'Our Wedding Day'

118 7 0
                                    

'Our Wedding Day'

~I found a love
For me~

Nasa loob tayo ng simbahan ngayon, nasa altar ka na at nakangiting naghihintay sa akin.

~Darling just dive right in
Follow my lead~

Nakasuot ako ng pinapangarap kong damit pangkasal samantalang ikaw at nakasuot ng itim na tuxedo, napakagwapo mo.

~I found a girl
Beautiful and sweet~

Nang makarating ako sa altar ay nginitian kita.

"Mahal ko." mahinang sambit mo. Kinuha mo ang aking kamay at itinapat ako sa pari.

"Do you Zachary Malicdem accept Amelia Villanueva as your beloved wife?" tanong ng pari habang nakangiti.

Nagpanting ang aking tenga sa sinabi ng pari.
Amelia! Amelia!

"HINDI AKO SI AMELIA!" sigaw ko na kinagulat ng lahat. "HAHAHAHAHAHAHAHAHA HAHAHAHA!" malakas kong tawa na para bang ako na ang nanalo.

Inilabas ko ang kutsilyo na nakatago sa bulaklak na hawak ko at itinapat sayo.

"Hala. Anong nangyayare?"
"Jusko nababaliw na siya."
"Amelia ibaba mo ang kutsilyo."

Rinig ko ang mga sigaw ng bisita ngunit hindi ko sila pinansin.

"Mahal na mahal kita, Zach. Lahat lahat ginawa ko." malungkot kong ani habang unti unti ng namumuo ang luha sa aking mata.

"A-amelia, ano bang s-sinasabi mo?" nanginginig mong sabi habang unti-unti lumalapit saakin.

"WAG KANG LUMAPIT!" malakas kong sigaw. "HINDI AKO SI AMELIA!" mabilis na tumulo ang luha ko.

"Hindi mo na ba ako nakikilala, Zachary? Hindi mo na ba ako naalala?" tanong ko sa kalmadong boses. Napakasakit isipin, walong taon kaming nagsama ngunit nagawa niya ang bagay na iyon.

"A-ano bang s-sinasabi mo m-mahal ko?"  nanginginig ka na dahil sa nangyayare, yan nga mahal ko. Matakot ka, masaktan ka!

"HAHAHAHAHAHAHAHA!" malakas kong tawa. Pilit akong nilalapitan ng mga bisita ngunit as nilalapitan ko ang kutsilyo kay Zachary.

"AKO LANG NAMAN YUNG PINATAY MO ZACH! PARA SA BABAENG TO!" itinapat ko ang kutsilyo sa katawan ko, mali, katawan ng babaeng sinapian ko.

"A-ano?"

"SUMAPI AKO ZACH SA BABAENG MAHAL MO, BABAENG IPINALIT MO SAAKIN!"

Short StoriesWhere stories live. Discover now