest day. Lack of sleep. No good morning back. Hitting me with her bare hand. And shouting like a lion. What a day..lucky day"sarkastiko at iiling-iling niyang sabi at saka sumandal ulit sa puno.
"Bakit kasi dito ka natutulog? Pwede naman sa classroom,sa clinic,sa gym—"
"Hep! Stop baka sa cr ka magtapos niyan,"pinitik ko naman siya.
"Hindi kaya. Sa bahay niyo sana. Pero kung gusto mo sa cr why not? Diba? Choice mo naman iyon."natatawa kong sabi.
"Nakakadiring pangyayari.." rinig kong sagot niya. Napailing nalang ako at ibinaling ulit ang mga mata ko sa phone ko para magbasa.
Habang nasa kalagitnaan ako nang pagbabasa ay naramdaman kong may bumagsak sa balikat ko. Paglingon ko ay nakita kong si Clinton. Ipinatong niya ang ulo niya sa balikat ko. Kulang talaga siguro siya sa tulog, puyat e.
Hindi ko maitatanggi, gwapo siya. Makapal ang kilay, matangos ang ilong, may mahabang eyelashes, at mapulang labi. Hindi ko sure kung anong kulay ng mga mata niya, nakapikit e paano ko malalaman?
But one thing for sure, I was staring at his good looking face and watching him while he was sleeping.
Nang bigla siyang gumalaw ay agad naman akong napaiwas ng tingin. Lamona, mahirap na baka malaman niya pa na pinagmamasdan ko siya.
Nagbasa nalang ulit ako pero parang inaantok din tuloy ako. Maaga din kasi akong nagising kanina e. Since tulog naman na itong katabi ko e matutulog na lang din ako.
----------
Ehem!
Guys Idk if yung story na binabasa ni Wendy ay totoo ngang nasa wattpad. Hindi ko po siya ni search e. Honestly, imbento ko lang iyong title na 'The Girl Beside me'. Pero parang sa kanya yata patungkol yung story palitan niya lang ng 'boy' diba?. Ala e basta po wala akong alam diyan. Si Wendy nalang po tanungin niyo. Wag ako. AHIHIHI. TY!
Don't forget to vote to make me happy and be more inspired.
YOU ARE READING
Her Broken Promise
Novela JuvenilShe made a promise to him that she will stay no matter what. Pero ika nga, "Promises are meant to be broken". Kailangan niyang pumili at sa tingin niya ay iyong ang pinaka-mabuting desisyon na dapat niyang gawin. Ang baliin ang pangakong sinabi niya...