Legacy Fight: Dawn of forest🍃

11 2 0
                                    


Hingal na hingal kami na nakapagpahinga sa sobrang maasukal at madilim na kalangitan ng kagubatan, pero kitang kita ang napakalayong paroroonan sa pinagmulan naming lugar, na tila ewan kung mararating 😨

Kaya kahit alam namin na aabutin ng ilang araw para makarating doon, ay mas nanaisin na lang namin na gawin itong isang araw o mas maliit pa sa araw.

Wala na kaming sinasakyan, dahil kinain na ng impiyerno ng lugar na iyon!

Nasa madilim kaming kalagayan na hindi nakikita sa may lupa, misteryong ingay ng kagubatan na animo'y mas malaki pa sa amin, at mga tila anino'y nasa paligid lang para maging kalaban namin at kaibigan, na hindi naman kailangan.

Sugatan parin kami sa lahat ng nangyare, pero tanging ako lang ang hindi nagpatalo! 😉

Wari ba'y nakaangbang agad ang aming mga malalakas na loob at mga matutulis naming sandata, sa anumang mangyayareng paglusob sa kanila, at sa amin – Malubhang nakakatakot ang paligid: May ingay ng parating ng mga taong naligaw lang sa dilim habang kami'y umuusad, na akala namin mga kalaban mula sa lungsod, may parang mga nagpapanggap na hayop na mabibilis na gumagalaw kahit saang liwanag habang kami'y nagmamadali, at may parang nakausli pa sa aming daraanan na parang maliligaw ka muna, bago makapunta sa iyong destinasyon.

Ang sabi ng kagubatan o diwata sa aming taenga: "Maliligaw ka muna! Maliligaw ka muna!" 😟

Ngunit ang nasa isipan namin ay nandoon lang naman ang aming ligtas na bundok, kaya kailangan namin magmadali para hindi kami maunahan ng sinuman' na nasa paligid.

Napamura kami!

Ganito pala nakakatakot dito, kapag nahiwalay ikaw sa lungsod, na nasa dulo na ikaw, baka masanay ikaw magpahinga muna, at tapos, marami na ikaw mapapansin sa sarili mo, makikitang kung anu-ano sa paligid at lumilipad, at paglaruang hindi mo naman alam, upang ilihis ikaw at dalhin ka pa sa mas matinding takot ng mundo, na mismong ikagugulat ng sarili mo 😐

Ayaw namin pumunta sa may bahay na parang hindi naman kinala sa dinaraanan ng sinuman, tumigil ng matagal upang magtawanan sa anumang nangyare, at pansinin ang hindi naman dapat pansinin, kahit pa may parang mga higante na ikatitigil pa namin, dahil ito ang laro sa dulo ng takip-silim, kaya kailangang mabilis umusad at magtago, kahit na mabilis lang ang nangyayare ng parang hangin! 😮

Tinakbo lang namin sa abot ng aming makakaya ang isang linyang ilog sa may harapan namin, kahit na napatungan ito ng dilim, at ang nagliliwanag na ilaw mismo ay batis ng tubig; Kung sino man ang malaking hayop na biglang lumabas ay unang makakain sa amin. Pero ang mismong daraanan namin ay napatungan na ng mga puno't papasukan namin.

Wala ng nagawa ang aming lakas ng loob at sandata, kaya pinabayaan na namin. Tanging pananalig ang tumulong sa amin, upang lumabas sa sumpa nito. Tanging ako lang ang naging aktibo sa aming lahat 😊

Ang matindi pa ay may nagagawang ingay ang kagubataan, na hindi dapat namin marinig, upang hindi kami masaktan sa aming ala-ala. Oo, lubhang nakakaawa na ang aming sarili ng dahil lang sa pagtulong at sakripisyo ng bayanihan. Kaya ilag na ilag kami, hindi lang sa aming sarili, kundi sa mga batong inaalpasan at tinitiis ang kalamigan ng paligid, mailigaw lang ang aming pusong kabayo.

Gusto namin bumalik, pero hindi talaga pwedeng lumapit kahit sino at anong makita, kaya ginapang na lang namin, para hindi matamaan ng pinaniniwalaan naming parusa ng kagubatan, makaligtas lang ng oras!

Hindi namin alam kung gaano karami ang aming nakita at naramdamang masama, na sana ay maganda na lang, dahil basang basang sisiw kami sa ulan ng kagubatang nawawala; nagmukhang trapo ang aming pagkalalake sa oras ding ito, pero nagawa din naming tumawa at magpatuloy sa nagagawa naming magandang sabi ni Bathala sa amin, kahit na parang unti-unting hinihila kami ng isang kumunoy sa dinaraanan 🤭

Kalaban namin ay kalungkutan sa pag-iisa sa malawak na mundo ng kagubatan, na nagbabaliw ng nilalang! 😱

Kung saan-saan na kaming dumaang delikado, upang hindi lang matukso, mailigtas lang ang oras at ang aming sarili, kahit anumang mangyare, maihatid lang ang magandang mensahe! Kung hindi niyo lang alam ay ginagamit ko din ang plawta kong kamay, upang itunton kung may nilalang sa paligid o malayo. Dito tumibay ang aming pagkakaintindihan at pakikinig, na hindi lang mangusap, kaya nung may nakita kaming makitid na sapa sa maulang parte ay sinakyan na namin ito, makaalpas lang!

Alam naming lumalayo talaga kami sa matitinding laban, kung may nakasalubong, para walang problema sa linya. Kunyarian kami ngayong mga bagay sa paligid! Hindi parin namin makita ang mismong pangitain, dahil sumasabay ang ulan at malakas na hangin! 😞

Ang mismong kagubatan ay natural ng walang kinabukasan, mga kaibigan! Ang pagsubok nito ay hindi nagagawang giyera sa amin para maghamon, kundi kung papaano ikaw makakapunta sa itaas ng tuktok nito 😈

Nagkahiwalay kami sa paligid, kaya wala na ang buong katawan, upang magkaroon ng moral! Nagpasya na silang lumaban para sa kanilang sarili, kung meron mang humahadlang. Kita na lang kami sa unahan, pero wala pa ring iwanan at sukuan, kaya hindi na namin makita ang kamay na mismong sumusuporta sa amin!

May nanumbong na nandito raw kami sa paligid!!!

Tago, dapa at gapang, para sa buhay mo at iyong pinagdaanan! 😠

Alam kong kahit hindi ko sila makita ay nagsusuportahan kami, pero may mga kalaban pa ding umaalaspas sa paligid at harapan ko lang, at alam ko ding nagulat kami doon.

Bilang mga mandirigma ay hinalintulad namin na kami'y mga ahas na ingay at bagay lang sa paligid. Pero ang mga kalaban ay astang kalahating hayop-nilalang na ng kagubatan! Makita lang kami ay putol agad ang aming mga buntot!

Sa madaling salita ay nakalimutan kong magplawta, upang magkaroon pa ng himala 😩

Parang tuloy naglalaro kami ng larong pagong, kapag may mabibilis na katunggali, pero ang pagong ay mananatiling kalmado, dahil may bahay kami. Pero hanggang kailan kakayanin ang bahay nito, ang ganitong mga hayop?! 🤔 Minsan ang bahay ay kailangan maging tunay na matulis na sandata, upang makausad.

Oo, Ito na ang pinakamatinik na aming napuntahan, dahil kagubatan ito, at ang kalaban ay mismong parang kaluluwa kung magpakita!

Aba, mas malalaki't matatangkad pala sila sa inaasahan ko, at mas marami!

Kaya ang labang ito ay hindi laban ng umbagan, kundi unahan sa takbuhan! Pero nung makita ko ang maliit na liwanag ng kaligayan ay Sugod at Takbo ang naging sigaw ko, para sumabay na ang mga kasamahan ko! ✊

Naging mataray ang labanan ng gamit ko din ang aking plawta! Humanga sa akin sila 😄

At tuluyan na kaming nakaalis sa halimaw, nakakatakot at mabangis na kagubatan, EI! 😩

Hindi ko talaga maintindihan ang hiwaga ng kalikasan, pero dapat pa rin natin maunawaan sila.

At nung makita namin ang linaw ng aming pinagmulang bayan ay tuloy-tuloy na lang kami nagsipaglakad.

Nagpakalayo-layo na ang mga palaboy na kalaban ng bayang ito, kaya ito na sa ngayon, ang mas makakabuti, at may unawaan at maayos na komunikasyon na din, para sa mga bata't pamilya at kaibigan.

Bumalik na din ako sa bundok sa tunay kong kasamahan at may ilan na ding malalakas na miyembro, pero ang iba ay nauna na sa paglalakbay 😠

Ano pa nga ba ang aasahan ko sa kanila, gayung nawala na ang mga kaligayahan ko?! 😔

Kaya mag-isa na lang akong pumunta para sumuko sa kapitan ng barko!..

Rules: kanya-kanya pala ng paglalakbay at katapatan!

At sinauli ko na rin ang espadang hindi ko naman nagamit sa paglalakbay sa may-ari 

I, Legacy: At Last!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon