▪︎7▪︎

20 2 0
                                    


Puputulin ko muna love story ng mom and dad ni kimmy baby. Sare na kung kahit ako ay may pa suspense effect din.haha

-----

"Whatever makes you feel bad, leave it. Whatever makes you smile, keep it."

♡♡♡

Chapter 7: Date?

Harris

Balak ko sanang mag mukmok nalang sa bahay dahil wala din naman akong gagawin. May assignment nga pala kami pero hindi ko na iyon gagawin dahil siguradong may sagot naman si Wendy.

Matutulog na sana ako ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Nagtulog tulugan ako ng makita ko si Sammy na nakasilip. At ilang saglit lang ay sumara ulit ang pinto. He's my younger brother. And for sure mangungulit lang iyon na maglaro kami e wala pa naman ako sa mood ngayon.

Mabuti naman at hindi na siya nag insist pa.Minulat ko ang isang mata ko para silipin kung wala na nga sya at napangiti ako ng hindi ko sya nakita.

Tuluyan ko nang binuksan ang dalawang mata ko at nagbuntong hininga. Tumagilid naman ako pero laking gulat ko ng may makita akong bata na ang lapad ng ngiti.

"Gotcha kuya,"muntik na akong mahulog sa kama ko ng magsalita si Sammy. Akala ko ba hindi sya pumasok?.

"Saan ka pumasok?"

Hindi ko naman kasi siya napansing naglakad e.

"Omeged kuya, I can't believe na naka abot ka ng high school. Malamang sa pinto ako dumaan. Eneke be"sarkastikong litanya niya. Mukhang nang aasar pa yata. Alam ko naman iyon e.

"Whatever. Can you stop speaking like that!?"bulyaw ko kay sammy. Sabi ko na nga ba e hindi dapat sya pinapahiram kay Tita Rebecca dahil na aadapt ng bata,the way she talked. Ang arte!psh.

Sa tuwing bibisita si Tita Becca sa amin ay kinagigiliwan niya talaga si Sammy. Hindi pa kasi sila nagkaka anak ni Tito Leandro. Kaya hinihiram nila si Sammy sa amin. Dahil sa maraming pagkain sa kanila e madali naman nilang napapapayag si Sammy. Matakaw na bata!

"Yes but...in one condition!"sabi niya with matching taas babang kilay.

"What?,"

------

Nandito kami ngayon sa mall at kasama ko si Sammy. Ang kondisyon niya sa akin ay bilhan ko daw siya ng--er hindi nga ako makapaniwala e. Isang set ng barbie doll. So pumayag naman ako kesa naman magsalita siya ng gaya ni Tita Becca. Mapagkamalan pa syang ano e.

"Kuya... I'm gonna pee,"

Tumango ako kay sammy at sinamahan ko sya papuntang restroom. Habang papasok kami ay agad na may napansin ang mga mata ko. Tama siya yun! Hindi ako pwedeng magkamali.

Medyo na dismaya ako ng makita ko sya. Siya na may kasamang iba,it hurts. Lalo na hindi niya sinabi sa akin na sila palang dalawa ang may lakad.

"Kuya dito na ako wewewe,"

Napabalik ako sa ulirat nang magsalita si Sammy. Omeged hindi pa pala kami nakakapasok sa cr. Agad ko siyang hinila at nagmamadaling pumasok. Teka may sinabi ba akong 'omeged'? Whatevah!

----

Wendy's PoV.

Pagdating namin dito sa mall ay kung ano ano lang ang ginawa namin ni Clint. Kanina ay nanood kami ng sine, at naglaro sa play station. Sobrang saya ko ng matalo ko siya sa basketball pero sinabi niya na pinagbigyan niya lang daw ako,eh?

Nagpaalam muna ako na pupunta sa restroom. Sabi niya samahan daw niya ako pero hindi ako pumayag kaya iniwan ko muna sya sa may bench. Habang papasok ako ay may nahagip ang mata ko.

Si Kimmy together with Tita Myleen!? Kailan pa sila naging close? At saka sobrang saya nilang dalawa. Anong nangyaring himala?

Gusto ko sana silang lapitan kaso naisip ko na bonding nila iyon kaya hindi ko sila dapat istorbuhin. Dumiretso nalang ako sa cr.

Pagbalik ko ay wala sa bench si Clinton. Saan naman kaya nagpunta ang lalaking iyon? Umupo ako at iginala ang aking paningin and there you are!
Napangiwi ako ng makita kong may kasama siyang babae. Nagtatawanan silang dalawa. Ano kayang relasyon nila?

"Don't be sad,nandito na ako..."nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Clinton sa harap ko. Napatayo ako dahil sa gulat.

"Wendy si Valerie, Valerie si Wendy,"pagpapakilala ni Clint. Inilahad ko ang kamay sa kanya at masaya naman niya itong inabot. "Oh, she's the girl.."komento ni Valerie. Ngumiti lang ako sa kanya.

"Anyways, Clint I have to go na baka ano nang isipin ni Dan dahil natagalan ako. So bye na! Nice to meet you Wendy."nag wave siya sa amin bago umalis. Binaling ko ang tingin ko kay Clint at hindi ko inasahan na nakatingin din pala s'ya sa akin. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at narinig ko na he chuckled pero mahina lang.

"She's my cousin,"rinig kong sabi niya.

So?

*****

Salamat po sa pagbabasa♡

Her Broken PromiseWhere stories live. Discover now