Hindi namin alam kung papaano kami nakaalis na lang sa karagatan at nakaahon sa may kalupaan!Iilan na lang kami ngayon.
Natabunan tuloy ang aking kasikatan sa kanila, dahil nagrereklamo na sila sa isa't isa, kaya marami na silang alam tungkol sa kanilang sarili.
Wala na akong magagawa, kundi gamitin na ng tuluyan ang aking katawan, para mapansin lang ako.
Karamihan sa kanila ay mga kababaihan, kaya nahirapan akong makuha ang kanilang kalooban, dahil mas gugustuhin nilang sila na lang ang gumawa nito.
Nasisi din ako sa huli, na kung hindi dahil sa akin, ay hindi mangyayare ito, kaya tuloy ang naging parusa ko sa sarili, ay maging alipin nila at manggatong ng sisilungan at makakain, ouch!
Nakita nilang papunta ang mga manlalayag sa dulo ng islang ito, na ito ang tamang tamang susundan nila, upang makaganti, at ihain ako sa kanila haha ☹️ Walang tumatakas na mandirigma, kahit na duwag pa, kaya sakyan na lang.
Marunong pala silang magritwal, upang ipanalangin ang kanilang sarili, hanggang sa magtalik na lang sila ... 😠 Tanging ang mga naiiwan ay laging hindi makuha ang ginagawa nila, kung paano makisama, kaya nakitawa na lang sila.
Pagbukang liwayway ay ginawan ko sila ng mga sandata, pero hindi kami pupwedeng dumaan malapit sa dalampasigan, dahil baka makita kami ng mga kalaban sa paligid, kaya ang dadaanan namin ay sa loob pa ng kagubatan.
Hindi na naman ako pinansin ng mga ito, dahil iba daw ako sa kanila, at kasalanan ko ito, na mas gugustuhin pa daw nilang gumalaw 😞
Dahil kagubatan, na maraming mababangis na hayop at mga sumisilip, at sa kabila ng kasungitan nila, ay napakusa na lang ako na maghanap ng madadaanan, upang makaligtas lang. At dahil din, may kasama silang mayamang minero, ay hindi ko magawang iwanan silang lahat 😁
Nadaanan lang naman namin ang ilang ilog, mga masasakit na ulan, insekto't parasites, at mga unggoy na gusto talaga kaming patayin.
May napatay din sa amin, dahil natuluyan ng sumuko, kaya ang iba ay naglakas na ng loob mapag-isa; Imbis na ako ang dapat patayin, ay iba na lang 😩
Nung isang araw ay nadaanan namin ang sandamakmak na mga kalabang gubat. Handa talaga silang pumatay at makidigma, kaya masamang kalagayan ito! Mapupuruhan ikaw talaga, kapag napalaban.
Mabuti na lang ay madamo't may distansya kami sa kanila.
Ang plano ay pumili ng mas kakaunting kalaban, para makaalis na kami dito -- At ako na naman ang bahalang makidigma!
Kakayanin ko naman kahit ako lang mag-isa, e, at sila na lang ang bahala sa mga pusang-galang makikita nila sa daraanan😅 –Oo, kanya-kanya pa rin kami!
"Dapat sabay-sabay, kahit na napakabangis ang gagawin naming plano, ahhh!!"
Kiss muna sa pinaka-best na lover babe para sa akin, nung ako'y nangangailangan ng pagkalinga, dahil para sa kanila ito 😊
Nung napagod akong makipaglaban, ay ginamit ko na ang plawta ng kagubatan, na isa sa aking natutunan sa paggamit lang ng aking mga kamay, kung saan ay magtatawag ako ng mga hayop, para puksain sila, kaya pinatugtog ko ang musika ng mga lobo, sawa at leon. Isa Ito sa kaya ko palang patugtugin. Pero kung hindi mo kayang kontrolin ang mga tinawag mo ay hindi ikaw kikilalanin nito.
Nahirapan ako sa mga kalaban, dahil may kakayahan silang maghagis ng mga pasabog at kemikal, kaya ang mga ito na lang ang bahala sa kanila!
Sinundan ko pa din ang mga kasamahan ko, kahit na nagkasugat-sugat na ako, at nagkaligaw-ligaw! 😂
May narinig akong kaguluhan, kaya alam kong sila iyon!
Napapalaban sila ng digmaan, grabeh! Parang mga predator kami na pinakailaman ang bahay ng mga kumunoy! Hindi na nilang magawang magtago. Pananggang gawa, sibat at baril lang ang mga dala namin, laban sa mga naninirang puri. Kaya inuntog ko na ang aking katawan sa maraming nakaharang sa kanila.
Ano ba itong lugar na ito, kung bakit maraming nagpapagulo?!
Pinagawan ko sila ng mabilis ng bawat grupo nila, para mahati namin ang daraanan, at nakita na lang namin na mga kabahayang nasusunog na abot nasa kalangitan, at mga taong nananaghoy sa apoy ng kasakiman, at mga taong nabubulok.
At nagawa na din naming magtago, kahit saan. At Salamat dahil nagpasalamat na sila sa aking ginawa para sa kanila! 😉
Kinabukasan ay sumama sa akin ang ilan para bumaba ng bundok, at alamin kung ano ang nangyayare sa pulong ito, at para din magpalakas ng hukbo sa paglalakbay!
Nagulat kami, dahil mas masagana pa pala ang mga mistulang nabubulok, na nakita naming kahapon, kaysa sa amin, at normal na lang sa kanila, ang mga taong nagkakagulo, dahil daw sa galit ng kalikasan! Ang tawag sa kanilang mapag-ingat na nilalang, ay mga taong-damuhan.
At dahil din sa kaguluhang ito sila kumukuha ng lakas, edukasyon, at kayamanan para mamuhay, kaysa sa mga kalabang pumapaslang lang ng puri ng iba, basta mangialam lang.
Ang iba sa kanila ay mga mamamatay tao ng mga ito, dahil pinipilan nila ang pag-usad ng buhay. Dati silang mga sundalo na wala ng pamahalaan, na nagdesisyong mamaslang na lang sa mabuting usapan, para sa kanila.
Nanalangin ako na kayanin ko pang itaya ang buhay ko para lang sa mga taong nilulupitan na umaasang magkaroon pa ng kabuluhan at katarungan 😥 At nakita ko na lang ang espadang binigay sa akin ng mga taong-damuhan, upang manguna na mabawasan ang hindi pagkakaintindihan ng kapwa.
Pero hindi namin inaasahan ang nakita naming lawak ng pinsalang iniwan nito, na animo'y walang makakaligtas at walang makakaalis...
Ang tanging kailangan nito ay makipagsapalaran para sa kanila!
Magsasaya ako dito ng lubos, kung ano pa ang magagawa ko!
Simulan na ang tunay na sining ng mga mandirigma 😁