Nakakaantok, nakakainip at nakakagutom na ang mga plano kong hindi pa mausad usap, na pakalat kalat pa din 😔
Nagsikagulo nga at nag-away ang mga makukulay na sopistikadong lipunan, at mga superior na marino, pirata, lover, gamma, sikat at henyo, pero bakit ang ulap at hangin ay tila sumasang-ayun pa din sa kanila, hindi sa aming mga naglalakbay lang!
Ayus lang, dahil hawak ko naman ngayon ang prinsesa ng hari't reyna, na masaya sa aking bisig, at mga pinaghirapang kong madamang kayamanang materyal, na hangad kong ipagbenta ito sa mga nakatingin, sapagkat mahilig sila sa mga makomportableng kalakalan at kalakaran 😉
Gayunman, may kakulangan pa din sa akin, na mayroon sila, na sobrang sakit pa din, kahit na napakarami kong pagsasanay ang pinagdaanan!
Hindi kase pupwedeng mawala ang katapangan sa lakas ng loob na mismong konsepto ng aking pinagmulan, at mas lalo ng hindi dapat mawala ang natutuhan kong kakayahang magpasigla ng kalakalan, pilosopiya tungkol sa relihiyong pampulitikal, magmanman, makipagsandatahan, at pagkompronta ng mga nadiskobreng lugar at bagong buhay, upang magsimula ulit, na ngayon ay iniwanan na ang watak-watak at wasak na wasak na isla, lipunan at kabihasnan, kaya kasalukuyan itong pinagsisihan ng mga salinlahi ko 😢
Ayun sa alamat, ninakaw ng mga Nok, ang mapag-akit na nilalang mula sa kalangitan, ang tingin ng mga mauunlad na nasyon, kung kaya'y naglustay sila, naghirap, ninakaw ang mga mahahalagang pagkain ng sanlibutan, at kumampi nasa mga alagad ng neoplatonism, ang astronomiya, agham at heometriya, na naghirap sa kamay ng rasismo ng relihiyon at pulitika, noong unang panahon 😠
Pero ngayon ay maayus na, pero ang alamat ng mga iniwan ng Nok ay mananatiling mapaghiganti na sa aming buhay at isipan sa buong daigdig, kaya magkagalit man ang musket ng hari't reyna at mga superior ng mismong dumaong sa isla, ay magkakaroon pa din ng matinding rasismo sa estado ng kapangyarihan, karangyaan, at kainaman.
Tumpak, hindi lang ako ang natatanging may layunin, sila din meron!..
Hindi ko na kinaya ang kapangyarihan, kaya dinaan ko na lang sa tawa, kasama ang mga naniniwala sa akin, kaya hindi ko kailangan pang gamitin ang kapangyarihan ko ng dahil lang sa kanila 😂
Bahala silang gamitin ang paglustay ng kapangyarihan, upang magpaligaya sa dalampasigan at batong entablado, na nagagawa nitong teknolohiya sa aming lahat, kung sino ang mas mainam. Ganito kapulitikal ang natural na kaanyuan ng mga tao, na minsan ay mas malala pa, kapag nanalo silang makuha ang kanilang inaasam.
Hindi magawang masaway at masawata, dahil nasa isla ikaw ng puno ng mga luntian at dito sila mismo nagtatago at dumadaong, upang magsayang makipagkalakal ng mapupuntahan, at kayamanang pangkaligayahan!
Dito tayo sa mundong ibabaw pinarusahan ng dahil lang sa sinumpang pagkain, kaya dito rin tayo magpapatayan mapasa-atin lang ang ating inaasam na mithiin 😈
Kaya wala na akong magagawa, kundi galain at sundan ang kanilang sinusuotan at ginagalang sistema nila ng pagpapatakbo, upang mamulat, wala akong magagawa, at hanapin ang susi ng pagkontrol sa kanilang puso ng agila, na ang agila mismo, ang kanilang natural na kaanyuan, na mas matalas pa sa sindak ng serpente.
Pasensya na, wala akong magamit na plawta ng hayop, baka may masaktan at maintriga pa! 😔
Gayunman, serpente man ako sa agila, ay hindi ako nagpatalo sa kanilang pagkontrol, kahit gaano man sila kapaminsala. Maiugnay ko lang at makasabay sa aming kompanya, upang buuin muli ang mga pamahalaang nawasak, at magkaroon muli ng ugnayan sa isa't isa, kahit na ito'y kasumpa sumpa na.
Kaya anupa't ginamit ko ito upang maging matulis ulit sila at maging sekswal para sa lahat haha, kahit na wala sila sa aking maibigay!
Kahit natatalo na ay nagawa pa naming magsaya, mag-inom at magpasayaw, upang maging mainam at patas sa lahat, sa abot ng aming magagawa, dahilan upang mabuo ang mga nalipol kong impormasyon, na bubuo daw sila ng makabagong malalakas na lipunan sa anumang dako, at gagamitin itong teknolohiya, upang mani-obrahin ang kanilang nasakop, at lagyan na ng history, kaya alam ko ng ganito din mismo ang plano ng bawat nilalang 😺
Dahil dito, ay mas maganda ng maging mapag-isa sa anumang sulok at heometriya nito, gaano man ito kadilim, kawasto, at kaliwanag; kanya-kanyang huli ng mga hayop at isda para lang mabuhay, kahit na sila ay grupo-grupo na nagliliwaliw pa din. Kailangan talaga, hindi halata na ikaw lang mismo, upang masakop mo sila, maging masaya lang ang kalooban ng nagpapakagat sa putakte, at nagsasakripisyo! Hinihintay ko lang silang mainis at magalit ng bawat isa sa kanila, upang lumiyab.
At bumalik na ako sa tahanan ko pansamantala, ang palasyo ng hari't reyna, at bisig ng aking nakakaalimuyak na prinsesa, pero naging makulit na siya. Ginawa ko ang lahat upang hindi maboryong sa mga musket na baril, pana (luma na), tunggalian ng espada, ligawan, laro ng eskandalo at tropa, araw ng sayawan, at iba pang masaya at awayin sa palasyo sa isla, ang paboritong daungan ng mga tagumpay at dakila.
Sulat lang ako ng sulat ng mga nakalap kong impormasyon, at iniisip ang pangungulila ko, kasama ang naging maganda ko na namang babae at prinsesa! 😊
=============================================================>
Pero nung araw ding iyon ay tinanggalan agad nila ako ng bihis mula sa kanila, dahil hindi na nila ako nagustuhan, na mismong nilantad ang pagkatao ko, at kinatwiran na mismong ito ang nais nilang makita, ang pagiging alamat ng mandirigma.
Nilagay nila ako sa hamon na mismong ikatatalo ko. Hindi ko alam kung sino ang gumawa nito, ang barko ko ba, o silang lahat?! Ngayon din, ay wala na akong kakampi ni kinagagalawan, kundi ang paninindigan ko na lang at edukasyon, ang nagpapagalaw sa aking sandata.
Tinitignan lang ako ng mga miyembro ng isla, mas lalo na ang mga superiores nito, kaya napatalikod na lang ako sa kanilang lahat, at sa mismong loob ng naging tahanang palasyo.
At ganun na lang ako na mismong serpente, kinuyog ng mga mababangis na agila at langgam, na mismong napasubok ang aking sandatahang lakas, kakisigan at kadakilaan, at napatakbo sa maasukal ng isla, ng dahil lang sa galit nila sa pamumulitikal 😎
At napatigil na lang sila, dahil masaya na silang naging duwag ako sa paningin nila.
Gayunmang kapangit ang sitwasyon, ay nagamit ko pa ang power ng paggapang, kaysa sa mamuhunan sa kanila, at ganoon na lang ako nagpalangoy langoy, nung nagsisimula na silang magsipaglakbay. Madilim man ang simoy ng paligid ng kagubatan, ngunit maasukal naman sa kaputian ng buhangin na mismong tinitipa mo at kinagagalawan.
Mas marami pa akong nakita, at naintindihan tungkol sa paglalakbay at sa mga bagay na mahahalagang katangian nila, ng dahil lang sa paggapang, at naintindihan ko pa ang tunay na meaning ng pagiging sundalo, na laging nakatapak ang iyong paninindigan sa lupa.
At ang nanguna sa paglalakbay ay ang kaharian ng palasyo.