Mr. Stalker Last Part

128 7 1
                                    

'Mr. Stalker Last Part'

Friday na, 2 days na simula nung makilala ko through text si Jay. The creepiest guys on earth. Alam niya kasi yung mga ginagawa ko tuwing umaga pagpasok ko, recess tsaka uwian.

Minsan nga inililibot ko muna ang paningin ko sa labas bago ako umuwi e. Hindi ko kasi siya kilala. Minsan sinabi ko sakanya ng magpakita na sakin pero sabi niya when the right time comes.

Inamin ko narin na ang creepy niya sa paningin ko at sinabi niyang okay lang sakanya. Actually mabait siya, sa dalawang araw na kausap ko siya sa text ay ramdam ko ang concern niya sakin.

*ting
From: Jay V.
Ingat sa pag uwi!
5:02 PM

Naglalakad na ako pa uwi ng mag text siya.

Oo naman, ikaw din.
SENT. 5:02 PM

*ting
From: Jay V.
Opo. Mag iingat ako para sayo❤️
5:03 PM

What theeee? Pakshet nato. Kung ano anong sinasabi.

Nababaliw ka nanaman.
SENT 5:03 PM

Reply ko sakanya pero para akong tangang nakangiti mag-isa.

*ting
From: Jay V.
Baka? Nababaliw sayo. :)
5:04 PM

ARGH! Pa fall kainisss!!

Tigil tigilan mo ako ha!
SENT 5:04 PM

*ting
From: Jay V.
Ako din tigilan mo.
5:05 PM

ANO DAWWW?

Ano?? Ano bang ginawa ko sayo ha?
SENT 5:06 PM

*ting
From: Jay V.
Tigil tigilan mo pagpapatibok ng mabilis sa puso ko. Wag ka masiyadong ngumiti pa fall ka e.
5:07 PM

Napatigil ako sa pag lalakad at napatitig sa cellphone ko. The next thing I know, impit na tumitili na ako. MYGOSHHHHHHHH! ANO BA!!!??? Bago pa ako himatayin sa kilig ay nireplyan ko na siya.

Whatever. Kung ano anong sinasabi mo diyan.
SENT 5:07 PM

Nang makarating na ako sa bahay ay nagulat at nagtaka ako dahil may bisita, si Ninang Aiviiieeee!! Ang favorite Ninang ko! Oo nga pala sinabi ni Mama sakin na umuwi na silang magpamilya galing Canada!

"Oh, hayan na pala si Diodeth e. Anak andito ang Ninang Aivie mo." sabi ni mama na hinihila ako papalapit kay Ninang Aivie na may kasama ng binata.

Kasing tanda ko lang ata siya. "Iha! Ikaw na ba yan? Jusko po! Ang laki mo na!" sinalubong ako ng yakap ni Ninang habang ang lalaki ng kasama niya ay nagulat ng makita ako.

"Ah hehe. Opo." niyakap ko rin siya pabalik. Pagkatapos ng yakapan ay hinila niya ako paharap sa binata. Maputi ang balat nito, halatang imported from Canada. At may matangos na ilong, may mahabang pilik mata at kulay brown na mata. Inshort gwapoooo!

"Mahal kong inaanak Diodeth, meet my son. Nag aaral din siya sa school mo. Senior highschool na siya. Son, meet my goddaughter Diodeth."

Ngumiti ang lalake at iniabot ang kamay saakin.

"I'm Jay Verbo. Nice to finally meet you, Diodeth."

Napanganga ako sa nalaman. Oh shit.

                             - °-

If you like this, hit the star and comment your opinion<3
-jengsais

Short StoriesWhere stories live. Discover now