Mr. Stalker

199 10 0
                                    

'Mr. Stalker'

"ANO BA GUYS? ANG INGAY NIYOOOOO ARGH!!!" ginulo ko ang buhok kong nakalugay sa sobrang inis sa mga maingay kong kaklase. Imagine Grade 11 na kami pero para parin silang Grade 7? Kainis lang.

Nagdodrawing pa ako para sa project namin e! Tapos ang ingay nila. Ponyeta.

-----

"Leslie!" tawag ko sa kaibigan kong may maiksing buhok. "Ano?" tanong niya habang inaayos yung bag niya.

"Lalakad ka papuntang palengke?" tanong ko sakanya pagkatapos ay lumapit ako sa kinatatayuan niya.

"Oo malaman, alangan naman magteleport ako o lumipad diba? Kainis to." pinaikot niya yung eyeballs niya.

"HAHAHAHA. Malay ko ba kung magtatricy ka." natatawa ng ani ko.

"Kailan ba ako nagtricy papuntang palengke galing school ha? Diodeth? Jusko."

"Oo na. Kalma ka na."

---*---

Pagkauwi ko ay dumeretso na ako sa kwarto at nagbihis pagkatapos ay humiga sa kama ko.

"Ghad. Kapagod."

Nakapikit na ang mata ko at handa ng matulog ng may nag pop na message sa cellphone ko.

Kinuha ko iyon at binasa ang mensahe.
*ting

From: Unknown Number
Hi.
6:02 PM

Sino kaya to? Unknown number e.

Sino po sila?
Sent. 6:03

Ilalapag ko na sana muli ang cellphone ko at babalik matulog pero bago ko pa iyon magawa ay nagtextback na ang kung sino mang may ari ng unknown number. *ting

From: Unknown Number
Uhm. Jay po.
6:03 PM

Jay? Teka sino ba tong Jay na to? Nireplyan ko siya.

Jay? Sino pong Jay? Sorry pero wala akong kilala Jay e.
Sent 6:04 PM

Ugh. Sino ba to nakaka inis naman!!
*ting

From: Unknown Number
Jay Verbo po. From Grade 11 Humms Loyalty.
6:04 PM

Text niya ulit. Shizz hindi ko nga siya kilala e. Hindi ko muna siya nireplyan at iniisip ng mabuti kong may kilala ako sa strand ng Humms. Pero wala talaga!
*ting

From: Unknown Number
Hindi niyo po ako kilala. Pero kilala ko po kayo.
6:05 PM

Shit. Stalker? Hindi ko parin siya nireplyan.
*ting

From: Unknown Number
Nakita niyo na po ako. Pero sure akong wala naman kayong pake sakin.
6:05 PM

Focc. San ko siya nakita?

Kanino mo nakuha number ko?
SENT 6:05 PM

Sino naman kaya ang magbigay ng number ko sa Jay na'to? *ting

From: Unknown Number
Secret po. Bawal sabihin e. Sorry.
6:06 PM

BAWAL SABIHIN WTH?

Sige hindi na kita kakausapin.
SENT 6:06 PM

*ting

From: Unknown Number
Sorry po talaga. Pero okay lang saakin basta nababasa mo yung text ko.
6:07 PM

From: Unknown Number
Alam niyo po ba? Una kitang nakita nung tumatakbo kang late. Hahaha. Ang cute mo nun kasi madaling madali ka talaga. Nakakunot pa yung noo mo.
6:08

From: Unknown Number
Tapos lagi kang nalalate na kaya lagi na kitang nakikita. Nasa pangatlong floor lang nung bldg natin yung room ko. Kaya kapag bumababa kami para mag recess nakikita kita.
6:09 PM

From: Unknown Number
Simula nun. Naging crush na kita. Alam mo bang hindi nabubuo ang araw ko kapag hindi kita nakikita?
6:09 PM

From: Unknown Number
Pero buti nalang nakita kita kanina. Yun nalang kunot na kunot yung noo mo. Nagulat pa yung buong klase niyo nung sumigaw ka. Tapos bigla ka nalang umupo at nagpatuloy sa pagdradrawing na parang walang nangyare. HAHAHA.
6:10 PM

From: Unknown Number
Kaninang uwian naman, kinakausap mo yung kaibigan mong lagi mong kasabay umuwe tapos may sinabi siya sayo na ikinatawa mo. Alam mo bang ang saya mo pagmasdan habang tumatawa ka? Ang ganda mo tapos ang cute mo at the same time kaya hindi na ako magtataka kung maiinlove ako sayo eh.
6:11 PM

Seryoso? Hindi ako kinilig sa mga sinabi niya. After a few text messages nag goodnight na siya. Hindi ko parin siya nirereplyan. Ang creepy niya pakshet.



                                      - *-

If you like this, hit the star and comment your opinion<3
-jengsais

Short StoriesWhere stories live. Discover now