"If it is your time, love will track you down like a cruise missile."
Chapter 4: Harris Secret Feelings
¤Wendy's PoV¤
Hindi ko alam kung bakit pumayag ako kay Clint. Wala naman sigurong masama na samahan ko siya. Mabuti na rin yun at may dagdag akong kaibigan. Napabangon ako sa kama ng marinig kong tumunog phone ko.
Ris calling...
Ti-nap ko ang answer button.
"Hello ris!"sagot ko. Ilang saglit pa bago siya nagsalita.
[M-may gagawin ka ba b-bukas?]kailan pa naging mahiyain ang bestfriend kong ito?
Bukas?..hmm Bukas?! Gosh ngayon ko lang naalala na naka oo na pala ako kay Clinton.
"Hm..May gagawin pala ako bukas ris"tugon ko. Narinig ko naman through phone ang loud sighed niya.
[Ganun ba? Okay]ramdam ko sa boses niya na may pagka dismaya.
"Ris may problema ka ba?"sinscere kong tanong. Medyo iba talaga kasi siya nitong mga nakaraang araw e. Last week naman ang sigla niya.
[Wala naman. Ayus lang ako]
mahinang sagot niya pero hindi ako naniniwala. Alam ko na may problema siya."Sabihin mo lang sa akin baka matulungan kita"offer ko. Saka his my bestfriend kung may problema man siya dadamayan ko siya. Paano nalang ang 13 years naming pagkakaibigan diba.
[Hindi na..Ayus lang talaga ako. Ni confirm ko lang kung matutuloy tayo bukas, kaso nga sabi mo may gagawin ka.]litanya niya pero dama parin ang pagka cold ng boses niya.
"Okay sabi mo e. I trust you. Basta kung kailangan mo ako, dito lang ako. bye.."
[Bye..]sabi niya at saka pinatay ang call.
Sasabihin ko na sana na nagbibiro lang kami kanina ni Clinton kaso ni end niya na ang call. Nakokonsyensya na tuloy ako. Feeling ko ang sama kong bestfriend.
Instead na isipin pa kung anong nangyayare kay Harris ay ni dial ko ang number ni Kim. May iba din sa babaeng yun e. Saka hindi niya pa sinasabi kung bakit siya absent nung lunes. Naka dalawang ring bago niya sinagot.
[Hi,dy!]energetic niyang sagot. Hyper talaga ang babaeng 'to.
"Hello kim,hindi mo pa sinasagot yung tanong ko sayo.."bigla namang natahimik siya.
[Kimmy hinahanap ka ni mom]rinig ko sa phone niya. So dumating na pala mom niya.
"Kim andyan ka pa ba?"tanong ko bigla kasi siyang natahimik.
[Yes dy. At kaya absent ako nung lunes ay sinundo namin siya sa airport.]paliwanag niya sa akin.
Ramdam ko sa boses niya ang lungkot. Kung kanina energetic siya ngayon naman para siyang halaman na hindi nadiligan. Alam ko na dahil iyon sa pagbalik ng mom niya. Kailangan niya na naman kasing pakisamahan ito.
[Geh dy, end ko na to tawag na ako ni mom.bye]
"Ganun ba? Sige salamat. Bye." ni end ko na ang call at humiga sa kama ko. Napabuntong hininga naman ako. Kakaiba ngayon sina Harris at Kimmy. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
---
Harris's PoV
Hindi ko alam kung saan at paano nagsimula. All I know is I starting to like--love her. I mean more than her bestfriend. Naiinis ako na may kasama siyang lalaki instead of me. Gusto ko kami lagi ang magkasama.
Sobrang naiinis ako lalo na kanina nakausap siya ni Clinton. Kilala ko si Clinton actually friend kami,dati yun. Nang hindi ko pa nalalaman sekreto niya.Ayokong saktan niya si Wendy. Hindi ako papayag na pati si Wendy ay idadamay niya sa kalokohan niya.
Mabalik tayo kay Wendy dahil ayoko nang marinig pangalan niya,naiinis ako.Gusto kong sabihin sa kanya ang nararamdaman ko pero baka ito ang maging dahilan para magalit siya sa akin. The reason para mawala ang pagkakaibigan namin. Bestfriend ko siya at ayaw kong mawala ang tiwala niya sa akin.
May plano sana akong kausapin sya bukas dahil alam ko na nahahalata niya na ako. Kanina pa ako nakatingin sa phone ko. Nagdadalawang isip ako kung tatawagan ko ba sya o hindi. I picked the first one.
[Hello ris]sagot niya.
Hindi muna ako nagsalita.
"M-may gagawin ka ba b-bukas?"sht bakit ba ako nabubulol?
Sana naman wala siyang gagawin para masabi ko na sa kanya.
[Hm..May gagawin pala ako bukas ris]tugon niya. Napabuntong hininga nalang ako.
"Ganun ba? Okay,"
Aaminin ko na medyo nadismaya ako dahil akala ko matutuloy kami. Pero hindi pala.
[Ris may problema ka ba?]sinscere niyang tanong.
Dahil magbestfriend nga kami alam na namin ang isa't isa kung may problema ba o wala. At ngayon ay magsisinungaling ako.
"Wala naman. Ayus lang ako"mahinang sagot ko pero I know na hindi siya naniniwala.
[Sabihin mo lang sa akin baka matulungan kita.]
Alam ko na gusto niyang malaman kung anong nangyayare sa akin. Kung bakit ako nagkakaganito at ano ang problema ko?
Paano kung malaman niya na siya ang problema ko? Hindi kaya siya magalit sakin?
"Hindi na..Ayus lang talaga ako. Ni confirm ko lang kung matutuloy tayo bukas, kaso nga sabi mo may gagawin ka."
[Okay sabi mo e. I trust you. Basta kung kailangan mo ako, dito lang ako. bye]
"Bye,"sabi ko at saka pinatay ang call.
Napasandal nalang ako sa sofa. Ipinikit ko ang mga mata ko. I wish you know my true feelings for you wendy. And if you find it out I hope we're still bestfriend.
******
Salamat sa pagbabasa ♡
YOU ARE READING
Her Broken Promise
Fiksi RemajaShe made a promise to him that she will stay no matter what. Pero ika nga, "Promises are meant to be broken". Kailangan niyang pumili at sa tingin niya ay iyong ang pinaka-mabuting desisyon na dapat niyang gawin. Ang baliin ang pangakong sinabi niya...