Legacy Fight: Foul🍃

10 1 0
                                    

Parang liwanag ang dalampasigan sa ganda ng panahon, pero ang tubig ng karagatan ay nagbabadya! 😎

Nasa-isip ko pa din ang mga musket na kasama ang hari't reyna, at ang royal nilang prinsesa, ng mga superiores at sophisticated people somewhere, kaya nakakapanglumo at nakakangulila kung papaano na makikibagay at makikitungo sa isa man sa kanila, bago dumaong sa armada-warship nila, para pumunta sa mas maunlad at ma-royal nilang alam, samantalang ako ay kumakain ng parang tira-tirang pagkain at naghahanap ng masusuot sa mga alam kong kaibigan. 

Madampi-dampi ang tinatapakang buhangin, kaya ang sarap magbato nito sa sobrang pikon sa kanila, na marami pa silang dapat malaman, kahit na kompleto na ang mga nakita nila. Parang tuloy akong anyone else tuloy na nakikibagay, sa mga ere nila, ng mahanging dalampasigan 🙁

Hindi na ako makapang-usap ng mga gusto kong kausapin, dahil abala nasa pag-alis o sa mga interesanteng taong magsisipaglakad, kaya naglibot na lang ako sa kanila, katulad din nila. 

Makapaglibang lang. 

Kahit na mahirap maghunt sa kagubatan ng isla, dahil mag-isa, ay ginawa ko pa din. Nais kong maghanap ng makakausap, kahit sinong tanyag at magaling, pero ang tangi ko lang nakuha ay ang impormasyon, hindi ang kapukawan ng pagmamahal nila.

Kaya nilakbay ko na lang itong bilog, at nakipaglaro sa mga bata at ina nito, malapit sa mga alon. May mga tribo pala na nag-aaral makipag-espadahan ng napakatulis na sandata. Hindi na mga sibat ang hawak nila, kaya nais nilang sumama upang makakuha pa ng makabago ng reward sa mga royales. 

Kaya handa din nila ibigay ang kanilang alindog, makapagpasaya lang, at makipaglaban para sa maginhawang tagumpay, kahit na maapi at madurog pa sila ng mga ito, dahil ang pananaw ay mananatiling ganito na sila 😉

Kung gayon, anuman ang kalkulahin ko at gawing tama, sa tuwing ganitong makikisama ang mga royales dito sa mga superiores ay magiging abala pa din, para sa reward ng mas mainam at magaling pa. Gayung nakilala na rin nila ako, mas dapat galingan ko pa at pahirapan ang sarili makipaglinyahan din sa mga guwardiya nila.

Plano kong makisama habang sila ay abala din sa mga tao, na hindi lang sa kanilang trabaho, at ang hindi na kailangan ay dapat nakawin ang kanyang pusisyon, upang kunyaring maging kaanib at makitungo at makipaglaro na ng dapat laruin, sa iba't ibang buwetre sa kanilang kalooban.

Hinanda ko na ang mga gamit ko, nagkunwari sa aking damit nila, at kumuha at ninakaw ang kanilang sandatang tila hindi na kailangan. 

Naku po, ano ba ang pinagdaanan kong ito! 👻

Nakikipag-away na naman ang mga tribo pero katuwaan sa mga kinakayanan nilang tila malakas at kilala. Pakitaan ng galing at gilas sa pakikipagtunggali, kung sino ang mas hinog at maasim ang ngiti. 

Mabuti na lang ay walang pakialam ni pansinan ang mga tao, dahil para sa kanila ay tansya nila ang lahat, kaya tuloy lang ang magsikalat, bago magsituwid. Ganda-ganda ng suot ko, pero pinatulan ko din, ang maggrupong ito, upang tumigil na, mas magaling pala ako sa kanila, boses lang at higanteng-kamao, at tapos ay dinala silang mga tulog sa liblib, upang kuhanin ang laman nilang impormasyon, kayamanan, at magagamit! 

Ayun sa nakalap ko ay mag-iiba ng kalakaran, tila magkukunwari ang kilalang nasa itaas, makipagpalitan lang sa hindi kinala, ngunit mataas na pusisyon ng royales at superiores, upang magpatakbo ng sistema ng pakikibaka, kalakal at kolonyal, ang aking natanto, na patago pa din nilang isasakatuparan ito 😃

Naku po, napakaganda ng paligid, kahit na hindi pa din umaandar, ang sasakyan namin, mas lalo ng makapasok ako sa loob nito, kaya marami pang mangyayareng inaasahang hindi namin at nila inaasahan! 

Ei, may mga bata din at kanilang pamilya, ayus yan! 😊 

Pero may papatulugin pa akong mga kaaway na magkakonektado, ayun sa aking pagkakaunawa, bilang ganti na din, para sa aking sarili, bago ako dumaong sa kanilang armada ng kaunting oras lang, na sana umabot, at gagawin ko na ang mga miyembrong bloke ng paninipula, upang maging daan ko sa kanila, magkaroon lang ng mapapakinabangang matriks, upang hindi na ako mahirapan pa, sa abot ng aking makakaya, gayung nakilala na nila ako. 

Sa inyo Armada, sa akin naman sandata ng gagamba, pero hindi ko na din kaya, mas lalo ng kakayanin ko pa, dahil nawalay na ako sa aking tunay na kasamahang Mandirigma, upang samahan at tulungan ako sa aking pag-usad, bagaman na matipuno pa din ang aking apak! 😌 

Natutuhan ko din maging sundalo, hindi na mandirigma, pero mas maganda ng maging mandirigma, kaysa gayahin pa nila ang aking mga lakas, kung kaya ay hindi na ako nag-iisa!

Umiiwas pa din ako sa mga miyembro ng kasapi, baka malamang nandito ako, hanggang sa pagpasok namin, kahit na ang ginawa nila sa akin ay tuminta at kumintal sa aking galit. 

Maalikabok makipag-ugnayan pala ang mga sundalong bayonetang ito, kaya napausli na lang ako sa tabi nila 🤨 Punta dito, punta roon, baka may makuha at hinging kahit anuman.

Sinisimulan ko na ang pag-angkop ng lengguwahe nila, upang dumulas lang ang aking atensyon sa kanila. 

Napakalamig ng paligid, kaya masarap magsaya at mag-usap ang kanya-kanyang grupo, at iba't ibang uri, at masarap panuorin ang napakalakas na royales sa superiores, habang ang orihinal kong mga kasamahan, ay nahuli sa sinasakyan nila, ng hindi nila alam, na nakasali na naman ako, kahit na pahirapan, EI! 😠

Ito lang ang tatandaan ko, sabi sa akin ng isang bata, ang mga putakteng hindi marunong rumespeto, ay hindi marunong magdeterminado at magsumikap, kahit na anumang kalayaang meron sila! - Nagulat din ako sa panahon ngayon.

Kaya sa ayaw ko sa hindi, ay mananaliksik pa ako na tila may mali na binago nila ang matriks, kung bakit mahirap pa din makipag-ugnayan, kahit nasa armada na ako, kaya tumalon ako dito, at lumangoy sa isa pang armada, ng hindi, ng mga maliligalig na nakadaong, nakikita. 

Madilim na may halong dalandan ang kaulapan, upang sumagi sa isipan ko 'ang wala ng pamahalaan ang kaharian sa lupa'.

Mabuti na lang ay mabagal ang takbo nito, kaya napahawak ako agad. Sundalo talaga akong tumatalon pabigla-bigla sa sobra ng pagod, Ei! 🙂

Mabilis talagang kumalat ang impluwensiya nila, kung sa bagay ay hati-hati ang bawat grupo, walang halo-halo! 😥

Mabuti naman pala, e, napakaraming magagawa't mapaglilibangan, kung kaya gumala at kumuha ako sa pakalat-kalat nilang dormitoryo ng magagandang robes at damit, kumuha ng libro sa libreya, at naghanap ng lugar ko, mas maganda sa itaas, kahit na mauga-uga ang barko.

Pagkatapos nun, ay nakipagkilala sa mga pamilya ng may status, at ginalang naman nila ako haha, at hinatid sa kanilang mga relatives, at nakipaglaro sa kanilang tagapagmanang anak, kaya marami akong napatunguhan, at napalibang ako ng lubos! 😁

Hanggang napatulak ako sa ilang miyembro din ng mga royales, kaya agad na nakipag-usap sa kanila, kahit na mahirap mahalata. 

Mahilig silang magpaputok sa labas ng fireworks, ang mismong simbolo nila. 

Napapatanong din ako, kung bakit may matriks, at simbolo, na hindi dito nakatuon ang mismong musket, at ni walang kasing edukado katulad ko, na para bang nagpulong lang sila sa isang isla?

Alam ko na...Gagamitin nila ang mga taong ito, sa kanilang ambisyon at layunin, kaya hindi magkaugnay-ugnay! Papakainin sila ng masasarap, pahihinain, tapos hawak na nila ang ulo ng mga ito, at tagumpay na, hahaha!Kung sa bagay ay magaling silang mangulikot, kaya papanoorin ko na lang silang gawin ito muna o di kaya'y magamit ko din ito.

At tila may importanteng tao, mula pa sa espesyal na kabihasnan, ang pupunta sa tutunguhan namin ngayon, ayun din sa mapang nakalap ko dito, at gayung ganon na lang sila kahanda, kung saan ay makikita namin ang hindi pangkaraniwang sandata, teknolohiya, at armada, upang mangamusta sa aming nahiwalay na sibilisasyon. 

At hihingi ng tulong ang mga royales, at superiores, sa kanila, hindi upang magkaroon ng kasosyo sa anumang negosyo sa pinagkukunang yaman at lakas, kundi kung papaano na masakop ang mundo, ang napagtanto ko.

I, Legacy: At Last!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon