"You can give without loving, but you can never love without giving."Chapter 3: Endearment
¤Wendy's PoV¤
Dalawang araw ang lumipas at naging okay naman iyon. Palagi na kaming nagkikita ni Clinton. Sa aming tagpuan--sa puno ng mangga.
Hanggang ngayon natatawa pa rin ako ng maalala ko na magbabalat lang pala siya ng mangga akala ko kung ano na ang gagawin niya sakin,magpi picnic lang pala kami. Aside kasi sa mangga may dala din pala siyang mga chichirya.
Tinanong ko siya kung saan galing yung kutsilyo dahil syempre bawal magdala nun sa school ang mga estudyante sabi niya hiniram niya sa guard. Palagi nalang talaga akong mali ang akala about sa kanya. Ang weird niya kasi.
Kahit yata puso ko weird na din e. Bigla nalang kasi akong kinakabahan sa tuwing nandyan siya o kaya lalapit siya sakin. Weird talaga!
"Wendy!"nabalik ako sa realidad ng yugyugin ako ni kimmy."B-bakit?"
"Kanina ka pa tinatawag ni Mam Faith. Tulala ka kanina pa. May pangiti-ngiti ka pa ha."pang aasar sakin ni kimmy. Ganon na ba katagal akong tulala kaya hindi ko alam na pumasok na si mam faith? Psh. Inirapan ko nalang si Kimmy dahil sa pang aasar niya.
"Ms. Ramos,naka ready kaba sa iyong report ngayon?"tanong ng aming science teacher na si Mam faith.
"Yes mam!"I answered confidently.
Tumayo na ako at pumunta sa unahan.I cleared my throat at saka nagsimulang magsalita.
"Here are the list of different phobias.."panimula ko.
----
After of my amazing report ay nagpalakpakan naman sila. Pati si mam ay bilib sa naging resulta ng report ko. And I'm sure na nag enjoy naman ang lahat. Thanks to Clinton. Tinulungan niya kasi ako.
"Congrats,dy!"masayang komento ni Kimmy.
"Thank you kim!"nag high five naman kami. Maging si Harris ay nag congratulate din sa akin. Pero bakit parang ang tamlay niya? Alam ko rin na pilit lang ang ngiti niya kanina. Tanungin ko nalang siya mamaya.
Oras ang lumipas at natapos na ang klase. Kasama ko na ngayon sina kimmy at Harris na naglalakad ng hall.
"May problema ba,ris?"tumingin ako sa kanya pero nakayuko lang siya.
"May problema yan,panigurado,"
komento naman ni kim na nasa tabi ko. Speaking of kimmy hindi ko pala nalalaman ang sagot kung bakit siya absent nung lunes. Mamaya nalang muna siguro kausapin ko muna si Harris."May problema ba?,"muli kong tanong sa kanya dahilan para tumingin na siya sa akin. "I want to tell you something..."
Halata sa mga mata niya na may gusto siyang sabihin pero parang may bumabagabag sa kanya. Magsasalita na sana siya ng dumating si Clinton.
"Hi, Buttercup.."bati niya habang papalapit sa amin. Tumingin naman sa akin ang dalawa. "Buttercup?!"sabay na tanong ng dalawa.
"Buttercup a wild plant that has small yellow flowers that are shaped like cups."nakangiting paliwanag ko.
Halata sa mukha nila ang inis dahil hindi naman iyon ang sagot na gusto nila. Ang sarap asarin ng dalawa, nakakatawa.
"Yes she's my buttercup,right?"sabi niya sa dalawa bago tumingin sa akin sabay wink. Hindi ko alam pero gusto kong sabayan ang pagka baliw ni Clint.
"Yeah, He's my cupcake"wala akong maisip na iba e. Hindi ko alam kung bakit yun ang napili ko. Siguro dahil favorite ko iyon at saka may pagka sweet tulad niya. YiEeh~
Nagkatinginan nalang ang dalawa sa sinabi ko. Malaking question mark ang nakalagay sa kanilang mga mukha.
----
Nagkahiwa hiwalay na kami. Si Harris ay sumakay na sa tricycle papunta sa kanila. Napansin ko sa kanya kanina na mas lalong lumukot ang mukha niya. Parang nanggigil din siya lalo na at nakita ko na kumuyom ang palad niya. Ano ba nangyayari sa bestfriend ko?
Si Kimmy naman ay sinundo ng kuya niya. May motor kasi kuya niya kaya minsan sinusundo siya minsan naman kapag wala talagang makakasundo ay nagco commute siya.
At ako? Well, kasama ko ngayon si Clint. Hindi pa rin ako maka get over kanina. Nag volunteer si Clint kanina na ihahatid niya daw ako. Sabi ko wag na nga e baka ano ang isipin ng mga tao pero nag insist pa rin siya. May motor din kasi siya kaya sinabay na niya ako.
"Saan ang bahay niyo?"tanong niya na nagpabalik sa wisyu ko. "Ah liko ka sa kanan tapos dun sa may red na gate.."putol ko. Pano ko ba explain?
"Yun na ba?"he asked.
"Hindi katabi non ang bahay namin.hihi"narinig ko siyang nag chuckle dahil sa sinabi ko. Sa walang pintura gate namin e.
Ilang sandali lang ay nakarating na kami. Hinubad ko na ang suot kong helmet at bumaba na. "Salamat sa paghatid ha."nakangiting sabi ko. Ngumiti naman siya sakin.
"Welcome,buttercup..."
Naalala ko na naman tuloy mukha ng dalawa. Hinihintay ko siya na umalis pero parang may gusto pa siyang sabihin.
"Are you free tomorrow? Yayain sana kita don't worry, treat ko"medyo nahihiyang tanong niya. Week end na pala bukas. May gagawin ba ako? Ano kaya?
****
YOU ARE READING
Her Broken Promise
Novela JuvenilShe made a promise to him that she will stay no matter what. Pero ika nga, "Promises are meant to be broken". Kailangan niyang pumili at sa tingin niya ay iyong ang pinaka-mabuting desisyon na dapat niyang gawin. Ang baliin ang pangakong sinabi niya...