'Our Wedding Day Last Part. Part 2'

87 5 0
                                    

'Our Wedding Day Last Part. Part 2'

Pinatay ako ni Zach, ang lalaking mahal ko ng walang awa. Habang tinatabunan niya ang bangkay ko ng lupa ay nagsalita siya.

"Hindi ako magsisisi na pinatay kita Tiffany, mahal na mahal ko si Amelia at hindi ko hahayaang sirain mo ang relasiyon namin. Kaya nararapat lamang sayo iyan."

Bakas ang kasiyahan sa boses niya habang sinasabi iyon sa bangkay ko. Napakuyom ang kamao ko sa aking narinig.

'Hindi ko kayo patatahimik Zach, HINDE!' sigaw ko ngunit alam kong hindi mo iyon narinig. Pinatay mo ko Zach, sisiguraduhin kong makakapaghiganti ako.

----

"SUMAPI AKO ZACH SA BABAENG MAHAL MO, BABAENG IPINALIT MO SAAKIN!"

Hindi ako si Amelia, ako si Tiffany. Ang pinatay mo.

"A-ano bang sinasabi mo mahal?" takot ay nababakas sa boses mo. Limang buwan na ang nakakaraan mula ng pinatay niya ako't inilibing sa bakuran niya. Ramdam ko pa ang sakit ng kutsilyong ilang beses bumaon shaking katawan hanggang sa mamatay ako.

"Ano bang nangyayare kay Amelia?"
"Jusko, sinong pinatay?"
"Pigilan niyo siya!"

"Babe, ba't mo ko pinatay? Mahal na mahal kita pero bakit mo ko niloko?" Hanggang ngayon masakit parin na yung taong mahal na mahal ko ang tumapos sa aking buhay.

"T-tiffany?" gulat na usal mo. "P-pero, "

"Hindi kita hahayaang maging masaya Zach, HINDE! MAKINIG KAYONG LAHAT!" pagkuha ko sa atensiyon nila.

"ANG LALAKEBG ITO ANG PUMATAY SA MATAGAL NG NANAWALANG SI AMELIA ANG DATI NIYANG KASINTAHAN! INILIBING NIYA ANG BANGKAY KO SA BAKURAN NG KANYANG BAHAY!" sigaw ko.

Mas nagulantang ang lahat ng may pumasok na apat na pulis. Isinumbong ko ang aking nalalaman sa kanila ukol sa bangkay ko, naagnas na ang aking balat. Mabahong mabaho na ako. Ni hindi malang niya ako nabigyan ng maayos na libingan!

" Mister Zachary Villacillo, inaaresto po namin kayo sa salang pagpatay--" ani ng pulis at pinosasan ka.

"Hindee!" sigaw mo at pilit na kumakawala. "Mahal ko! Ano bang sinasabi mo!?"

"Makakapagpahinga na ako Zach."

Sinaksak ko ang kutsilyo sa puso ng taong sinapian ko, si Amelia. Ang babaeng mahal ng taong mahal ko.

Short StoriesWhere stories live. Discover now