Hindi ako nakasakay sa kabayo.Sinusundan ko ang mga kasamahan kong naka-kabayo, upang magtagumpay o gumawa ng isang magandang himala.
Kamao lang sa ngayon ang gamit ko, dahil alam kong magiging mapurol ang mga sandata namin, kung baka sakaling magkagulo kapag nakipag-ayos.
Isang bayang maayos ang aming pupuntahan at patutunguhan, pero bakit may mga makukulit pang walang awang pumapatay ng mahina't duwag na pamilya't kaibigan.
Ginagamit nila ang kanilang kasikatan para magkunwaring may alam at mapakumbaba, upang gumaya lang ang mga tao sa kanila at makuha lang nila ang kaginhawaan ng buhay at katanyagan.
Kaya sila na ngayon ang mismong namumuno, dahil matagal ng walang pamahalaan upang gabayin sila.
Tanging tiwala lang sa kanilang sarili ang kanilang pinapairal, pero ang naging problema nila ay pumapalpak ang panggagaya ng mga tao sa kanila, na kumakanya-kanya sila ng kanilang pinaniniwalaan, kaya may gumaganti at pumapatay ng walang kalooban.
Ito ang naging dahilan, kung bakit alerto ang mga taong nayon sa bayan, sa pagsisinungaling, kung sino mang umeespiya sa kanila.
Pero bakit ang naging kaaway pa nila ay mga matitinong taong nais lang makuha ang gusto nila, at paghigantihan lang ang gumawa ng nakapipinsala sa bayang ito.
Lagot, matanong ang mga tao dito sa akin, nung bigla akong nagpakita sa ilalim ng kagubatan! Malalaki ang pangangatawan nila, kaya hindi ko kinaya ang mga kamao lang at pagboboses, kaya mabilis na gumalaw ang mga kasamahan ko, at napatulog nila sila ng magaling pero mahirap.
Oo, nabigla kami roon! 😧
Maraming kalat (at mga patay) sa tabi-tabi na hindi napapansin ng bayang ito, maski na ang mga nangangalaga sa kanila at humahawak, sa sobrang kasiyahan nila, dahil sa mga tao dito.
Naging mahirap ang pagtatanong ko at komunikasyon, kahit pa may pinag-aralan ako, at may iniidolong tanyag ang mga kasamahan ko.
Mukhang patay ang mga ugnayan ng tao, kaya uhaw sila sa tunay na buhay.
Alam ko na kung sino ang may pakana nito?! 😏
Hindi ang mga nagpapasikat na tangi lang mamuno at magalak, kundi ang mga may sayad sa sarili na gusto din magkaroon ng kanilang sariling mundo.
Matago sila sa kanilang lahat, at malayang magnakaw ng ari-arian at pinaghirapan ng ilan, yumaman lang at magkaroon ng maraming matinong at may sabit na kaibigan. Wala silang pakialam sa mga taong hindi pa alam ang tamang pamumuhay.
Ang dalawang grupong ito, ang mismong magkaribal na magkaaway, ang legasya ng sipsip at yamado sa buhay! Sinong mananalo at sinong mapapatay sa tagu-taguan nila?!
Ito ang naging paraan namin para magkaroon ng koneksyon, at makipag-ugnayan sa mga taong gugustuhin namin, kahit ang mga kasamahan ko ay datihang mga sundalo, na ngayon ay nangingilkil ng buhay.
Ang history pala ng dalawang magkaribal na ito ay datihan silang mga bayani ng bayan, na ngayon ay nagkukunwarian na lang, nung nawalan ng saysay ang pamahalaan, pero ang naiwan pa nito ay siyang kinasawi ng kaligayan at agenda ng mga tao rito.
Kaya pala ang islang ito ay isa sa pinakamalungkot na napuntahan ko – O di' kaya ay nagkukunwarian lang sila, dahil may tinatago 🤔
Nagnakaw kami sa mga sipsip ng maganda-ganda, at ginamit ito para makuha ang loob ng mga yamado, kaya naging magaling ang pagbibigay namin ng kaligayan sa kanila.
Ni wala silang pakialam, kaya hindi nila alam na taga-dito kami, kaya ginamit namin ang katangian ng mga ninakaw namin, para hindi na sila maghinalang estranghero at kaaway.
At kinabukasan ding iyon, ay pinakita nila sa amin sa isang pook, malapit lang dito, kung gaano kasiya talaga ang mga tao, dahil buhay na buhay ang diwa ng kamatayan at digmaan, kahit na mababaw ang paniniwala nila na may Bathalang nagmamasid sa ating lahat 👼
Dito ang may bukal na loob ay siya lang ang rumaraos ng kasiglahan, kapag naiisip nila ito, kaya malaya silang gamitin itong tanawin para kumuha ng kaligayahan, at makipaglaro din 🤭
Tanging malalakas ang loob lang nakakapunta dito, at mga duwag ay inaapi, ito ang rules nila ng libangan at palabas.
Dahil sa digmaan ding ito, ay may bago ikaw makikilalang mapang-aping magagaling at malalakas.
Pero hindi kami nandito para manakit at patayin silang lahat na nagpapatuloy nitong tradisyon, kundi makipagsapalaran upang maging maayos na.
Tanging tagumpay lang, ang uwian nito, ang nasa isipan namin, dahil kinala na din kami ng matataas.
Walang pamilya dito at kaibigan (kaya naman pala) na masasandalan, kundi ang nakakataas lang.
Kaya wala kaming magagawa kundi maghanap, pero maingat baka magsuspetya ang mismong espiya.
Ang plano ay may magpapaiwan sa bayan para sundan kami sa kagubatan kung sino ang may susunod, at kami naman ang bahala sa daraanan kung may paki-alamero. Kung sa bagay, ay magaganda ang hinog ng mga prutas dito.
Patitinuin namin ang mga tao dito, makuha mo lang ang loob ng iba, dahil mas masarap mamuhay sa kagubatan, kahit na may mababangis na nilalang 😀
Alam kong naiiba ako sa kasamahan ko: sila nangingikil, at ako naman edukado, na sabik sa maiiwan sa daigdig.
Dahil pamilyado na ang mga mukha namin sa masa ng dahil sa mga kasamahan kong matataas, ay nakikibagay na din kami at nakakakuha ng iba't ibang hindi naming inaasahan...
Nanalangin muli ako na sana'y magtagumpay kami sa misyon (kahit anuman ang mangyare)...
Ginamit ko ang lahat ng nalalaman ko, mapa eksperto sa sandatahan, pagbebenta ng negosasyon, pagkuha ng loob, at pagpapalakas ng loob, sa abot ng aking makakaya, para maging maayos lang ang samahan ng mga bayani sa mga tao, upang wala ng taguan at patayan ng loob 😨
Ngunit hindi ding maiwasan na gumawa kami ng kuwento tungkol sa away at gulo, magkaroon lang ng kabuluhan ang kuwento ng bayan, na ito mismo ang nagpapalawak ng imahinasyon -- Mali pala, pinapakisamahan na lang kami ng nakakatataas, dahil mas gusto nilang maglakbay sa sagrado nilang alam, na hindi lang ang palabas at libangan.
Hinahasa ng bayan ito ang kanilang sarili, upang maging guwardiya ng isla, sa paniniwalang sila na lang ang nagtataguyod ng pulisiya, kaya kung sino ang hindi marunong makibagay na bayan ay sasakupin ng paunti unti, kahit inang bayan pa ito.
Ito ang nagpabunsod sa kanila na magpatuloy pa at magpaapoy, ng dahil din na nandito kami 😉
Dahil masaya akong kasama at nanatili kaming nandito sa bayang ito ay minsan hindi talaga maiwasan ang paglalaro ng isip ng nakatataas kung sino ang mas mabubuhay ditong manlalaro!... Kompleto ba kaming mabubuhay o isa man sa amin ang maliligaw at mawawalan ng lakas na lumaban?! 😦
Lumaban kami sa aming mga buhay sa lugar na ito at ilan sa amin ay nawala't nalagasan ng hininga, pero ang tangi lang problema ay kung papaano makakalabas at makakaligtas sa mga taong pinaglahuan ng mithiin sa bayang ito, na siyang naging itsura namin ay gahaman na, pagkagaling sa mga matataas na iyon!
Palakasan na ito ng isip, kaya kanya-kanya na kami ng kaalaman upang makaligtas, dahil matitindi ang mga tao dito, parang mga kidlat kung makipag-away! 😬
Todo na to', kahit na may trayduran sa amin!
Nawala ang aming kabayo, kaya ang naging huli naming pasya, ay magtungo na lang sa entablado ng palabas ng digmaan, kung saan ay magsasakmal kami at nanakawin ang kabayong ito, ng hindi nila nalalaman, patungo pa sa labas nitong umuusok na mga kidlat sa ilalim ng kadiliman ng kaulapan, na sumpa mismo ng bayang ito.
Ang mataman nito ay siyang huwag mangitim, magalit at mawalan na ng ulirat mamuhay!
Ang mahalaga ay napakilos namin ang mga morales nila, at ito ay kakalat sa buong kalupaan, magpakailanman, at nakakuha ng pinakamahalagang impormasyon na magagamit sa kanila, yun ang kayamanang hindi nauubos...