'Our Wedding Day Last Part'

88 4 0
                                    

'Our Wedding Day Last Part'

"Babe? Ano yung sasabihin mo?" tanong ko sa boyfriend kong si Zachary. Tumayo siya mula sa pinagkauupuan niya at hinilaan ako ng upuan.

"Ang sweet naman ng boyfriend ko." hinalikan ko siya sa labi. Pero naging peck lang yun dahil di niya ako hinalikan pabalik.

Napakunit noo ako, "Babe? May problem ba?"

Umupo na siya sa upuan niya at tumitig sakin. "Magbreak na tayo, Tiff. Itigil na natin to." seryosong sabi niya. Parang tumigil ang mundo ko, ramdam ko ang milyong milyong karayom na tumusok sa puso ko, ang sakit.

"Ha? B-bakit? May pagkukulang ba ako?" umiling siya. "Zach please wag ka namang magbiro ng ganyan. Zach I love you, mahal na mahal kita. Please?"

I beg him. Ayaw kong makipaghiwalay sakanya. I can't, I don't want to.

Pero ngumiti lang siya at sinabing "Pleaee let me have my freedom. Sorry." then he stormed out of the cafe.

Days passed, tinetext at tina-tawagan ko siya ngunit hindi siya sumasagot. Chinachat ko siya pero blinocked niya ako.

I was in pain, then 1 month passed. Nakita ko siya sa mal may kasama babae, inistalk ko siya gamit ang isa kong account. Amelia ang pangalan ng babae ng kasama niya, akala ko ba gusto niya lang ng kalayaan?

Niloko niya ako. Sa sobrang galit ay pumunta ako sa bahay niya. Nagulat siya ngunit pinatuloy niya ako.

"Anong kailangan mo, Tiff?" mahinahon ngunit malamig na ani niya. Naiiyak na ako ngunit pinipigilang ko lamang.

"May iba ka na? Agad?" tanong ko at hindi ko na mapigilang umiyak.

"P-pano?" gulat na tanong niya. "Pano mo nalaman? Please Tiffany, stay away from us. Hindi na kita mahal."

"Kailan pa? Kailan mo pa ko nil ol 14thoko Zach. Ang sakit sakit Zach." tumayo ako at pinagsusuntok siya sa dibdib. Pinipigilan niya ako ngunit hindi ako tumigil.

"Tama na Tiffany, ano ba?!" sigaw niya at tinulak ako ng malakas. Hindi ko nabalanse ang katawan ko at nauntog ako sa dingding na semento. Ramdam ko ang pagtulo ng dugo mula sa aking ulo.

"A-ouch."

"T-t-tiffany? O-okay ka lang? I-I-I'm sorry." nag aalalang sabi mo. Habang pinipilit akong hawakan.

Winawasiwas ko ang kamay ko, at pinipilit na makatayo.

"Magsusumbong ako p-pulis. AHHHH. Ipapakulong kita Zach." pinilit kong magalit ng maayos kahit na nahihilo na ako.

"Hinde! Hindi pwede!" rinig kong sigaw niya, lumalabo na ang aking paningin at alam kong anytime mahihimatay na ako.

Narinig ko ang yabag niya papuntang kusina. Gusto ko ng umalis dito ngunit paano? Nahihilo na ako.

"HINDE!" ramdam ko ang matalim na bagay na tumusok sa tiyan ko.

"AHHH!" sigaw ko ngunit hindi siya tumigil. Pa ulit ulit niya akong sinaksak. Masakit na masakit.
Hanggang sa unti unting nagdilim ang akong paningin.

Dumilat ako at mabiis na tumayo, suot ko parin ang damit ko ng pumunta ako kay Zach. Ngunit duguan na ito.

"Argh!" napalingon ako sa narinig kong boses si Zach, pawis na pawis na siya habang nagbubungkal sa likod ng bahay niya.

"Zach! Mahal ko!" malakas kong sabi ngunit hindi siya lumingon umalis siya sa kayang bakuran at pumasok sa loob ng kanyang bahay.

Para akong nanigas sa aking kinatatayuan sa akong nakita.

Buhat niya ang duguan kong katawan, bakat ang madaming saksak sa tiyan at binti ko. Dumudugo din ang aking ulo.

Hindi, p-panong?

Inihulog niya sa hukay ang bangkay ko at tinabunan ito ng lupa.

Short StoriesWhere stories live. Discover now