'Prinsesa' t Prinsipe'

51 2 0
                                    

Nakaupo ako sa damuhan dito sa field, nanonood sa mga magkakaibigan na nagtatawanan habang nagmemeryenda.

'Hay, antagal ni Brianne.' bulong ko sa hangin, kanina pa kasi ako nandito at kanina ko pa hinihintay si Brianne, yung bestfriend kong gaga.

"UY TOL! JC!" napalingon ako sa sumigaw. Si Marc, kaklase ko may hinahabol siya dito sa field. Si JC, kaklase ko rin.

Huminto sa paglalakad si JC at nilingon si Marc.

"Bakit?" narinig kong tanong nito medyo malapit lang kasi sila saakin, pero sa tingin ko hindi pa ako nakikita ni JC. Nakatalikod si JC saakin habang nakaharap naman sa dereksiyon ko si Marc.

"Heheramin ko muna sana yung notes mo. Magrereview sana ako para dun sa na-skip ko na test."

Nakita kong may kinuha si JC sa bag niya, isang University Notebook at binigay iyon kay Marc.

"Balik mo mamaya." wika ni JC.

"Oo. Salamat JC!" umalis na si Marc at tumakbo palayo sa field.

Nagpatuloy sa paglalakad si JC pero papunta ng direksiyon ko, oh shizz! Nakatingin pa siya sakin habang naglalakad. Focc, what to do? What to do? Pumikit ako at bumulong.

'Kristine, self, kalma, kalma lang--'

"Babe!" natinig kong tawag ng isang tinig babae kay JC. "Lunch na tayo, tara!"

Iminulat ko ang mata ko at nakitang may kasama siyang babae. Si Kia girlfriend niya. Mapakla akong napatawa.

Sa mundong ako lang nakakaalam, ako ang prinsesa at siya ang prinsipe ko. Ngunit sa mundong totoo prinsipe siya ngunit hindi ako ang prinsesa niya.

Short StoriesWhere stories live. Discover now