Legacy Fight: Sea-Sailing🍃

19 1 0
                                    


Pinagmamasdan ko ang paligid ng kagubatan, at ang karagatan, dahil wala na akong mapuntahan, mula sa paglisan ko sa nayon! 

Ang tanging tanawin ko lang na makikita, ay formasyon ng mga ibon, subalit sa tuwing nagbabadya ang masamang panahon sa kaulapan, ay nagiging mala-disyerto ang kapaligiran, at maalon ang malalakas na alon, kaya kailangan ko ng gumawa ng balsa.

Dahil dito rin ako sinanay, ay nanatili akong kalmado 😊

Matibay ang pananalig ko sa sarili, kaya kailangan din matibay ang gagawin kong balsa, sa bawat dulo nito, mas lalo nasa harapan.

Kung matamaan man ito ng mabibigat na alon, ay aangat pa rin ito, kahit anumang mangyare.

Syempre, palaging may sandata!

At bahala na ang tubig ng karagatan sa akin, habang inuupuan ko na lang ito...

Tinulugan ko na lang ang bawat hampas at dumadala, dahil palagi namang ganito!

Ang tanging magpapahilik lang sa akin ay mga kidlat at hayop na nagmamadali.

Napaginipan ko na naman ang aking pinagmulan, bago ako maging ganito.

Hindi ako pinagbibigyang makapuntos mag-aral, kung papaano maging sibilisadong nilalang: mag-aral, magkapamilya, at maging magaling na kilalang tao sa balat ng lupa, maski ang mga matatapang na babae, ay kailangan ko pa daw maging tunay na lalake, kahit na natural na akong prinsipe ng mga mandirigma, sa aking paniniwala, na ngayon ay natupad ko na 🙁

Kaya ang palaging dulo nito ay magkompronta at makipaglaban, sa kalaban kong hindi rin marunong mamimigay, kundi kompetisyon lang.

Ganito ako pinalaki ng aking kingdom!

Natuto akong maglasing at mangarap sa labas ng pader, at ipagpatuloy na lang ang nasimulan ng aming Bathala, kung papaano ang puno ng mustasa, magkaroon muli ng buhay, sa mga taong piniling magsimula, mamuhunan, at lumigaya, hanggang sa maglaho na lang ito ng tuluyan, ng matagal na panahon.

Ngayon ay isa na lang siyang puno, na nagpapa-alala ng katatagan at kalakasan, sa madisyertong lugar na ito. Ulila pa ako ng lubos, kaya napakahirap magsimula, na mas pinili ko na lang maging abnormal 😀

Kahit takot na takot kaming humarap sa kahit anumang digmaan, ay mas pinili naming lahat na maging normal at masaya, maliban sa akin, na timang pa din maki-angkop.

Napagkakamalan tuloy akong kaaway ng mga nag-aapi, at ito'y pinapaalam pa sa kanila, para tumino pa ako, at lumakas hahaha!..

Pero ayus lang ako palagi 😉

Minsan na rin kaming pinarusahan ng aming Bathala, dahil naging mahina daw kami, sa aming Kalayaan, na mismong pundasyon naming magmahal, magsaya at maging magaling, sa anumang pagharap.

Ang numero uno na ngayong kinatatakutan namin, ay ang Hangin, dahil maaari kaming masira nito, maski pa ang aming pananampalataya.

Kaya magsitapos man kami o hindi, kahit saan man kami tangayin ni Tadhana, ay may iba't ibang uri ng habagat o malalakas na hangin, kaming mapagdadaanan. Hindi ko akalain na dito pa ako sasabit, dahil ako ang mas naging malakas, kaysa sa kanila, na sila ay mananatiling sila na habang buhay.

Ngayong nandito na ako sa harapan ng matitinding alon, at kulog't kidla, at mababangis na hayop at ulan, na mistulang kamatayan na, ay talagang dapat kayanin kong daanan ito, kung hindi ay matatalo nila ako sa pagsubok nito ✊

Mas marami silang nalalaman at napagdaanan, pero mananatili pa rin akong mas angat at magaling sa isip at salita... Sa may gitna pa lang nito ay nagawa ko ng mapagalaw ang bundok!

Maanod man ako pailalim at paroon, ay isa na lang itong tubig sa buhay ko! 😇

Madali' man ako ng kidlat at mababangis na hayop, ay magagawa lang nila akong matalsik at mabaon sa limot!

Pero ang bugso ng ulan at habagat ay sigurado talagang mapanganib!

Isisigaw ko na lang ito, isisigaw ko na lang ito!!!

Hanggang sa mabali na ng tuluyan ang aking sinasakyan, at ako na lang ang magbubuhat ng laban, makapunta lang sa paroroonan!

Mabuti na lang ay hindi ako makita ng mga mababangis na hayop, kaya nakipaglaro muna ako sa kanila, at tapos, ay sinakyan ko na.

Wala lang, naihagis lang ako ng malayo sa dulo! Mabuti na lang may mga bato, kahit na nasugatan ako nito ng lubos. Ibig sabihin, ha, may malapit na lupain!...Sana nga lang?!..

Sa may gilid ko ay namalik-mata akong nakakita ng mga bagay na lumilipad sa dilim! Hindi ko alam, kung anu yun?!

May naririnig akong boses ng mga dalaga, kaya ano pa, sisid agad ako, at hanap ng mapagtataguan sa mga batuhan?! Mga Dyesebel, na naghahanap ng makakain!

Nakipag patayan ako sa taguan!

At tinuloy ko na ulit ang paglangoy, hanggang sa makaalsa ako ng giniginaw... Hindi ko alam kung bakit kinukompara ko pa ang pakikipag kompitensya ko sa kanilang lahat! 😔

Ang bangungot ay mananatiling nilalabas na lang ng mga sinasalita, pero ang pagod ay mananatili ka ng ibabaon sa lupa, sa sobrang bigat!

Ei, napakagandang tinig ng musika ng isang Dyesebel, pataas ng pataas, kaya kahit pagod na, ay kailangan kong kayaning sumabit kahit saan! Sinandal ko ang likod ko ng malakas sa matigas na bato, kaya hindi na nila pang magawang mahila ako, kung alam man nila kung nasaan ako.

Hanggang "Salamat!", nawala na din, at nakatulog na ako ng mahingbing, pero natalo pa din ako, dahil hindi ko nagawang manatili lang sa isang lugar. Gayunman, ay ako pa lang ang makakagawa nito, ang manlakbay ng hindi inaasahan, at pumarito ng hindi namamalayan, ng wala silang lahat hahaha! 😃

Tapos, tinusok ko na ang aking sandata sa tabi ko.

I, Legacy: At Last!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon