BNFLA 9- * Hello DAVAO *

37 0 0
                                    

"oy ikaw Scarlet Zee Enrique magpakabait ka dito ha wag kang magpasaway kela manang BB at manong JJ at ila ate DD at ate GG. kayahhhhhhh!!!!! mamimiss kita may lil sis."- tapos ay i hug her.

"OA mo ate. para kanamang mag aabroad."

"panira ka naman eh ako na nga tong nagiging sweet kaya magpanggap ka na lang na mamimiss mo rin ako." - tapos ay nag tawanan sila manong JJ manang BB ate DD at ate GG. pagpasensyahan nyo na lang ang mga pangalan nila code nila yan bigay ni mommy ang mga pangalan nila kaya wag na kayong umangal.

"o sige alis na ako bye bye."- tapos ay sumakay na ako sa sasakyan ko at nag simula ng magdrive si manong JJ. nakakalungkot naman hindi ko makikita for one week si Scar, mamimiss ko talaga ang away namin. first time namin tong maghiwalay kasi kahit fieldtrip namin noon ay kasama sya pero ngayon ay hindi na kasi nga may fieldtrip din sila kaya wala na syang magagawa dun.

"tama ang gummybears ko. where o where are you my yummy gummybears?? ah eto Yes."- tapos ay kinuha ko na ang gummybears ko sa bag at kumuha ng isang gummy bear at kinain ito.

"manong JJ you want Gummybears po ba?? masarap po to matamis at umm... matamis."- pag aaya ko kay manong JJ.

"Salamat Ija but I can't coz my teeth can't handle candies anymore. "- sabi sa akin ni manong JJ.

"wow manong JJ ha umienglish ka na. hahaha ok lang po."- astig talaga tong si manong JJ kahit matanda na para paring binata kung kumilos, ang galing talaga pumili ni Mommy.

after 30min…

"Ija nandito na tayo sa airport. ma'am Zia."

sino ba yang taong yan , ang himbing himbing ng tulog ko dito tapos gigisingin na lang bigla tss bahala na nga matutulog na muna ako.

"ma'am Zia may sunog! nasusunog na po ang sasakyan kailangan na nating lumabas!!!"

"ha! sunog! asan asan? halika na labas na po ta— teka.. wala namang sunog ha? ikaw manong ha."

"pfftt pfftt pfftt hahahahhah!! sorry po ma'am yon lang po kasi ang naisip kong ideya para gisingin ka, hindi ka po kasi magising e."

"tss.. ikaw talaga manong JJ ha. de bale na sige na po manong pasok na po ako. bye po."

"sige ingat kang bata ka."- tapos ay lumabas na ako sa sasakyan at pumasok na sa NAIA. nagulat na lang ako ng may biglang umakbay sa akin.

"Zia sabay na tayo."

"Ikaw lang pala. sige halika na, pero pwede paki tanggal ng kamay mo sa balikat ko?"- si kel lang pala yung umakbay sa akin akala ko pa naman manyak yung umakbay.

"wag na ganito na lang pakipot ka pa e gusto mo namang akbayan kita."- tapos nagsmile sya sa akin ng nakakaloko.

"yabang mo. halika ka na nga."- tapos hinyaan ko na lang syang akbayan ako tapos ay pumunta na kami don sa Philippine Airlines at pinakita ni Kel ang ticket namin tapos ay inspection na naman  tapos ay nag wait na kami don sa waiting area marami na ding naghihintay dito na classmates namin pati na din si Summer at si K Zer nandito na din tapos ay lumapit sila sa amin.

"ang sweet nyo naman."- panunukso sa amin ni Summer. dun ko lang napansin na nakaakbay padin pala si Kel sa akin kaya agad kong tinanggal ang kamay nyang nakaakbay sa akin.

"loka loka ka talaga Summer no. halika ka nga dito."- tapos ay hinigit ko sya malayo kela Kel at K Zer.

"wag ka nga. baka mapansin nya na Crush ko sya hindi nya na ako papansin, kapag yu. mangyare kakalbuhin talaga kita sige k."- tapos bigla syang nag peace sign sa akin.

"ikaw naman girl hindi ka na mabiro. joke ko lang yun hehe."- then nag glare ako sa kanya. kasi basta inaaway ako nyan, buhok nya ang pang blockmail ko.

"halika na nga tinatawag na ang flight natin."- tapos ay kinuha na namin ang bag namin at maleta tapos ay sumakay na ng airplane. syempre katabi ko tong lokang si Summer kaya panay ang daldalan namin dito sa eroplano, wala naman kami pake kasi natutulog naman ang iba pa naming kasama.

2 hours laturrrrr....

"hayyy sa wakas nakarating na din kami dito sa davao"- sabi ko habang inistrech ang katawan.

"oo nga, ang sakit na ng likod ko kanina pa."- si kel yan tapos ay ginaya nya ako at nag stretching din.

"Zia! Kel! pasok na kayo dito baka maiwan pa kayo!!"- sigaw sa amin ng prof namin kaya sumakay na nga kami sa bus at tumabi ako kay Summer tapos ay tinikom ko na ang bibig ko ayaw ko muna mag daldal gusto ko munang matulog dito nakakpagod kasi kanina.

goodnornight everybody ^_^ Hello DAVAO!!!

**

~ cutiederpChanyeol ~

Bakit nasa Friendzone lang ako?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon